Chapter 22

265 8 0
                                    

Bakit kaya hindi ako crush ng crush ko?

Cevi's PoV
Andito lang ako sa office ko habang hinihintay ang susunod na meeting ko. After nung nangyari kahapon, parang nakaramdam ako ng hiya. Di ko alam kung bakit? Di ba dapat maging masaya ako kasi nasabi ko na sa kanya yung feelings ko? Hay, ang gulo mo Cevi

Bigla namang dumating si Andie kaya napatigil ako sa pag-iisip tungkol sa bagay na yun

"Oh, lalim ng iniisip ah" Andie

"Ah wala ito" saad ko

"Talaga ba? Si Gyl yan noh.. Sabihin mo na kasi yung feelings mo para.. " saad ni Andie pero pinutol ko na ang sasabihin niya

"Nasabi ko na sa kanya" saad ko

Napatakip naman siya sa bibig niya nang marinig niya yun

"Seryoso? Oh anong feedback niya sa iyo?" Andie

"Hmm, ganun din daw siya sa akin.. Pero bakit ganun Andie? Nakaramdam ako bigla ng hiya?" saad ko

"Hay pag-ibig nga naman. Alam mo cevi, dapat maging masaya ka kasi nasabi mo na sa kanya yung feelings mo kasi kung iiwasan mo siya parang naduduwag ka nun, ayaw mo siyang harapin.. Kung gusto mo talaga siya, gusto mo lagi mo siyang nakikita" paliwanag ni Andie

Narealize ko yung sinabi niya pero mas mabuti na rin siguro ang iwasan ko muna si Gyl

"Andie tara punta tayong cafe ko, may papa-try ako sa iyo" saad ko

"Tara dali,gusto ko yan" saad ni andie

Agad niya na akong hinila palabas ng office ko. Nasalubong naman namin si Jurie

"Ah sir saan po punta niyo ni Ms. Andie?" Jurie

"Ah Jurie pasensya na talaga, hiramin ko muna si Cevi ha" Andie

"Pero Sir Cevi may meeting po kayo ni Sir Jaser" Jurie

"Ah.. Ah jurie cancel mo muna please kailangan muna naming pumunta sa cafe ko" saad ko

"Ok sir. Sabi niyo yan ha" Jurie

Tumango na lang ako kay Jurie at agad na kaming nagtungo ni Andie sa parking lot

Gyl's PoV
Andito ako ngayon sa HQ dahil pinatawag ako ni Tito Lyric, on duty ako hanggang 3 pm. Kasama ko ngayon dito sila Tory, Joerald, Vigor at Jahmil. Siguro dapat lang na andito ako ngayon sa HQ, ayaw ko munang makita si Cevi.

"Huy, lalim ah" saad ni Tory

"Oo nga Gyl, may problema ba?" Vigor

"Wala naman. Noh ba kayo, ayos lang ako" sagot ko

Sa totoo lang, hindi talaga ok eh. Bakit ganun? Diba dapat masaya ako kasi parehas kaming nagsabi na may feelings na kami sa isa't-isa. Hay, bakit ganun?

"Gyl, concern lang kami sa iyo" Tory

"Tama" Joerald

"Paano kung nagconfess ka sa kanya, diba dapat masaya ka?" saad ko

Di ko alam eh, yan na lang ang lumabas na salita sa bibig ko

"Ayun.. Ay, parang kilala ko yan ah" Tory

Nahampas naman siya ng slight ni Vigor

"Huy, umayos ka nga" Vigor

"Siguro dapat maging masaya kasi nasabi mo sa kanya yung feelings mo pero mapapaisip ka na, tama ba na sinabi ko sa kanya. Ang mabuti pa Gyl, wag mong isipin ang mga bagay na yan, enjoy ka lang. Ok" Joerald

Buti pa itong si Joerald, nakatulong, siya itong lalaki dito eh

"Salamat Joerald, buti ka pa, may advice, itong dalawang ito, kakaloka" saad ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now