Chapter 54 Special Moment

169 5 0
                                    

Japan! Isa sa mga bansang gusto kong puntahan







Gyl's PoV
Dahil last day na ng gala namin ngayon, sinulit namin yun sa Cherry Blossom Park. Di naman ganun karami ang tao kaya nagtagal kami dito ni Cevi. Sila Daddy naman ay nagtungo sa isang business partner nila dito

"Love picture naman tayo dito. Wala pa tayong picture dito sa mga Cherry Blossom" maktol na sabi ni Cevi

Bahagya akong natawa sa inasal niyang yun. Para siyang batang may tantrums. Bahagya akong lumapit sa kanya at kinuha ang camera niya

"Okay na po. Huwag ka ng malungkot dyan, ito naman oh. Ngiti ka na" saad ko sabay hawak sa mukha niya

Bahagya kong ginalaw ang pisngi niya para ngumiti na siya

"Ngumiti ka nga, grabe ka talaga" ngiting sabi ko

Buti naman at sumunod siya sa akin. Hay, ang gwapo niya talaga pag ngumingiti. Kakainis. Tinapat ko sa amin ang camera niya then I clicked it

"Cute talaga natin oh" saad ko

"Di lang cute" saad naman ni Cevi

After nun ay nilibot pa namin ang buong Park na punong puno ng Cherry Blossom. Kaka-asar ang ganda lang parang gusto ko ng tumira dito

"Ah sana matuloy yung plano ko dito sa Japan" saad ni Cevi

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Mukhang may di ako alam

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Ah saka mo na malalaman ang sagot. Di pa ngayon okay, pasensya ka na, naghihintay lang ako tamang tyempo para sabihin sa iyo, di naman ako naglilihim eh" saad niya

"Naiintindihan ko naman" sagot ko

"Sorry okay.Maybe next month malalaman mo na rin di pa kasi pwede ngayon" sagot niya

"Okay. Imot ah" saad ko

"Hindi ako madamot, ngayon lang" sagot niya

After ng seryosong usapan na yun ay nagtungo na kami sa isang cafe dito malapit sa Park. Pagpasok palang namin sa cafe ay nagulat ang ibang crew. Di ko alam, ganun na ba siya kasikat ang bibi ko?

"Good morning Mr. Cevi. We're glad to see you here" saad nung isang crew

"Thank you, no problem with that" sagot naman ni Cevi

Ngumiti na lang dahil di ko alam kung paano sasali sa usapan. Andito lang ako sa likod ni Cevi nakapwesto at hawak ang isa niyang kamay

"Oh, is she your girlfriend Mr. Cevi?" tanong nung isang babaeng crew

"Ah yes. This is Gyl" sagot naman nitong si Cevi

"Hello" sabay sabay nilang bati

"Hello" saad ko sabay yuko

Agad naman nila kaming pinapwesto sa isang special room ng cafe. Di ko alam pero mukhang fan na fan sila nitong si Cevi

"Artista ka na ngayon?" tanong ko

Gulat man si Cevi ay natawa na lang siya dahil sa tanong ko

"Ha? Artista? Bakit mo naman naitanong yan?" balik na tanong niya sa akin

"I mean fan mo ata sila eh. Bakit parang ang special mo sa kanila?" saad ko

"Di ko rin alam, siguro nga fan ko sila. Hmm, pansin ko rin kasing gumagamit sila ng products ko" sagot niya

"Wow. Sana bigyan mo rin ako ng product mo" birong sabi ko

"Hay naku, di ka na lang kumuha dun sa company, charr pag may bago okay kaya huwag malungkot dyan" saad niya

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now