Prologue

4.2K 72 15
                                    

A/N: Try niyo po 'tong story na 'to. Sadya po siyang comedy. And bago niyo po i-judge itong story, tapusin niyo muna itong chapter. May twist po sa huli eh. >:)

Hi. Ako si Aphrodite Gwen Alvord. I'm 15 years old and I just want to say na napakaganda ko. :">

Yes, maganda ako! Sasabihin ko na sa inyo. Hindi kasi uso sa akin ang pa-humble effect eh. Ang ganda pa ng name ko, di ba? Apart from my super white skin and long shiny black (na medyo brown) hair, my face is just as perfect. No pimples or dark spots. Matangos nose ko and full pink lips pa!

And by the way, I am also sexy. As in! Bagay sa akin ang lahat na pwedeng suotin. Make me wear a trash bag and gagayahin ako ng iba kasi bagay talaga sa akin. Trendy kasi ako. And fashionable.

Nakikita niyo ba yang line of boys sa likod ko? Well, mga manliligaw ko sila. And head over heels sila sa akin. Ang ganda ko daw kasi tapos ang ganda pa ng personality ko. Rich pa and super smart! Saan ka pa?

....

Ha! I wish. =_="

Sa totoo lang, hindi Aphrodite Echos Whatever ang pangalan ko. Luisa Ramos ang name ko. Oo, hindi siya maganda pakinggan. Pangkaraniwan nga lang eh.  Parang ako lang.

And aaminin ko na. Hindi ako maganda. T____T Promise! Wala akong ginagawang pahumble effect. Hindi nga uso sa akin yun eh. Pangit talaga ako! 

Maitim ako.

Maraming pimples sa mukha.

Hindi gaanong matangos ang ilong.

Maraming pimples sa mukha. 

Mukhang hair ni Wicked Witch ang hair ko.

Maraming pimples sa mukha.

Ano pa ba? ...Namention ko na ba na marami akong pimples sa mukha? Kasi 'pag hindi pa, sasabihin ko na: Marami po akong pimples sa mukha. Tadtad! Lalo na sa noo ko. Para po 'tong tao, laging nagrereproduce at nagmumultiply.. -___-

And sexy?!? Pssh. I wish nga talaga. Mataba po ako. Yes, as in! Size XXXXXXXXXLLLLL po ata ako eh. Hahaha. Wala naman akong double chin, triple chin lang. ^___^ Napapagkamalan nga po akong litsong baboy tuwing kumakain ako ng apple. Hahaha.

Fashionable? Sino? Ako ba? Don't make me laugh. Mas fashionable pa po sa akin si Lady Gaga. T-Shirt na po ang pinakamataas na klaseng fashion ang makikita mo sa akin.

At may linya ako ng manliligaw? Pffft. Meron po akong linya ng langaw. Gusto mo? Bigyan kita. Pero walang manliligaw. Feeler lang.

So, ito na po ako. Ito na nga po si Luisa Ramos. Imahinasyon ko lang po si Aphrodite Gwen Alvord. Dream lang yan. Secret wish. 

Bakit? Ayaw mo rin bang maging kasing ganda ni Aphrodite? Sino bang may-ayaw? Kasi kung ako ay bibigyan ng chance, matagal na ako naging si Aphrodite.

Pero wala lang. Deadma lang. Wala kasi akong fairy godmother. Buti pa si Cinderella. 

And yet may isa lang po akong hinihiling. Sana naman mapansin ako ng crush ko: Si Neon Mark Grayson. 

One year po siyang mas matanda sa akin. At ang problema lang ay wala siyang hilig sa kahit kaninong pangit.

So dear imaginary fairy godmother,

Kung nandiyan po kayo, makinig naman kayo sa akin. One wish lang po! Isa lang! Gusto ko po maging katulad ni Aphrodite. Dali na. Sabi nga nila, share your blessings. Eh wala ka pa ngang binibigay sa aking blessing.

Kung tutuusin, curse naman 'tong hinandog mo sa akin. Ang epic fail mo eh. :P

Nagmamahal,

Luisa.

------------------

A/N: Nagustuhan niyo ba? Vote, Comment and Fan! Please? :D

BTW, Slow Update po ito. Busy po kasi ako lagi sa school and inu-update ko rin ang 'A Girl In An All Boys' School'. So in short, 2 stories na ang kailangan kong i-update. Please be patient. :))) 

-HypocriticallyNazi

7 Ways to Become BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon