Binuksan ko ulit yung pinto, nakapagpalit na at nailagay na ang basa kong damit sa plsatic bag.. "Oh, bakit ka napadpad dito?"

Biglang nagbago ang expression sa mukha ni Anna, may mga tears na nagfo-form sa kanyang mata. Tapos, niyapos niya ako. "I'm so so sorry, Luisa. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry!"

Nagulat ako. Hinawakan ko yung mga balakit ni Anna nung bumitaw na siya sa pagkayapos niya sa akin. Naka-dress ngayon si Anna na may cherry blossoms na design. "Wala ka namang kasalanan, Anna. Hindi mo responsibilidad na ipagtanggol ako."

"Responsibility ko siya bilang boss ko. And I came here to ask for your forgiveness," sabi niya.

"Kahit wala kang kasalanan sa akin, sure, I forgive you," I gave her a smile para mawala yung sama ng loob niya. Nakakataba naman ng puso (HA! PUSO KO NA LANG ANG MATABA NGAYON! NAMAMAYAT ATA AKO!) na malaman na equal pa rin ang tingin ni Anna sa akin kahit naging boss ko siya. Nag-sorry pa siya sa akin kahit wala naman siyang kasalanan. Ayaw kong isipin na may kasalanan siya, may point man si Neon o wala.

"And I'm here to give you this," binuksan niya yung sling bag niya at may kinuhang envelope. Inabot niya 'to sa akin. "Yung one month salary mo."

Binalik ko agad yung envelope sa kanya. "Ha? Eh, wala pa nga akong dalawang linggo sa café niyo, one month salary agad?"

"Tanggapin mo na please," sabi ni Anna. Pinipilit niyang ibigay yung envelope sa akin pero hindi ko tinatanggap. "Lalong sasama ang loob ko kung hindi mo siya kukunin. Payag naman si mama eh, masipag ka naman daw. At alam rin niya yung karanasan mo tungkol dun sa tatlong babae."

Umiling ako. "Ayaw ko talaga, Anna. Sasama rin kasi ang loob ko kung kinuha ko ang isang bagay na hindi ko naman deserve."

"Ganun ba? Aw," sabi niya. "Sayang naman kasi eh. Oh! Bakit ka nga pala nagpapalit ng damit?"

"Basa kasi yung suot ko kanina," sagot ko na lamang, ayaw kong malaman niya na binubully na ako nina Orion. "Nauubusan na nga ako ng damit eh. Haha."

"Hmm…" sabi ni Anna. Naglalakad na kami ngayon palabas ng school, nakikita kong nakapark yung kotse niya sa may gate. "I KNOW!"

Tumingin siya sa akin na excited na excited, ang laki ng ngiti. "I heard from Neon that you were trying to make yourself beautiful?"

"Ah, hindi. Para 'to sa school newspape---" Hindi ko na natapos kasi tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Anna.

"Alam ko na! It's such a good idea! Why don't we spend your salary on buying you fashionable clothes! This would be a compromise, right? Just think of it as me, your friend, giving you gifts. While I'll think of it as a trade for spending two weeks at our café! You see, Luisa, malaking points sa overall mong look kapag maganda ka manapit. Mas eye-catching ang magandang babaeng magandang manamit keysa sa magandang babaeng plain manamit. Dress for success everyday," sabi niya, hinihigit na ako papunta sa kanyang kotse. "Let's go to the mall!"

"Wait. Teka, teka, gagastos ka ng 4000 pesos para sa damit KO?" tanong ko, 4 thousand kasi ang one month salary ko dapat. Gusto ko man na magkaroon ng bagong damit, nakakahiya naman 'pag gagastos siya ng ganoon karami.

"Don't worry, I was at the mall yesterday and nakita kong sale. And we could visit those Korean boutiques along the streets and highways, balita ko mas mura daw doon." sabi niya, tinutulak na ako papasok ng kotse. TEKA, KINIKIDNAP NA BA AKO? "Kung hindi ka comfortable na gastusin lahat ng 'yan, hindi natin siya lahat gagastusin."

"O, sige…?" unsure kong sinagot. May kakasya na siguro sa akin na damit maliban sa t-shirt at pants?

