anonymous ; chapter twenty six - anonymous

41 2 8
                                    

Stuck lang ako sa bahay ngayon dahil hindi na kami nagkaklase at tapos na ang requirements. Ilang days malamg tapos gagraduate na kami. Kinakabahan ako. Baka mamaya may mafail pala akong subject sa huling huling term, tapos hindi ako makagraduate. Paano nalang kung ganun? I shook my head. Hindi maaari.

Umuulan, heck, ang lakas pa nga, pero hindi ako mapakali. Andami kong iniisip. I was only wearing a white shirt and shorts dahil nasa bahay lang naman ako, habang nakahiga na sa kama ko. Nakapatay ang ilaw, ang phone ko lang ang tanging ilaw na nagliliwanag. I was talking with Joon, but his replies are getting shorter and shorter. Hindi ko alam kung bakit.

I furrowed my brows, nang magreply siya ulit.

From: Namjoon
I'm sorry. What are you doing tonight?

Wala naman. Wala naman siyang kasalanan, maybe he was just having a bad day, pero nagsosorry pa din siya sa akin. Ano bang nangyayari?

For some reason, nakaramdam din ako ng lungkot nang maramdaman ko na siguro ay malungkot siya. Ang hirap siguro ng pagiging idol, no? Maybe you will have many fans, but hindi pa rin naman nun matatanggal ang hirap at pagod na ginawa mo physically. Kahit na sabihin pa na maginhawa sa pakiramdam at nakapanggiginhawa yung madaming sumusuporta sayo, at the end of the day ay naaapektuhan pa din naman ang katawan mo.

To: Namjoon
Hey. Did something happen?

Nang masend ko yun ay agad naman akong nakareceive ng reply galing sa kanya.

From: Namjoon
I'm at your door.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa ko. How did he know kung san ako nakatira? Tsaka ang lakas ng ulan! Bakit siya nandito?!

Agad naman akong tumakbo sa baba papuntang front door dahil kung nandun nga siya ay baka mamaya magkasakit pa siya. Hindi ko naman hahayaan na mangyari yun! Wala na akong pakialam kung ano man yung suot ko, basta ang importante sa akin ay mapapasok ko na siya.

Nasa harapan na ako ng front door, at huminga ng malalim. Binuksan ko na ito at nagulat ako nang makita ko si Namjoon.

His hair was a wet mop on top of his head, his eyes puffy red, his clothes a little bit soaked. Anong ginagawa niya?!

Agad ko naman siyang pinapasok at nagulat ako nang yakapin niya ako matapos na maisara ko yung pinto.

Sasabihin ko sana na maligo muna siya dahil basang basa siya, kaso nga lang ay naramdaman ko ang panginginig ng mga balikat niya at ang uneven breathing niya. Something is wrong.

It made me feel sad. Anong meron? Anong nangyari?

I hugged him back and he hugged me tighter, as his cries sounded softly against my ears. It broke me. Bakit ang sakit pakinggan kapag lalaki na ang umiiyak? And of all people, bakit sa akin niya ipinakita ang side niya na ito?

Ayaw kong makita siya na malungkot, nasasaktan. Ayoko.

"Hey, Namjoon. What happened?" sabi ko sa kanya, and then he breathed in heavily.

"Everything happened, and I'm sorry kasi dinamay pa kita. You shouldn't see me cry but here I am crying on your shoulder when all I ever want is to give you all the shoulders when you cry," sabi niya, and I smiled sadly.

He's such a pure person, and I love that about him. Heck. I think I love him. Who would dare to hurt someone like Namjoon when he deserves the whole world in his hands?

"Hey, hindi mo ako dinamay, dahil sadyang magkaramay na tayo dito. It should be give and take. If you want to give me your shoulder when you cry, I sure as hell would do the same thing because that's what you deserve. Pero Joon, go take a hot bath first, baka magkasakit ka nyan. Let's talk about this after your bath, okay?" sabi ko, and then he pulled away from my hug.

anonymous ♧ kim namjoon auWhere stories live. Discover now