Chapter 63

117 8 0
                                    

Paano at Bakit.. Mga tanong na mahirap sagutin para sa akin. Dahil rin sa mga tanong na ito, maraming relasyon at sitwasyon ang nagaganap

#PalaisipanNumero1







Cevi's PoV
It's already 5 AM dito sa Ohio, Japan. Maaga akong nagising para sana si Gyl naman ang paglutuan ko, at the same time first monthsary kasi namin ngayon kaya kailangan kong maghanda

Agad akong nagsearch ng iba pang Japanese foods para mas lalong matuwa si Gyl. Mga ilang sandali pa ay may nakita na ako at agad ko rin namang sinunod ang sinasabi niya

Sinilip ko ang relo at pansin kong 6 AM na. Isang oras na rin pala akong nagluluto rito pero patapos na rin naman na. Alam kong ayaw ni Gyl ng sushi kaya Arancini na lang ang niluto at yung special dito sa Japan, ang Japanese Fried Rice, ibang klase at may ibang sangkap kasi ang fried rice nila dito compare sa ibang country

"Ayan tapos na" saad ko

Muntik ko pang mabitawan ang platong hawak nang bigla na lang may nangyakap sa akin mula sa likod

Alam niyo na kung sino yun? Edi yung clingy kong girlfriend. Grabe ito

"Ang bango bango naman niyang hinanda mo" saad niya habang nakayakap pa rin sa akin

Maingat ko namang naibaba ang platong hawak ko bago muling magsalita

"Ganun talaga. Pero teka, alam mo ikaw papatayin mo ako sa gulat ha" sabi ko habang hawak ang kamay niyang nakayakap sa akin

Rinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago muling nagsalita

"Sorry na. Eh bigla ka na lang din kasing aalis sa tabi ko kaya agad akong nagpunta dito sa kusina kasi alam kong nandito ka. Kaya sorry na ulit and Happy 1st monthsary Cevi ko" sinserong sabi niya at mas humigpit pa ang yakap

Bumitaw ako sa yakap na yun at hinalikan siya sa noo

"Happy 1st monthsary din Gyl ko" bati ko

Agad din namang gumuhit ang ngiti sa labi niya

"Oh siya, di rin naman kita matitiis kaya halika na kumain na tayo nang makaalis at makalibot na tayo" sabi ko

Agad din naman siyang sumunod sa sinabi ko. Kanina nagsearch din ako ng mga dating places dito sa Japan at di naman ako nabigo

"May problema ba tayo at titig na titig ka sa akin Mr. Borja?" tanong niya sa akin bago muling isubo ang kinakain niya

Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya. Lagi niya akong binibigyan ng reason para araw-araw siyang mahalin. Isa lang rin naman ang wish ko para sa amin, sana magtagal ang relationship naming ito

"Sorry na. At wala akong problema Ms. Gonzaga" sabi ko

"Okay.. At siya nga pala bago ko makalimutan, may ibibigay pala ako sa iyo mamaya" saad niya

"Talaga? Okay, thank you in advance" sabi ko

"Sira ka talaga. Bilisan mo na lang dyan ano" sabi niya

Agad din naman akong tumango sa sinabi niya. Mga ilang sandali pa ay nauna na siya sa taas para makapagbihis na at ako naman ay nagligpit muna bago magtungo sa taas

After nun ay agad na rin akong nagtungo sa kwarto para maghanda ng isusuot ko. Tinignan ko yung damit na nasa kama. May naisip naman akong isuot para terno kami ni Gyl

Sakto at may Denim jacket ako at below the knee na short. White T-shirt ang magiging panloob

At yung kay Gyl naman ay ganito rin pero mas mahaba ng konti ang short para sa kanya

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon