anonymous ; chapter sixteen - up on top

28 1 0
                                                  

"Ms Kim, Ms Kim, tawag ka po sa office ni Professor Willa," sabi ng isang freshman, at tumango naman ako. Mukha pa siyang natatakot sa akin, kaya naman ay hindi ko nalang pinansin.

Naglakad naman ako papunta sa office ni Professor Willa at napansin na pinagtitinginan ako kaso lang ay hindi ko na sila iniisip. Napansin ko din ang mga tingin nila; may ibang mukhang naaawa at may ibang natatawa. I really think na kagagawan nanaman ni Michael to.

Hanggang ngayon, nababagabag pa din ako ng kung ano man ang nangyari sa Sunrise Club. Tinanong ko na sina Sidney pero ayaw talaga nilang sabihin sa akin, pero determinado pa din akong malaman.

Nakarating na ako sa harapan ng office ni Professor Willa kaya ay kumatok ako. Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay gumawa nanaman si Michael ng rumour tungkol sa akin at hindi na ako makakapagfocus nun sa pag aaral ng matino. Baka mamaya sirang sira na yung pagkatao ko dahil sa kanya.

Nakarinig naman ako ng sumagot sa loob saying that I can already come in kaya ay binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at pumasok na sa loob.

Sinalubong ako ng malamig na temperature dahil malakas ang aircon ni Professor Willa, at ng silence dahil walang nagsasalita. Even Professor Willa isn't speaking.

"Professor. You called for me?" I asked, and she nodded.

Napatingin naman ako sa may couch at coffee table malapit sa desk na kinauupuan niya, at nakita na nakaupo din pala dun sina Earl at Michael. God. Just what I am looking for.

"Yes, I did. Maupo ka mauna sa couch sa harapan nina Mr Skeeter and Mr Chang," sabi ni Professor Willa so sinunod ko nalang yung inutos niya.

Naramdaman ko yung pagsunod ng tingin sa akin nina Michael, but I didn't pay attention to it. Nagdirediretso na lang ako sa may couch, at umupo habang hinintay na maupo rin si Professor Willa sa couch na pangatlo.

"So, it occurred to me that Mr Skeeter and Mr Chang are always picking on you, Ms Kim. And I am not allowing a student of mine lie about it, or pretend that it isn't happening just to protect the other. Umamin na kayong tatlo sa akin dahil kung hindi, ipapasa ko to sa korte. Bullying is punishable by law at alam ninyo yan as senior law students. Mr Chang, is this true?" Sabi ni Professor Willa, at napatingin naman ako kay Chang.

He breathed in deeply at tumingin ng saglit sa akin at kay Earl bago tumingin kay Professor Willa. Sino naman yung nagsusumbong tungkol dito? Wala ngang may courage na gawin to, at hinahayaan lang ng iba. Sino naman gumawa nito?

Professor Willa cleared her throat at tumingin kay Michael, at nag umpisa naman sa pagsagot si Michael.

"Yes, Professor. I always picked on her. I always picked on her because I thought that to win, I should put a little bit of pressure on my opponent's side. Just to intimidate her a bit, and maybe make her try harder para malagpasan niya ako. Hanggang sa nasarapan ko na ang dapat na pang aasar ko lang sa kanya, kaya ipinagpatuloy ko na dahil nalamon ako ng greed and crab mentality. Also, isang parte rin sa akin ang ginawa yun dahil gusto kong mawala ang focus ni Chienne sa pag-aaral at ako ang mas tumaas. I know that what I did was wrong, professor," sabi ni Michael, at nagulat naman ako sa sinabi niya.

Did he really mean that? Bakit siya umaamin ngayon, ngayon lang siya natakot sa batas at umaamin na siya? Eh paano naman si Earl kung ganon? Anong rason niya?

"Mr Skeeter?" Asked Professor Willa, at tinignan si Earl na parang naghihintay ng sasabihin niya.

"Yes, Professor. Totoo po na palagi namin siyang inaano. If Michael did it for fun, intimidation and for motivation, I just did it because I wanted to be labeled as someone like Michael and Chienne, intellectuals. Naisip ko na kapag kinakaya kaya ko si Chienne, edi magkalevel na kami. It's my fault, on my side, professor," sabi ni Earl, and I raised my brows.

anonymous ♧ kim namjoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon