- 09 -

98 4 0
                                    

"Hindi pa rin si Jin ang sundo mo?"

Inismiran niya ang kaibigan dahil sa sinabi nito.

Dalawang araw.

Dalawang araw nang hindi niya nakikita ang binata. Simula ng komprontasyon nilang dalawa ay hindi pa ito muling nagpapakita sa kanya.

Naiinis na siya. Noong una itong magtapat, ilang araw siya nitong hindi kinausap pagkatapos. Noong nakaraan na muli itong nagparamdam, ilang araw naman itong hindi nagpakita.

At sa lahat ng pagkakataong iyon, palagi siyang umaasa at naniniwala. Kaya bukod sa inis na nararamdaman niya para sa binata, mas naiinis siya sa kanyang sarili.

"Uuwi ka na ba? Hindi mo na hihintayin si Jin?"

"Nang-iinis ka ba?" ganting tanong niya.

"Nagtatanong lang naman ako, bakit galit ka?" sagot ni Jessica. Nakapamaywang itong humarap sa kanya. "Galit ka ba dahil nagtatanong ako o naiinis ka kasi wala na naman si Jin ngayon?"

"Hindi ako galit," pairap na sagot ni Rian. Itinaboy na niya paalis ang kaibigan na natatawa namang tumalima sa kanya.

Rian thanked the quietness of her ride back home. Nagawa na niyang pakalmahin ang sarili.

Pagdating sa bahay, katahimikan ang sumalubong sa kanya. Maaga pa naman, nasa opisina pa ang kuya niya at mga kasambahay lang ang sumalubong sa kanya.

Dumiretso siya sa sariling kuwarto at doon na nagkulong.

Pero habang tahimik na nakatitig sa putting kisame ng kanyang silid, parang tukso na namang naglaro sa kanyang isip si Jin. Naiinis siyang bumangon at binalingan ang cellphone na hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa shoulder bag na ginagamit niya.

May phone number siya ng binata, pwede niya itong tawagan pero may pumipigil sa kanya. It was her pride. Pero hindi siya matatahimi hangga't hindi niya nalalaman kung ano nang nangyari dito.

Alam din niya kung saan ito nakatira. Minsan na siyang dinala roon ng kuya niya. Hindi siya mismong nakapasok sa unit nito pero alam niya kung sang lugar at anong building naroon ang condo unit ni Jin.

Dahil wala siyang magawa, dahil naiinis na siya at hindi matahimik, nagdesisyon siyang umalis. She's going to him. She's going to ask him what his problem is. She's going to confront as to why would he confess and leave her hanging after.

Kapag umalis siya gamit ang nakaparadang sasakyan sa garahe nila, siguradong malalaman iyon ng katulong nila, iatatawag sa kuya at pagbabawalan siya. So she has no choice but to choose her second best option, to rent a cab and commute.

Sinigurado niyang walang katulong sa paligid nang lumabas siya ng kuwarto, at wala ring katulong sa bakuran na makakapansin sa paglabas niya. Mabilis siyang naglakad hanggang sa makalabas siya ng subdivision gate nila. Pagdating doon ay agad siyang tumawag ng taxi at sinabi sa driver ang destinasyon niya.

Kalahating oras ang naging byahe nila. Pagdating sa building ng condo ni Jin, sinabi lang niya sa guard kung sino ang sadya niya, hiningan siya ng ID at pagkatapos ay hinayaan na siyang umakyat.

Jin's unit is located on the seventh floor.

Nang bumukas ang elevator door sa floor na sadya niya, doon lang siya biglang inatake ng kaba. Anong sasabihin niya sa pagpunta roon? Paano niya ipapaliwanag kung bakit siya naroon?

Natauhan lang siya at mabilis na hinarang ang metal door ng akma na itong magsasara ulit. Mabilis siyang lumabas at malalim na bumuntong-hininga.

Inisa-isa niya ang numbers sa mga pinto. Nang masigurong iyon na ang unit ni Jin, tumayo siya roon at nakipagtitigan muna sa numerong nakadikit sa pinto. There's a peephole under the number thirteen.

Allure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon