- 01 -

507 10 0
                                    


"Mall tayo," yakag sa kanya ng kaibigan nang tumabi ito ng upo sa kanya sa sementadong hagdan.

Rian closed the book she's reading and checked her phone. Nabasa niya mula sa lockscreen ang text message ng kuya niya.

"I'm sorry Jess, may usapan kami ni Kuya ngayon, eh."

Lumabi ito pero hindi na nangulit pa. Her bestfriend Jessica had a crush on her older brother. Hindi nga lang ito makalapit dahil palaging nahihiya kapag nagkakasalubong ang dalawa.

Tumayo na siya, inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag at kinipkip nang maayos ang mga librong dala niya. Mula sa malaking gate ng university nila ay natanaw na niya sa labas ang pagparada ng sasakyan ng kapatid niya.

"Bukas na lang tayo lumabas." Maluwag niyang nginitian ang kaibigan na agad namang tumango.

Nauna na siyang bumaba sa hagdan, at nagtungo sa gate.

Nang matapat sa sasakyan ay agad niyang binuksan ang pinto sa passenger's seat. Napataas ang kilay niya at muling tumayo mula sa pagkakadukwang nang mapansing may nakaupo roon.

Si Caspien, ang bestfriend ng kuya niya na nakangisi habang nakatingala sa kanya.

"Sa likod ka na," nang-aasar na turan nito.

Umingos siya at pabagsak na isinara ang pinto. Narinig pa niya ang reklamo ng binata pero ipinagsawalang bahala na lang niya iyon.

Nang maayos na siyang nakapuwesto sa likurang bahagi ng Honda Civic ay saka lang pinaandar ng kuya niya ang sasakyan.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong niya sa kapatid mula sa likuran ng sasakyan.

"Gusto ko lang gumala," nakangiting sagot nito sa kanya. Sandali pa siyang sinilip sa rear view mirror bago muling itinuon ang tingin sa tinatahak na kalsada.

Dalawang taon ang tanda sa kanya ng kapatid, halos magkamuka silang dalawa maliban na lang sa mga mata. Bilugan kasi ang mga mata niya, kulay kayumanggi ang irises at mahahaba ang mapilantik na pilikmata. Namana niya iyon sa kanyang ina. Habang matalim naman kung tumitig ang mata ng kuya niya, medyo singkit at walang tupi ang talukap na namana nito sa kanilang ama.

Natural ang maalon nilang buhok, matangos na ilong at makipot na labi. Mas mahaba lang ang buhok niya na bumagay sa maliit niyang mukha.

Halos isang kilometro pa lang ang itinatakbo nila nang huminto sila sa isang waiting shed. Nagtataka, binalak niyang magtanong sana pero hindi na nagawang isatinig ang tanong nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan sa gawi niya.

Gulat siyang napatingin doon pero agad ding nag-iwas ng tingin nang makatitigan si Jin, ang kaibigan ng dalawang nasa harap ng sasakyan.

"Gusto mo ba 'kong kumandong sa 'yo?"

Mabilis na umangat ang kilay niya. "Huh?"

Nagbuga ng hangin ang binata. Halatang iritado base sa pagsimangot nito.

"Umusod ka raw, Ri. Ayaw mo bang pasakayin si Jin?" natatawang singit sa kanila ni Caspien.

"Sana sinabi mo agad," pabalang na sagot ng dalaga at tuluyan na ngang umusod para bigyan ng espasyo ang bagong dating.

Nag-usap sandali ang tatlong lalaki, pagkatapos ay nagtuloy na sila sa biyahe.

Sa peripheral vision ni Rian, pasimple niyang pinagmasdan ang tahimik na binata sa tabi niya. Nakahalukipkip ang dalawang braso nito, diretso ang tingin at tuwid ang likod na nakasandal sa backseat. Naka-de cuatro pa ito kaya nababanat ang suot nitong ripped jeans. Kitang-kita ang makinis at maputi nitong hita.

Pumasok ba ang isang 'to? tanong niya sa isip. Napansin niyang walang bitbit na bag o notebooks man lang ang katabi kaya duda siyang pumasok nga ito sa university. Classmate niya sa ilang subject ang binata pero hindi sila madalas mag-usap. Maliban na lang sa mga ilang pagkakataong gaya ngayon na isinama siya ng kuya niya sa lakad nilang tatlo.

Napatda siya nang biglang lumingon sa gawi niya ang binata. Agad siyang yumuko at nagkunwaring abala sa hawak na cell phone kahit wala naman talaga siyang ginagawa roon.

Pagdating sa mall, naghanap muna sila ng parking space. Pero dahil mukhang maraming tao ngayon, nakarating na sila sa fourth floor sa paghahanap.

May kadiliman ang parking area kaya awtomatiko ang naging kilos ng dalaga na buksan ang ilaw sa tapat nila.

"Sorry, ayoko lang talaga sa dilim," nag-aalangang paghingi niya nang paumanhin nang mapansing sa kanya nakatingin sina Caspien at Jin.

"No worries, Ri," paniniguro sa kanya ni Caspien at maluwang siyang nginitian.

Hindi naman umimik si Jin pero sa kanya pa rin nakatingin. Hindi siya sigurado pero parang nakita niyang sandali itong nag-alala sa kanya. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon.

Sa wakas ay nakahanap na rin sila ng parking space. Matapos masigurong naka-locked na nang maayos ang sasakyan, naglakad na sila papasok ng mal..

Nakakapit si Rian sa braso ng kuya niya habang nakaakbay naman ito sa kanya. Ang dalawa pang binata ay nakasunod sa likuran nilang pagkapatid.

Marami ngang tao sa mall gaya ng inaasahan nila.

"Sa'n mo gustong kumain, Ri?" tanong ng kuya niya habang nakatayo sila sa gilid ng pasilyo kung saan nakahilera ang iba't ibang kainan.

Matapos ang ilang sandali, ang mahabang pakikipagtalo kay Caspien dahil lagi nitong kinokontra ang desisyon niya, napagkasunduan nilang tatlo na sa isang Eat-All-You-Can resto na lang kumain. Tatlo lang, dahil hindi naman nagsasalita si Jin.

Inalalayan sila ng isang staff sa table nila, pagkatapos ay nagkanya-kanya na ring kuha ng gusto nilang pagkain. Dahil hindi naman talaga siya gutom, mabilis siyang nakabalik sa kanilang lamesa.

Nakakadalawang subo pa lang siya ng sushi nang bumalik na rin si Jin bitbit ang plato nito.

Tipid siya nitong nginitian bago nilantakan ang dalang pagkain.

"Rian..."

Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya.

"Why are you afraid of the dark?"

Hindi siya agad na nakasagot. Hinanap ng mga mata niya ang dalawa pa nilang mga kasama na mukhang wala pang balak na bumalik sa lamesa nila.

Sa pag-iikot ng paningin niya, muling nagtama ang tingin nila ng kaharap. Hindi ito nakangiti, mataman lang na nakatitig sa kanya habang magkalapat ang manipis na mga labi.

Kampante naman siyang nakakasalamuha si Jin. May mga pagkakataon lang talaga na kinakabahan siya kapag magkausap sila. His smiles were friendly though his eyes hold mysteries. Alam niyang mabuting tao si Jin, sigurado siya dahil kaibigan ito ng kuya niya.

Pero marami pa siyang hindi alam tungkol dito.

And the unknown scares her.


06.20.2020

Allure (Completed)Where stories live. Discover now