Chapter 69

89 4 0
                                    

Nakakawalang gana ng manood. Dahil sa mga nangyayari ngayon feeling ko may favoritism ng nagaganap. Napaka-unfair nun ah. Tsk! So wrong




Mas naging close pa si Cevi at Rain sa isa't-isa. Makukumpleto na kasi ni Cevi ang 6 months contract niya dito sa Washington

Busy ang lahat dahil may event na magaganap sa company ni Deo mamaya at nagprepare ang lahat

"Oh Cevi andito ka lang pala" sabi ni Rain

Tumabi siya kay Cevi sa inuupuang sofa nito at maiging tinignan ang tanawin na tanaw mula sa glass window ng office na naka-assign kay Cevi

"Kanina lang magkasama tayo pero hinahanap mo ako. Ayos lang naman ako" sagot ni Cevi

"Andami mo namang sinabi pero bakit di ka pa nagpeprepare para sa mamayang event?" tanong ni Rain

"Mamaya pa naman yun eh tsaka madali na lang mag-isip ng isusuot ano" saad naman ni Cevi

"Aysus! Alam mo kahit di ka magbihis, ayos na nga yung ganyang itsura mo eh. Napaka-simple" sabi ni Rain

Tila ba natigilan si Cevi sa sinabi ni Rain. Parang may kung ano ang pumasok sa isip niya

"Sorry pero mas gwapo ka pa rin naman" muling sabi ni Rain

Ngumiti na lang din si Cevi sa sinabi ni Rain. Nagtagal pa si Rain sa office ni Cevi dahil pinag-usapan nila ang mga projects na gagawin ni Rain habang wala si Cevi kasi nga malapit ng matapos ang contract niya dito sa Washington

"Oh siya ako na ang bahala habang wala ka" Rain

"Dapat lang kasi partner tayo dito ano" sabi ni Cevi

"Okay. Pero sige mauna na ako, kita na lang tayo mamaya sa event. Bye Cevi" saad ni Rain

Kumaway na lamang si Cevi sa papaalis na Rain. Nagstay muna si Cevi sa office niya para magpahinga. Habang nagpapahinga siya ay naalala niya si Gyl. Naalala niyang monthsary pala nila ngayon

Laging ganun na lang kasi ang celebration nilang dalawa. Video calls and text na lang

Mga ilang sandali pa bago tuluyang sumagot su Gyl sa VC ni Cevi sa kanya

"Hello Love. Happy monthsary" bati ni Gyl sa kanya with matching flying kiss

"Happy monthsary" saad naman ni Cevi at binalik ang flying kiss

"How are you? I miss you so much. Kailan ba kasi ang balik mo?" sabi ni Gyl

"Don't be sad Love. Di ko pa man alam kung kailan ang balik ko pero don't worry, sure akong malapit na. Gusto ko masaya ka kasi monthsary natin ngayon oh" sabi naman ni Cevi

"Di ko lang naman maiwasan. Pero sige. Basta pagbalik mo, bawi na lang tayo" saad ni Gyl

"Okay. Pero Love" sabi ni Cevi

"Yes Love?" Gyl

"Close ba kayo nung Kenn? Alam mo naman yung bilin ko sa iyo diba?" saad ni Cevi

"Alam ko yung bilin mo sa akin Love. Pero maniwala ka sa akin, friends lang kami nun at tsaka mahal kita, oh. Don't be jealous okay?" saad ni Gyl

"Buti naman. Mahal din naman kita. Me? Magseselos? Hindi noh" saad ni Cevi

"Ah talaga ba? Alam ko yang ugali mo Cevi Jackson Borja" sabi ni Gyl

"Wow ah, kumpletong kumpleto ah. Ikaw talaga anlakas mong mantrip" natatawang sabi ni Cevi

"Syempre miss na miss na kita tsaka ikaw lang naman nagpapasaya sa akin" saad ni Gyl

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon