- 20 -

121 2 0
                                    

CHAPTER 20

"Tapos na... Matatahimik na tayong lahat..."

Hinawi ng dalaga ang ilang ligaw na dahon na nasa ibabaw ng puntod. Pinagmasdan niya ang pangalan na nakaukit doon matapos ay malalim siyang bumuntong-hininga.

Sandali siyang tumingala sa langit bago ibinalik ang tingin sa lapida at tahimik na pinanuod ang pagsayaw ng apoy mula sa sinindihan niyang mga kandila.

She just regained her memory, and she remembered everything.

Siya si Luna, ang unang babaeng minahal noon ni Jin. Ang babaeng pinagseselosan niya noong naging sila, ang babaeng akala niya ay karibal niya.

Naalala na rin niya kung paano siyang nawala noon, kung paano siya natagpuan at kung paano siyang nadukot ng kanyang tiyuhin.

Ginamit nila ang memorya niyang iyon, at siya bilang star witness para maidiin sa patong-patong na kaso ang kanyang tiyuhin.

Pagkatapos ng maraming buwan, napatunayan nilang totoong may sala ang kanilang tiyuhin kaya tuluyan na nila itong naipakulong.

Ang ilang beses na pagdukot sa kanya, ang pagtatangka sa buhay niya at ang pagkamatay ng mga magulang nila.

Palihim na palang nag-iimbestiga sina Caspien, Jin at ang kuya niya tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nila.

Napatunayan nilang may foul play sa car accident na unang idineklara noon.

Wala pa sa legal na edad ng mga panahong iyon si Rhein kaya ang tiyuhin nila ang nag-asikaso ng lahat. Kalaunan, ang imbestigasyong iyon ang nagturo sa tunay na dahilan.

Noong una ay si Caspien lang ang katuwang ni Rein sa lihim na imbestigasyon. Ang unang motibong nakita ng dalawang magkaibigan ay ang yaman ng kanilang pamilya. Pero nang dumating si Jin at sumali sa pag-iimbestiga, nalaman nila ang mas malalim na dahilan.

Hindi totoo ang pagpapakilala ni Caspien sa kanya tungkol sa binata. Matagal na palang alam ni Caspien at ng Kuya Rhein niya ang tungkol sa tunay na pagkatao ng binata. At ang dahilan kung bakit ito nakipaglapit sa kanila.

Siya. Para protekthan siya. Para malaman kung sino ang nagdadala ng panganib sa buhay niya.

May hinala na si Jin noon. Pero mas naging matibay iyon nang magsimula ang kapahamakang nangyayari dito simula nang maging silang dalawa.

Lahat ng pakiramdam niya na palaging may nagmamasid sa bawat kilos niya, maging ang pakiramdam na may sumusunod sa lahat ng pinupuntahan niya, lahat ng iyon ay totoo at pakana ng kanilang tiyuhin.

Nalaman niya ang lahat ng iyon, pati ang palihim na pagprotekta ni Jin sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang kapatid.

Kung susumahin, hindi lang isang beses ang naging pagtatangkang pagdukot sa kanya. Una ay noong tumuntong siya sa ika-labing anim na taon. Nagtagumpay ang kanyang tiyuhin noon pero nakatakas siya at natagpuan ni Jin. Pero dahil sa aksidenteng natamo mula sa pagtakas, nawalan siya ng memorya. Umabot ng isang taong nasa poder siya ng pamilya ni Jin at doon na rin sila nagkamabutihan.

Hindi nagtagal ang kasiyahan nilang dalawa dahil sa ikalawang pagkakataon, muli siyang natagpuan ng kanyang tiyuhin. Muli siya nitong dinukot at nang makatakas ay sa hospital na siya nagising.

Wala na talaga siyang maalala at tuluyan nang nawala sa memorya niya ang lalaking minahal niya.

It must have hurt Jin a lot. Iyong tipong andyan lang siya pero hindi siya nito malapitan. Iyong nag-uusap silang dalawa pero hindi niya ito maalala.

"Tama nga ang kuya mo, dito lang kita makikita."

Mabilis na pinahid ni Rian ang mga luha niyang bago lingunin ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirmang si Jin nga iyon.

Allure (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя