anonymous ; chapter twenty eight - love

26 1 2
                                                  

Magkasama kami ni Joon ngayon sa bahay habang naghihintay. May show kasi sila mamaya, at mag uumpisa sila ng shows nila dito sa Seoul, tapos ay susunod na sila sa Japan. Dalawang oras bago yung show nila, at tapos na silang magpractice kanina kaya naman ay dumiretso siya dito.

Matapos namin na sabihin kina Sidney na kami na nga ni Joon, umamin na din si Michael kay Sidney na he is gay, but Sidney accepted it. Natatawa pa nga kami sa naging reaksyon niya dahil para siyang natatae, and then she told Michael about her crush on him. Magkakaibigan pa din naman kami, at tinanggap na ni Sidney na bakla nga si Michael. Although nagdrama siya sa akin kagabi at sinabi na sa lahat ng magugustuhan, sa bakla pa!

We were in the middle of watching The Big Bang Theory when he got a call, kaya naman ay sinagot na niya yun. He excused himself, so I was left alone watching habang kumakain ng popcorn.

Siguro lumipas na ang ilang minuto nang bumalik siya, but with a sad face. Nginitian ko naman siya, because I got it. Kailangan na niyang umalis. Ganito yung laging nangyayari kapag magkasama kami, e. Sa kalagitnaan ay kakailanganin siya, I mean, let's face it. It should be hard dating the leader of a kpop boy group. Alam ko naman na yung aasahan ko, e. Hindi pa din alam ng public yung tungkol sa amin, and I just let it. Wala akong magagawa. I need to settle in a relationship that wasn't like others', since hindi rin naman siya like other normal guys. But I do accept it. Everything.

He then gave me a hug and kissed my temple before placing his head on my shoulder. I just smiled and ran my hands through his hair.

"I'm sorry, baby, I have to go. Kailangan kong asikasuhin yung members. I promise, after the show, we'll go out," he said, at hinawakan ko naman yung magkabilaang pisngi niya sabay hinarap siya sa akin.

"Hey, it's okay, I know what will happen. You have your group." Sabi ko, and he gave me a smile before pecking my lips.

"I'm sorry, Ayen. But... would you want to watch the show?" sabi niya, and I smiled at him.

"How? I don't have a ticket-"

He then flashed a VIP ticket in front of me, giving me a sad smile. I slowly nodded and then he hugged me.

"Meet me backstage later, I'll take you somewhere," sabi niya, making me nod tapos ay ibinigay niya sa akin yung ticket.


Wearing my glasses, a white shirt, denim shorts and my red high cut converse nasa VIP section na ako at naghihintay na lumabas ang Bangtan. May dala din ako na ARMY Bomb, galing mismo kay Namjoon. Sabi niya kasi he wants to see me on the crowd with an ARMY Bomb. May countdown na, kaya naman excited ang lahat. Nagsisigawan pa yung mga fans, at malawak ang ngiti ko. Mukhang nakakaexcite. Nagvibrate yung phone ko, kaya naman nalaman ko na may message ako. It was from Chisae, and halos masira yung mata ko sa nabasa.

From: Chisae
EONNI?!? nandito ka din?!  i SEE UOU FROM THE OTHER VIP SECTION I AM LITERALLY ON THE OTHER SECTUIJN WHY ARENT WE ON THE SAME SECTION I CANT-

I almost cringed sa pagtatype ni Chisae, but I decided to type an answer dahil may thirty seconds pa bago mag umpisa na talaga, ayon sa countdown.

To: Chisae
Yeah, and okay. The way you type makes me cringe.

Nang masend ko na yun ay agad naman akong nakareceive ng reply kaso nga lang ay hindi ko na pinansin dahil nag umpisa na sila sa paglabas. Ang lakas ng sigawan, at punong puno ng mga ARMY Bomb na nag iiba ang kulay.

"ARMY!" Sigaw ni Namjoon kaya naman ay mas nagsigawan lalo yung mga Army. Nahihiya man ako but I cheered with the others and waved my ARMY Bomb.

Nag umpisa na siya sa pagperform ng Persona, kaya mas nagsilakasan yung cheers. Nagkatinginan kami ni Joon and he sent me a wink, making me blush.

"I just wanna give you all the shoulders when you cry,"

Bigla naman na may nagsalita sa tabi ko kaya ay napatingin ako sa kung sino man yun. He had his hair dyed, tapos ay nakasuot pa siya ng facemask habang may glasses. Mukhang nag eenjoy siya kaya naman ay nginitian ko siya at nagbow. Sa pananamit niya, mukhang isa din siyang idol.

"Omo, ikaw yung ate ni Chisae di ba?" tanong nung lalaki, and I nodded.

"Ahh! Crush kita! By the way, I'm Hyungwon, from Monsta X." sabi niya, offering me his hand. Nakipag shale hands naman ako sa kanya and then hinarap na yung panonood. Nagkatinginan kami ni Namjoon, but then he looked away kaya naman I furrowed my brows. "A pleasure to meet you."

"The pleasure is mine."

"Eh, can I get your number? I wanna be friends with you," sabi ni Hyungwon, kaya naman nginitian ko siya at nakipagpalitan ng phones as we punched our numbers in. Wala namang masama sa pakikipagkaibigan, right?

Natapos na sila sa lahat ng mga songs na ipeperform nila, at nakikipag interact nalang sa mga fans nila. I could see them looking out at the crowd with proud faces, and thought immediately that they deserved every fan they have. From watching them perform, I can say that they really were passionate about performing.

Namjoon cleared his throat kaya naman natuon sa kanya lahat ng pansin ng mga fans. Even ako napatingin sa kanya, wondering what he wanted to say.

"Good evening, ARMYS! May gusto lang akong sabihin sa inyong lahat, will you listen to me?" sabi ni Namjoon, smiling at the crowd genuinely.

"YES!" the crowd answered back, kaya naman ay ngumiti siya lalo.

"I want everyone to meet my wonderful girlfriend. She's in the crowd right now. She's amazing, so I hope you will not be mad at her, and I love her," sabi niya, at nagkatinginan naman kami.

I feel like crying, overwhelmed by emotions. I covered my face as tears started welling up. Hindi talaga siya nag iingat, eh! But it made me happy knowing that he was proud of me to the point na sasabihin niya na may girlfriend na siya.

"I want everyone to meet Chienne Euna Kim, bearer of my heart," sabi ni Namjoon, giving me a sweet smile and a wink. "Say hello to everyone, baby,"

I covered my face with one of my hands and waved my other, at nagcheer naman yung mga ARMY.

"EunJoon! Eunjoon!"

"Mas bagay pa kami ni Charlene dyan, eh," sabi ni Yoongi, kaya naman ay nagwala yung audience. Nanahimik naman sila bigla nang mag gesture si Yoongi na wag silang maingay.

"Wag kang sumingit, gago!" rinig ng lahat ng sigaw ni Charlene kaya nagtawanan sila.

"Mga papansin, Marione and I are the better couple! Mga bulok na itlog kayo," sabi ni V, kaya naman ay nagcheer sila.

"MarV! MarV!"

"Mga feeling, mas bagay kami ni Hanjin! Worldwide handsome and Nation's Crown Princess! My Princess, nanood ka dyan, papayag ka?!" sabi ni Jin, at nagtawanan naman yung fans.

"Um, excuse you? Margaux and I are the best match. She's perfect and I am perfect when I have her," sabi ni Jimin, making everyone cheer.

"HYUNGS! WALANG TATALO SAMIN NI CHLOE, NO?! Wala kayong talab samin. Mga golden maknae kaya kami," sabi ni Jungkook dahilan para magsigawan yung mga fans.

"BANGLIGHT! CHLOKOOK! CHLOKOOK!"

"KAYO NANG MAY MGA JOWA! HAY NAKO!" sabi ni Jhope, at nagtawanan naman yung fans. "Girlfriend ko yung ARMYS!"

"Mga singit kayo" sabi ni Namjoon. "I love you, Ayen!"

Nagtinginan naman lahat sa akin, so I covered my face.

"I love you too, Joon,"

"LOUDER, LOUDER, LOUDER!"

God, I'm going crazy.

"Hyungwon, akin yan, ah. Walang agawan," sabi ni Namjoon sa stage, kaya naman ay nagtawanan yung ARMYS.

I love him.

anonymous ♧ kim namjoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon