anonymous ; chapter twenty three - like

32 0 0
                                                  

Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa ceiling. Katabi ko si Sidney habang nakahiga din siya doing the same thing as I am except that she kept looking at her phone from time to time. Siya yung nagsabi na magssleepover daw siya ngayon and she wanted to tell me something at sabi niya pa na sigurado din daw siya na may sasabihin din ako sa kanya kahit na hindi ko naman alam kung ano yung tinutukoy niya.

"So, ano na yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. Umiling siya, kaya naman I rolled my eyes at tinignan siya ng seryoso.

"Anong wala? Di ako naniniwala, ano yun?" sabi ko sa kanya, kaya naman ay nagsigh siya at umupo.

Ginaya ko naman siya at umupo na rin dahil mas komportable yata para sa kanya na magkwento ng ganun. Magkaharap kami ngayon kaya naman ay nakatitig ako sa mga mata niya.

"Wag mo akong tatawanan kapag nasabi ko na sayo yung gusto kong sabihin, okay?" sabi niya, kaya naman ay tumango ako. Ano naman ang ikakatawa ko kung seryoso siya ngayon?

Huminga siya ng malalim kaya naman ay hindi ko na siya minadali. Ano naman kaya yung sasabihin niya sa akin?

Andaming bagay na tumatakbo sa isipan ko pero hindi ko magawa na mapaniwala yung sarili ko sa mga conclusions na naiisip ko. Hay nako, Ayen. Umayos ka nga.

"Ano na yung-" sabi ko, at pinutol naman niya yung sasabihin ko at nagsalita na siya. Nagulat naman ako sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata dahil isa yun sa mga naiisip ko kanina na sa tingin ko ay hindi kapanipaniwala.

"I think I already like Michael. Gusto ko na siya at wag ka sanang magalit sa akin dahil sa naging nangyari nun. Nakita naman natin kung anong nangyari sa kanya matapos na magbago siya, e. Hindi ko maexplain kung bakit pero basta ganito yung nararamdaman ko. Natatakot ako na baka mamaya ikaw yung gusto niya." sabi ni Sidney, at nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya.

"Huy, ano ka ba? Hindi yan. Tsaka ayos lang naman sa akin namagkagusto ka kay Michael dahil nga kakasabi mo palang, nagbago na siya ngayon." sabi ko, and then she hugged me so I hugged her back.

Agad naman siyang humiwalay sa yakap kaya ay nagtaka ako. Tinignan niya ako ng nakakaloko kaya naman ay kumunot ang noo ko habang nakatingin na sa kanya. Ano nanaman kaya yung pumapasok sa isipan niya?

Ngumisi siya ng nakakaloko at nagbounce pa sa kama ko kaya naman ay mukhang alam ko na may halo nanamang kalokohan yung sasabihin niya sa akin.

"Oh, ano na? Alam ko yang hitsura na yan. May sasabihin ka pa, no?" sabi ko sa kanya at tumawa naman siya at umiling.

"Actually, hindi naman sa may sasabihin pa ako pero ikaw na yung may sasabihin sa akin. Now that I fessed up, tatanungin kita. Gusto mo ba si Joon?" sabi niya, at naramdaman ko naman yung pagkahiya kaya ay agad ako na umiling sa kanya at umiwas ng tingin.

Pumulot ako ng libro sa may bedside table ko at nagpanggap na binabasa yun habang sumandal na sa headboard. Mahirap na. Hindi ko naman siguro gusto si Namjoon, e. Siguro naooverwhelm lang ako at ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng kaibigan na katulad ni Namjoon. Siguro nga.

"Ayen. Don't you dare lie to me. Ano, may gusto ka ba kay Joon?" sabi niya, almost shoving her face on me.

Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa kunwari at hindi sana magbabalak na sumagot kaya lang ay ibinaba niya yung hawak ko at tinignan ako. Wala naman akong choice kundi ang magsabi diba? Isa pa, nagsabi siya sa akin ng tungkol kay Michael kaya ay dapat lang na sabihan ko na din siya.

"I mean, he's really good to talk to and we get along quite well. He's caring and he knows how to treat others around him. May pagkaclumsy din siya and he often does things na mukhang flaw sa iba pero cute tignan sa kanya. Personality wise, I like it. His looks, well, let's just say that he's really handsome. Siguro para sa iba, hindi niya kasing gwapo yung iba niyang kaibigan pero para sa akin siya yung pinakagwapo sa kanilang lahat lalo na kapag nakasuot siya ng mask at ng glasses," sabi ko, and hindi ko rin inexpect na masasani ko ang lahat ng yun.

Ngumisi sa akin si Sidney kaya naman I sighed. Is this a sign na gusto ko nga si Joon? Ano namang mapapala ko kapag inentertain ko yung thought na yun? Wala naman diba? Kaya mas mabuti na yung ganito at pinipilit ko yung sarili ko na hindi siya magustuhan kahit na sadyang kagusto gusto naman siya even with someone who has high standards like me.

"Hold that. Gwapo?! Edi nagkita na kayo?! Nakita niyo na yung isa't isa?!" sabi ni Sidne, at nanlaki naman yung mga mata ko. Hindi ko dapat na sinabi yun! But it was done anyway. And she deserved to know.

"We did meet." sabi ko, at kinilig naman siya at ako yung tinarget ng pillow kaya ay inagaw ko yun sa kanya.

"Kinikilig ka dyan e wala namang kakilig kilig. Kayo nga ni Michael madalas ma magkasama dyan," sabi ko, raising my eyebrows up and down kaya ay pinalo nanaman niya ako. "Aish, titigil na nga."

"Pero seryoso nga, may gusto ka ba kay Joon?" sabi niya sa akin, and I looked down. I shrugged.

"Hindi ko alam, Sidney. Alam mong hindi ko alam kung paano ang pakiramdam na yan." sagot ko sa kanya, and she grinned, "Isa pa, ano naman? At kung gusto ko naman siya if ever, there is mo chance that he likes me."

She rolled her eyes and then ruffled my hair kaya naman ay I groaned tapos ay inialis yung kamay niya. Tumawa siya, tapos ay kinuha yung kamay ko.

"I know for a reason na may gusto siya sayo," sabi ni Sidney, and I raised my brows at her. Nararamdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko kapag naririnig ko yun.

Naiimagine ko si Namjoon na nagkakagusto sa akin, at hindi ako mapakali. Mukhang malabo na mangyari, but I... enjoyed the fact? Ano bang nangyayari sa akin? pumasok nanaman sa isipan ko yung mga pick up lines na pinagsasabi niya sa akin at lahat ng mga bagay na sinasabi niya sa akin. Importante lahat yun para sa akin. Para sa kanya kaya?

Ano ba tong iniisip ko? Madami pa siyang mas dapat na ipaprioritize kesa sa akin at siguro naman madami dyan na idol din tulad niya na mas babagay sa kanya.

"He always checks on you. He makes sure na kahit may trabaho siya ay nakakakain siya kahit na magkaiba ang schedules ninyo. He drops hints. The way he cares for you. Hindi lahat ng lalaki basta basta na ganyan lang. Based on how you talk to him too, alam ko na may gusto siya sayo. Na may gusto ka sa kanya. He even wanted to meet with you at hindi ka niya tinigilan na kausapin kahit na natapos na kayong nagkakita. He plans to stay, Ayen. Sana matanggap mo yun," sabi ni Sidney, and I just give her a sweet smile back dahil nginitian niya ako.

Sabay naman kaming napatingin sa phone ko na nasa bedside table dahil biglang may tumawag. Napansin ko na si Namjoon yun kaya naman ay nagchuckle si Sidney sabay na umiling pa and gestured for me to take the call.

Sinagot ko yun at nakatingin lang sa akin si Sidney pero hinayaan ko na.

"Hey, Joon. Good evening," sabi ko sa kanya, and I heard him chuckle from the other line.

Sidney gestured for me to put it in loud speaker pero kahit na nagprotest ako ay wala naman akong nagawa kundi gawin din.

"Good evening ka dyan. Maghahating gabi na o. I just called para sabihin na kapag hindi ka pa kumain, gawin mo na. Rest up. Matulog ka na nyan, ha? I just got home, and I'm gonna rest now, too." sabi ni Joon, and I unconsciously smiled.

"Yeah. Go eat and rest up as well. Good night."

He totally likes you. mouthed Sidney, but I just shrugged my shoulders.

Ayaw kong umasa. Wag muna. Gagraduate muna ako. Hayyy.

anonymous ♧ kim namjoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon