CHAPTER 50- Birthday gift

Start from the beginning
                                    

“HAPPY BIRTHDAAAAAAAAAAAAY!”-dalawang boses ulit yung narinig ko....

Napangiti nalang ako ng wagas to see Genesis and Chrizza downstairs.

Ano naman daw to? Surprise? Hahaha para namang hindi kami nagkikita-kita sa school? Si Genesis nga seatmate ko eh. But we’re totally cool with each other. Parang mas naging okay pa nga yung friendship namin after the things that happened. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron na sakanila ni Chrizza. Kung anong ginawa ni Genesis noon sa Tennessee, na naging dahilan din ng hindi niya pagpunta sa engagement party... But I know there’s this something special between them, pero, minsan nag-iiwasan naman. Isa lang ang sigurado ako, magulo silang dalawa.

“tagal mo namang gumising Janica”-reklamo ni Genesis at nauna na sa kitchen...

“Una na kaming kumain ah? Nakakagutom kasing magprepare sa simbahan”-ngumiti lang si Chrizza at sinundan si Genesis sa kitchen. Huh? Ano naman daw yun? Simbahan?

Nilingon ko si Darius with puzzled looks.. “ang weird nung dalawa ah?”-sabi ko kay Darius. nginitan lang din niya ako... eeeh? Ano bang nangyayari sa mga to?

“tsss, tara na nga baby, ang weird ng mga tao ngayon!”-si Todd nalang kinausap ko... pumunta narin kami sa kitchen... sumunod lang si Darius samin.

WOW! Ang daming pagkain! Breakfast ba na matatawag to? Parang fiesta na eh!

Pinaupo ko na si Todd sa tabi ko at kumain na kami...

Habang kumakain kami, may mga kakaibang ngiti tong mga kasama ko. I know they’re up to something. Hay! sana lang matuwa ako sa binabalak nilang surprise kung meron man.

“Janica, magbihis ka after mong kumain, may pupuntahan tayo”-maya-maya sabi ni Darius...

“Pinsan, sabihin mong gamitin niya yung binili natin kahapon na dress, baka magshirt at jeans lang yan sige ka!”-si Chrizza naman ang nagsalita

“Kahit naman, anong suot niyan, matutuloy parin yun.. diba wala nang urungan pare?”-singit naman ni Genesis...

(?)__(?) Anong bang mangyayari?

“Janica, I bought a dress for you, nandun na sa closet mo. Yung unang makikita mo dun. Yung ang suutin mo mamaya”-yung itsura ni Darius ngayon, parang siyang naeexcite na ewan. Bihira yung ganyang aura niya ah?

Hindi ko tuloy alam kung mae-excite ako o kikilabutan ako sa mangyayari....

***************

We ate happily.. oh no! they ate happily. I ate confusedly...

Parang hindi magandang combination ng mga planners ang topaking si Genesis, Queen of trippings na si Chrizza at Darius the Great? Mukhang may hindi magandang mangyayari sakin? *gulp*

YOUNG DAD (Completed)Where stories live. Discover now