Chapter 70 Gulat

115 5 4
                                    

What's up mga ka-vovo!!! Hahaha kamusta po kayo?? Panoorin niyo ang vlog ni Ate madc kasama sina Ate Girl Jackie at Stephen together with the J'Squad. LT yun super

So ito na nga.. Kinakabahan ako sa chapter na ito






"Alam mo naiinis na ako sa iyo. Hindi ka kasi sumasagot sa mga VCalls ko sa iyo. Ano ba kasi pinagkaka-abalahan mo?" Cevi

"Ano bang pinagkaka-abalahan ko? Nagtatrabaho ako Cevi. Bakit ka ba ganyan?" Gyl

"Trabaho nga lang ba Gyl? Baka iba na yung pinagkaka-abalahan mo. Oo alam kong katrabaho mo yang ex mo baka sa kanya mo na naibibigay ang oras na para sa akin" Cevi

"What Cevi? Mali yang iniisip mo. Bakit ka ba nagagalit? Ha? Ako nga dapat magalit sa iyo eh kasi umalis ka" Gyl

"Oo umalis ako pero di naman kita kinalimutan ah. Ako nga kahit busy ako nagagawa pa rin kitang tawagan, eh ikaw nagawa mo ba yun?" Cevi

"Alam mo saka na tayo mag-usap pag may oras ka na sa akin" dagdag ni Cevi

"Cevi" sabi ni Gyl

Madalas kaming mag-away ni Cevi this past months. Ewan ko ba sa kanya kung anong ikinagagalit niya. Di ko naman nilalaan ang time ko kay Kenn eh, masyado lang akong tutok sa trabaho lalo na at napromote na naman ako pero ewan ko sa kanya kung bakit ayaw niyang maniwala sa akin. Ine-explain ko naman sa kanya ng maayos. Hay, paano ako makakabawi sa kanya kung hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi.

Napag-awayan pa namin yung picture na pinost ng kaibigan niya. Masyado silang close nun. Tinanong ko siya about dun sabi niya wala lang daw yun at friends lang sila. Oo alam kong bakla ang boyfriend ko pero may tiwala ako sa kanya at naniniwala. Galit kasi siya nung inexplain ang about dun pero di na rin ako nagalit sa kanya kasi lalong lalaki ang ganap na yun

Huling usap namin sabi niya na-extend na naman siya ng anim na buwan. Pag weekend dun na lang ako nakakatawag sa kanya. Ewan ko ba, habang tumatagal nagbabago na siya. Parang di na siya yung Cevi na nakilala ko na maunawain, iniintindi ka. Para sa amin din naman itong ginagawa ko

Kanina habang wala pang ginagawa ay may nakita na naman akong post ni Cevi at kasama na naman niya ang lalaking yun, yung pinag-awayan namin. Nakaramdam ako ng selos syempre kasi lately yun ang kasama niya sa mga post niya

"Gyl ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap di ka naman ata nakikinig" sabi ni Kenn

Iniisip ko nga, baka nagagalit si Cevi sa akin dahil kay Kenn. Pero lagi ko namang ineexplain sa kanya na friend lang kami nito pero pag sinasabi ko yun sa kanya parang di siya naniniwala. Hay Cevi, ano bang nangyayari sa iyo?

Andito kami sa office namin at busy dahil andami naming inaayos na mga cases na crime scene. Yung iba malalayo kaya pinaghihiwalay namin ito

"Ayos lang naman ako Kenn. Baka pagod lang sa trabaho natin kaya ganito" walang emosyong sabi ko

"Hmm. Talaga? Kilala kita Gyl, you can tell me naman and I'm willing to listen" ngiting sabi nito

"Tapatin mo nga ako Kenn. Parang ikaw nga itong may dapat sabihin sa akin. Kasi napapansin ko lately parang nagiging friendly at close mo sa akin, nacoconscious lang ako" mahinahong sabi ko

"Ha? Ganun naman talaga ako Gyl ah, friendly, bawal ba yun? And magkaibigan naman tayo ah" sabi niya

"Kahit meron tayong past experience? Hindi ka ba naiilang sa ganun? Sabagay" sabi ko na lang

Nalilito na talaga ako. Di naman magiging ganito kung walang ibig sabihin ito. Urgh!!! Ang gulo

"Gyl kinalimutan ko na ang nangyari sa atin noon. Kaya nga ito oh, friends tayo at gumagawa ulit ng memories ng magkasama as a friend" sabi niya

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now