- 14 -

88 6 0
                                    

CHAPTER 14

Rian kept toying with her food. Wala siyang ganang kumain.

Her uncle took her out for a late lunch. Na-stuck daw kasi ito sa isang meeting kaya hindi na nakakain sa tamang oras.

Nagkataon naman na nasalubong niya ito sa mall kaya ngayon ay magkasama silang dalawa. Maayos ang relasyon niya sa nakababatang kapatid ng yumao niyang ama. Wala siyang maitulak-kabigin dito.

Pero nagtatampo pa rin siya.

"Ayaw mo ba ng pagkain mo?"

Nahinto ang kamay niyang may hawak ng tinidor nang marinig ang boses ng kanyang tiyo. Nag-angat siya ng tingin.

"Busog lang po ako..." pagdadahilan niya katagalan.

"Nagtatampo ka ba?"

Binitiwan niya ang hawak na kutsara't tinidor, pagkatapos ay pinagsalikop ang dalawang kamay.

"Tito..."

"Yes, princess?"

"Mabait naman si Jin..." panimula niya.

Biglang naglaho ang ngiti nito. Naging madilim din ang tingin. Ramdam din niya ang pagbigat ng mood ng kapaligiran.

Hinamig n iRian ang sarili. She's ready to receive an earful because it's obvious that her uncle doesn't approve of Jin.

Kinabukasan matapos ang gabi na nagkaroon siya ng masamang panaginip, bumalik si Jin para kumustahin siya. Nagkataon na dumating ang tito niya at naabutan silang nag-uusap sa garden.

It was okay at first. Until her uncle learned that Jin was in her room the night before. Kinwento ng isang katulong, minasama iyonng tiyuhin niya, pinagbintangan ang binata na sinasamantala ang kabaitan niya.

Their heated argument turned into a fist fight. Nasuntok nito ang binata na akma ring gaganti kung hindi lang niya napigilan. Para makaiwas sa mas malaki pang gulo, sinabihan niya si Jin na umuwi na lang muna.

Wala noon ang kuya niya.

Nang silang dalawa na lang ang naroon, pinagalitan siya nito.

No one must enter her room, he said. She must protect her privacy, he implored. Ano na lang daw ang iisipin ng iba kapag nalaman na nagpapapasok siya ng lalaki sa kuwarto niya.

She wanted to reason out, but she was not given a chance. Sa huli, nanahimik na lang siya at hinayaan ito sa pagsermon sa kanya.

"I don't think he's good enough for you." Kasimir reached out for her hand and squeezed it gently. "I'm just worried about your welfare, sweetheart. I don't trust the guy."

"Kaibigan po siya ni kuya, Tito Kas."

"Still..."

Rian glanced at their hands when she felt his grip tightened. Gusto na niyang bawiin ang kamay niya pero hindi siya makawala mula rito.

"May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nating kumain?"

"Wala na po."

Kasimir signalled for the waiter to have their bill. Ilang minute lang ay tumayo na ito at inaya na siyang lumabas.

"Ihahatid na kita pauwi."

"Hindi na po kailangan. I'm actually waiting for Jessica. Pupunta kasi siya sa bahay ngayon kaya hinihintay ko na lang siya na sunduin ako rito."

Kasimir looked at her suspiciously. Parang hinihintay nito na pumiyok siya o kumurap.

"I was waiting for her actually," she added. Kinuha niya ang cellphone at kunwari ay tumipa roon. "Parating na raw po siya..."

Allure (Completed)Where stories live. Discover now