Chapter 40

174 7 3
                                    

Mas masayang tumambay sa library kasama ang mga libro

Gyl's PoV
Gaya ng napagkasunduan kanina, andito kami ngayon sa isang bar. Celebration daw sabi ni Tito Lyric. Kasama ang mga kaibigan ko at ang pinsan ko

"So let's start the celebration" saad ni Tito Lyric

Mga ilang saglit pa ay lumapit ang dalawang crew sa pwesto namin dala ang dalawang bucket of Tequila

"Yes.. Thank you sir Lyric" saad ni Aries

"Ayos lang, minsan palang natin nagagawa ito. Oh next time, sino naman ang manlilibre?" Tito Lyric

"Ah sir si Joerald daw" saad ni Tory

Habang nagkakasayahan sila ay nagring ang phone ko. Tumatawag pala si cevi. Paktay tayo dyan, di natin nasabi sa kanya

"Ah guys, sagutin ko lang ito" saad ko

"Sige baks.. Take your time" saad ni Tory

Lumabas ako saglit para sagutin ang tawag niya

Hello Gyl?

Yes cevi

Saan ka ba?

Ah nandito kami sa bar kasama sina Tito Lyric, bakit ba?

Bar? Kailan ka pa natutong uminom? Ikaw talagang babae ka, di ka nagpaalam ah

Kailangan pa bang magpaalam sa iyo? Di mo ako jowa

Hoy, wag mo nga akong sumbatan dyan

Ano? Di ka makasagot

Ewan ko sa iyo, bahala ka, kung anong gusto mo gawin mo

Pinatayan niya ako. Lah! Nagtatampo na naman yun. Kailangan pa bang magpaalam sa kanya? Haysst Gyl! Bukas mo na lang siya kausapin

After ng tawag na yun ay bumalik na ako sa pwesto ng pinsan ko

"Oh cous, bakit ganyan itsura mo?" Jammer

"Eh kasi si Cevi tumawag. Nakalimutan kong magsabi na may ganap tayong gabi, ayun nagalit" sagot ko

"Ayun, nagalit ang jowa ni ate Gyl" saad ni Gianne

"Oy, di ko pa yun jowa noh, manliligaw palang" sagot ko

"Yiiee.. Pero ate Gyl paano yun? Kausapin mo kaya ulit" saad ni Gianne

"Hay naku By, matampuhin talaga yung si sir cevi, kaya cous bukas mo na yan kausapin" Jammer

"Di ko rin alam" saad ko

"Alam mo, iinom mo lang yan. Ayan oh" sabi ni Jammer sabay abot sa akin ng isang boteng Tequila

Marami pa kaming napag-usapan nila Jammer habang nakaharap ang mga Tequila. Sinilip ko ang relo ko, 11 na pala ng gabi. Tinignan ko naman ang mga kasama ko sa trabaho

"Hey Jammer, tignan mo si tito oh, inaantok na" saad ko

"Oo nga By, let's go baka magalit na si Tita Tanya" saad ni Gianne

Di na nakapagreklamo pa si Jammer kaya inuwi na nila si Tito Lyric. Sabi ko sa kanila sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko

Andito na kami ngayon sa labas. Si Joerald, ayun paliko-liko na ang lakad

"Oh Gyl, mauna na kami sa inyo ni Joerald, iuwi ko na itong si Joerald" saad ni Vigor

"Sige mag-iingat kayo" saad ko

Mga ilang saglit pa ay umuwi na nga yung dalawa. Naiwan naman kami nila Tory at Aries dito

"Oh bakit ganyan na naman itsura mo?" tanong ni Tory

I Love The Way You Are Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu