Chapter 49

196 7 0
                                    

Sunset was the most beautiful background for me



Cevi's PoV
Monday ngayon at ito ang araw ng Product launching ni Jammer at ang birthday ni Gyl syempre. Sabi ko sa kanya hahabol na lang ako dahil may meeting pa ako. Pumayag naman siya

Andito ako sa company ngayon at hinihintay yung mga client ko nung nasa California ako. Sila kasi yung kakausapin ko then yung Mr. Exel

Mga ilang saglit pa ay dumating si Jurie

"Yes Jurie?" tanong ko

"Ah sir andyan na po yung mga clients at hinihintay ka na nila" Jurie

"Okay Jurie, bababa na ako" saad ko

Nauna na ng lumabas si Jurie at sumunod ako bitbit ang Business Proposal, kailangan daw ako magpresent nun bago sila tuluyang maging part ng product ko

"Good morning guys" bati ko

"Good morning Mr. Cevi" sabay na bati nilang apat

Naupo naman ako sa sofa at kaharap sila at katabi ko naman si Jurie.

"So, all of you are willing to help me right. So here's the Business Proposal for you approval and as an evidence" saad ko

Nilapag ko sa harap nila ang Proposal na yun. Bumuntong hininga muna si Mr. Dexter bago nagsalita

"So guys, let's signed in" saad ni Mr. Dexter

Buti naman at pumayag sila. At halata naman sa mga mukha nila na willing talaga sila

"So I will take this oppurtunity to help. I'm going back to California to sale your product in my company, is that okay?" Mr. Andrei

"It's okay. Anyways, thank you for coming here" saad ko

"Your always welcome Mr. Borja" Mr. Walter

After ng meeting na yun ay nagpaalam na silang apat. Ako naman ay nagtungo na rin sa company ni Jammer kung saan ang product launching niya. Paalis na ako ng company nang tumawag si Gyl. Naku, galit na naman ito. Agad ko na lang sinagot ito

Yes Gyl?

Saan ka na ba? Ha?

Papunta na ako okay. Don't worry

Akala ko di ka na pupunta, hurry up

Yes po madam

Sige na, bibiro ka pa eh. Sige ingat ka

Okay po

After nun ay agad na akong nagdrive papunta dun para di pagalitan ni Gyl, alam niyo naman yun

Syempre, alam kong birthday niya ngayon kaya dala ko yung regalo ko para sa kanya. Yayayain ko siya for a date then ibibigay ko sa kanya yung mga pasalubong ko

Safe naman akong nakarating sa company ni Jammer. Ang daming tao, di ko tuloy alam kung saan ako sisiksik

Napagtanto ko na lang na backstage pala itong napuntahan ko

"This time, let's acknowledge the presence of the CEO of CJ's Company. Mr. Cevi Jackson Borja. Let's give him a big round of applause" saad nung MC

Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Di ko pa man tanaw sina Gyl ay nag-acknowledge pa rin ako. Di ko tuloy alam kung saan ako pepwesto. Naupo na lang ako malapit sa gilid ng stage

"So this time, let's call the CEO of LJT Company for his short message, no other than Mr. Jammer Marquez" saad nung MC

Tumayo naman kaming lahat at pumalakpak bilang paggalang na rin. Siya na pala ang CEO, pinasa na siguro sa kanya ni Mr. Lyric

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now