Chapter 39

141 8 2
                                    

Welcome back Cevi and Gyl here in the Philippines. May mga pasabog ako sa inyo.  Get ready.. Haha. Chaross lang

Unexpected na naman ang exam. Haysst!

Gyl's PoV
Nagising ako dahil nanggulo sa kwarto ko si kuya Jazz. Di ko alam dito. Anong oras na ba? Maaga pa eh. Saturday pala ngayon

"Hoy Aria bumangon ka na dyan. Andyan sa baba yung prince charming mo" saad ni kuya

Prince charming? Sino naman?

"Kuya sino ba yang sinasabi mo?" saad ko sabay sukob ulit ng kumot

"Hay naku, prince charming mo yung si Cevi diba" kuya

Saglit naman akong natigilan sa sinabi ni kuya. Si cevi? Andito siya sa bahay

"Ano? Babangon ka ba dyan? O siya ang tatawagin ko para bumangon ka na?" saad ni kuya

"Eto na kuya, sabihin mo maghintay siya" utosa na sabi ko

"Hay Aria, matutuktukan na talaga kita. Bahala ka nga, basta ginising na kita" saad ni kuya

Ok lang naman sa akin na tawagin niya ako ng Aria eh. Limit people lang ang tumatawag sa akin nun eh

Agad na rin naman akong tumayo pagkalabas ni kuya sa kwarto ko. Agad din naman akong nagtungo sa CR at nag-ayos ng sarili.

Mga ilang saglit pa ay bumaba na ako at naabutan ko silang nag-uusap sa may sala. Ano na naman kayang sinabi nito kay mommy, wala pa kasi si Daddy eh, bukas pa uuwi

"Oh ma, andito na pala yung maagang gumising mong anak"biro ni kuya

"Oh nak, kanina ka pa hinihintay nitong si Cevi" saad ni mommy

"Sino ba kasing nagsabi sa kanya na hintayin ako?" tanong ko

"Ay, Cevi oh, yan ba yang jojowain mo? Kapangit naman pala ng ugali" saad ulit ni kuya

Nahampas ko tuloy siya. Ang ganda ng morning trip nito ah, masasapak ko na ito

"Kakatawa yun? Ha? Ma, si kuya kung anong pinagsasabi oh" sumbong ko

"Tumigil nga kayong dalawa, nakakahiya kay Cevi" saad ni mommy

Tinignan ko naman itong si Cevi, nagpipigil rin ng tawa

"Bakit kasi ang aga mo rito?" tanong ko kay cevi

"Ah, wala naman. Niyayaya kasi ako nila Jerius sa cafe natin" sagot niya

"Hmm, ikaw naman pala itong inimbita eh" saad ko

"Isama raw kita. Nangungulit nga kasi sila lalo na si Aisha" saad ni Cevi

"Oh, tamo Gyl, niyayaya ka pala eh, tapos tanghali gising mo" saad ni kuya

"Don't worry, pinaalam na kita sa mommy mo" saad ni Cevi

"Oh siya Gyl at Cevi, maiwan ko muna kayo dyan, pumayag na ako Gyl, wag ng tumanggi" saad ni mommy

Naiwan naman kami ni Cevi dito sa sala. Sinadya talaga. Naku, naku

"Sige payag ako. Tutal, matagal na rin akong di nakakapunta dun" saad ko

Sayang naman ang punta ni Cevi rito kung di ako papayag. Nagpaalam muna ako sa kanya para magbihis.

Cevi's PoV
Maaga akong nagpunta kila Gyl para isama siya sa cafe. Ang aga kasi nagyaya nila Jerius eh. Pa-welcome back daw nila sa amin ni Gyl

Andito lang ako sa sala nila. Habang hinihintay siya ay nahagip ng mata ko ang picture ng isang batang babae. Si Gyl siguro ito nung bata pa siya. Agad naman akong lumapit at tinitigan lang ang picture

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now