"GREAT!" sabi niya. Sinabihan niya yung driver niya kung saan kami pupunta. "And, by the way, Luisa, napapansin ko na gumaganda na ang figure mo."

(O.O) ANO DAWWWW? SEXY NA DAW BA AKO?!?


 

SIGE, WAY #5: High Fashion! Dress for success!

….

"Sige na, sige na, inyo na 'to ng isang daan," yamot na sinabi nung tindera. Nilagay niya sa plastic yung piniling blouse (na may panda sa harap) ni Anna para sa akin.

Kung saan-saan na kami ngayon nakarating ni Anna. Nakadalawang malls na kami tapos napadpad na kami ngayon sa Divisoria. Infairness, pang business woman talaga si Anna, ang galing makipag-haggle sa presyo!

Kanina po ako tinatanong ni Anna ng kung anu - ano para malaman niya ang style ko. Eh, sa akin naman, kung anong mura, go lang! Pero nag-insist siya, kaya sinabi ko sa kanya ang mga hilig ko. Siya na ang nag-isip kung anong style ang bagay sa akin.

"Wait. I need to take this call," sabi sa akin ni Anna nang tumunog yung kanyang cellphone. "Hello? Oh. Hi!"

Naningin ako ng pwede naming kainan. Or at least kung saan ako pwedeng maka-inom ng tubig. Nakakauhaw rin ano!

"Yeah? Um. I saw him about a month ago when I was with a friend," naramdaman kong nakatingin sa akin si Anna. "Really? He was doing that? Ano ba ang pwede kong gawin?"

Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naisip si Orion. May relation ba yung pinag-uusapan ni Anna at nung kausap niya kay Orion? Tutal, magkakilala naman sila, di ba?

"Nasa Divisoria ako ngayon eh. With a friend," sabi ni Anna sa phone niya. "You're near here? Okay, I'll wait for you here. I'm near the food court. Bye."

Binalik ni Anna yung phone niya sa bulsa ang tumingin sa akin na mukhang nagmamakaawa. "I'm really, really sorry, Luisa. Pwedeng maghiwalay muna tayo ng thirty minutes? May kailangan akong kausapin eh."

"Ganun ba? Okay lang. Sure. Sa first floor na muna ako. Text mo na lang ako 'pag tapos ka na," sagot ko, papunta na sa escalator.

Tumigil muna ako doon sa hotdog stand para bumili ng inumin at hotdog. Para naman may magawa ako habang naghihintay.

Bumaba na ako ng escalator nang nakita ko kung sino yung pataas pa lang.

"JEAN!"

Humarap siya sa akin at nag-wave. Hinintay niya akong makababa bago batiin.

"Oh, hi, Luisa!" sabi niya, mukhang extra shiny ang ngipin niya ngayon ah! "Anong ginagawa mo dito?"

"Namimili ng damit," sabi ko, itinaas yung kamay kong may dala-dalang plastic ng mga damit. "Ikaw?"

"Here to meet a friend," sabi niya.

Naiisip ko si Anna. Silang dalawa ba ang magkikita ngayon? Tungkol saan kaya? Kay Orion? Or may date sila? Pero anong klaseng date naman ang thirty minutes.

"Oh, how are you?" tanong niya sa akin.

Hmm. Ngayon na siguro ang pagkakataon kong magtanong kay Orion.

"Okay lang. Pero may kaaway ako ngayon eh," sabi ko.

"Huh? Who?" Parang dumilim ang mukha ni Jean nung sumimangot siya.

"Orion. Kilala mo ba 'yun?" tanong ko.

Tumingin sa akin si Jean, tapos sa floor, tapos sa escalator. "Well…yeah."

"Paano mo siya nakilala?"

"It's a long story. But we're, um, friends," mahina niyang sinabi. "Don't mind him. He's just having a really hard time. The first person he's ever loved left him a few months ago."

Unti-unting nagdugtong yung mga pieces ng puzzle. Kaya pala nakita ko siyang umiiyak dati. Kaya pala parang may tao siyang hinahanap sa akin. Pero ano ang connection ni Orion kay Anna?

N/A: Not quite happy about how this turned out. Edit ko na lang(ulit) someday. Haha. 

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now