- 04 -

190 6 0
                                    

**UNEDITED / NO PROOF READ

"So..."

Mabilis na naitago ni Rian ang phone niya nang umupo sa tapat niya ang kaibigang si Jessica. Tinititigan kasi niya ang litrato ni Jin na palihim niyang kinuha habang tinatanaw nito ang kapaligiran sa pinuntahan nila.

"Ano na Rian, hindi ka na nagparamdam kagabi. Anong nangyari sa date ninyo ni Jin?"

Inirapan niya ang kaibigan.

It was a disaster, she wanted to answer but chose to keep her mouth shut.

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya sa outburst niya. Habang kumakain ay bigla na lang siyang napaiyak sa 'di malamang dahilan.

Kumain lang naman siya ng adobo kasama ni Jin pero bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kalungkutan. It was the same sadness she felt when they both lost their parents due to car accident.

Parang may parte ng pagkatao niya ang nawala. Mas lalo siyang naiyak dahil hindi niya alam kung ano iyon.

Wala tuloy ibang nagawa si Jin kung 'di ang aluin siya at ihatid na lang pauwi dahil hindi na talaga siya natigil. Their date was cut short and they haven't talked ever since.

"Ang damot naman sissy, ayaw talagang mag-share?" paingos na tanong sa kanya ni Jessica.

"Okay lang naman," walang tono at matamlay na sagot niya.

"Tell me..." Kumapit ito sa isa niyang braso. "Saan kayo pumunta? Anong mga pinag-usapan ninyo? Bakit ka niya inayang mag-date?"

Bumuntong-hininga si Rian. Gusto rin niyang malaman ang dahilan pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na magtanong.

"Uuwi na 'ko, gusto mo bang mag-overnight sa bahay?"

"Girl talk?" she excitedly asked.

She wanted to answer yes but it would be just a total lie. Kanina ay tinawagan siya ng kuya niya para utusang bumili ng snacks. Hindi siya nito hinahayaang lumakad mag-isa pero kapag kasama si Jin ay ayos lang dito.

Hindi pa rin niya maintindihan ang koneksyon ng dalawa at kung bakit ang laki ng tiwala ng kuya niya sa binata.

"May klase ka pa ba?"

She heard gasped all around them. Nang lumingon siya sa gilid ay nakatayo sa tapat ng lamesa nila si Jin, mataman ang titig sa kanya. Nasa kanila na rin ang atensyon ng mga nagbubuungang estudyante sa kabilang table ng library.

"H-hi Jin..." bati ni Jessica sa binata kaya nalipat sa dalaga ang atensyon niya.

Umupo sa tabi niya si Jin kaya mabilis na bumalik sa binata ang tingin niya. She felt cornered and uneasy with him in close proximity.

"Pinapasundo ka sa 'kin ng kuya mo, dadaan ka pa raw ng grocery."

Hindi siya sumagot pero sumunod naman silang dalawa sa binata nang lumabas ito ng library.

Habang naglalakad sa hallway, panay ang bulong sa kanya ng kaibigan.

"Ano na ba talaga kayong dalawa? Parang ang akward n'yo pa rin, eh. May nangyari ba sa inyo?"

"Wala naman," tanging sagot niya.

Nang makarating sila sa parking lot, saka lang sila muling nilingon ni Jin. He opened both doors in passenger's and backseat. Itinulak siya ni Jessica sa unahan habang ito naman ay sa backseat na umupo.

Wala na siyang nagawa.

Huminto sila sa isang convenient store para bumili ng mga pinapabili ng kuya niya. Pagdating sa cashier, mabilis na nakiagaw sa kanya si Jin para ito ang magbayad.

Allure (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon