Chapter 55

153 7 0
                                    

Sunset is 💞





Cevi's PoV
After ng masayang bakasyon sa Japan. Ito ako, back to work na naman. 2 days after ng makabalik ako dito sa company kasi nagpunta muna ako sa cafe namin ni Gyl. Maraming nagbago para sa akin. Gaya na rin siguro ng inutos ko sa kanila, na ibahin ng Light Blue ang color ng company combine with White

Marami rin akong inapprove na proposal mula sa aking mga business partners. Ayun ang daming kumuha for endorsement. Sabi ko si Jurie muna ang umattend dahil di ko pa mamanage ang time ko, buti na lang napakamaintindihin ni Jurie

Nandito lang ako sa office ko at nagdudutdut sa laptop at nagsesearch for another designs at dagdag na dessert sa cafe namin ni Gyl. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok

"Come in" utos na sabi ko

Niluwa naman nito ang isang inis na inis na Andie. Ewan ko ba dito ang aga aga ganyan ang mukha niya

"Anyare sa iyo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko

Naupo naman siya sa sofa rito sa office ko

"Andyan na naman kasi sa baba yang ex mong hilaw" inis na sagot niya

"Ano?!" saad ko

Agad naman kaming nagtungo ni Andie sa kinaroroonan ni Juno. Naabutan namin siyang hinaharang ni kuyang guard

"Anong kailangan mo?" tanong ko

Binitawan naman siya ni kuyang guard at agad na inayos ang sarili

"Oh? Diba ako ang kailangan mo? Oh ano? Sumagot ka" galit na sabi ko

"Please Cevi bumalik ka na sa akin" saad niya

Ngumisi naman ako sa kanya bago muling magsalita

"Diba napag-usapan na natin ito. Di mo ba maintindihan yun? Uulitin ko lang, di na tayo pwede! Kasi may masasaktan na ako" sabi ko

"Sinasabi mo lang yan para di ka masaktan. Diba lalaki naman talaga ang gusto mo?" sabi niya

"Ha? Lahat nagbabago Juno. Kaya huwag mo sa akin isumbat yang sinasabi mo. Bakit ba napakadesperado mo? Diba dapat ako ang nasa position mo? Pero ayaw kong gawin yan kasi wala na akong nararamdaman para sa iyo" sabi ko

"Di ko naman sinusumbat sa iyo, pinapaintindi ko lang sa iyo" saad niya

"Pwes di ko talaga iintindihin yang mga sinasabi mo. Alam mo, tumigil ka na, umalis ka na, at kahit kailan huwag ka ng babalik" galit na sabi ko

Nanatili siya sa ganung posisyon na parang walang narinig

"Umalis ka na Juno" muling sabi ko

Nilapitan siya ni kuyang guard at pinaalis rito. Wala rin naman siyang nagawa. Hay! Pilit kong maging good vibes at positive kaya pagbalik ko sa office ay tinawagan ko si Gyl. Nagstay na rin si Andie rito sa office ko

Buti na lang at agad ring sinagot ni Gyl yung tawag

Oh? Bakit napatawag si Mr. Viceral?

Ah wala naman, namiss lang kita

Aysus, nambola ka na naman. Bakit ka nga napatawag? May problema ba?

Ah wala lang, mamaya ko na lang ikwento sa iyo. Pero busy ka ba?

Ah katatapos ko lang gawin yung binigay na trabaho sa akin ni Tito and by tomorrow may event dito, punta ka ah, importante sa akin ito

Hmm? Bakit kailangan pa ako dyan? Diba nakakahiya?

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon