- 08 -

133 3 0
                                    

CHAPTER 08

"Luna... Luna..." Rian keeps repeating as if it is an enchantment. She's been bothered by the name ever since the first time she heard it.

"Problema mo? Kanina ka pa tulala," untag sa kanya ng kaibigan.

Hindi niya ito sinagot at bumuntong-hininga na lang siya.

Nakatambay sila sa hallway, sa tapat lang ng room nila. The class just ended but she's waiting for Jin.

"Susunduin ka na naman ba ng prince charming mo?" tanong ni Jessica sa kanya.

Inirapan niya ito.

Isang linggo na siyang palaging isinasabay ni Jin sa pag-uwi. Kahit na out of the way naman talaga ang bahay niya sa lugar nito pauwi ay mapilit pa rin ito. Minsan na niyang sinabihan ang kuya niya pero magkasundo ang dalawa kaya wala rin siyang nagawa.

Just then, naramdaman niya ang pagkuwit ni Jessica sa kanya. Nang tingnan ito, inginuso naman nito ang direksyon ng hallway. Jin was there, striding toward their direction with eyes looking directly at her.

Napansin ni Rian na halos lahat ng madaanan ni Jin ay nakasunod din ang tingin dito. Hanggang sa tuluyan na nga sila nitong malapitan.

"Ihahatid na kita," sabi nito.

"Hindi naman kailangan."

"I insist."

"G na, girl," bulong sa kanya ng kaibigan. "Wala ka namang magagawa."

Rian heaved a heavy sigh, tama naman kasi ang kaibigan niya. Wala siyang magagawa kahit pumalag siya.

Pagsakay nilang dalawa sa sasakyan, doon lang niya naisip na kausapin ang binata.

"Hindi ba muna tayo kakain? Wala na ba tayong ibang dadaanan?"

"Nagugutom ka na ba?"

Umiling siya. "Hindi naman."

"Saan mo gustong kumain?"

"Hindi nga ako nagugutom."

"Eh bakit ka nagtatanong?"

Hindi na siya nakasagot. Bakit nga ba niya iyon natanong? Hindi rin siya sigurado. Pero ayaw lang kasi niya ang routine na iyon.

Parang ang naging purpose na lang ni Jin ay maging tagahatid niya pauwi sa kanila. Naaabala pa niya ito.

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ulit nito.

"Wala nga, hindi naman ako gutom. Naisip ko lang itanong."

"At naisip mo 'yang itanong dahil?"

Masama ang tingin na muli niya itong nilingon. Naglalaro ang ngiti sa manipis na labi ni Jin.

"Wala," tipid na sagot niya at padaskol nang sumandal sa upuan niya. Rian crossed her arms and looked outside the car.

"Pwede mo naman kasing aminin na gusto mo lang akong makasama nang matagal, I won't judge."

"What?!" Marahas niyang tiningnan ang binata pero umiiling lang ito habang nakangiti. Halatang nang-aasar na naman kahit hindi nagsasalita.

Naiinis na nagbaling na lang ulit siya sa labas ng sasakyan. Inaasahan niyang didiretso sila pauwi pero namalayan na lang niya katagalan na iba na ang direksyon na tinatahak nilang dalawa.

"Sabi mo ihahatid mo na 'ko?"

"Sabi mo nagugutom ka na?"

Jin did a reverse parking. Matapos masigurong maayos nang nakaparada ang sasakyan nila, pinatay na nito ang makina at inaya siyang bumaba.

Allure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon