CHAPTER 50- Birthday gift

5.2K 77 16
                                    

Jebemonster:okay! ehem.... ehem.... yung tuloy nito... bukas na! natype ko na yun... pero ano... ipopolish ko pa.. nakaka-kabang ipost eh! hahaha

*********************************************************

CHAPTER 50

JANICA’S POV


“Happy Birthday to you... happy birthday to you, happy birthday happy birthday to you”-mula sa dalawang boses na kumakanta ang gumising sakin...

I slowly opened my eyes and I saw Darius and Todd standing beside the bed where I’m lying. Darius is holding a birthday cake while Todd’s in a party hat.

Ang ganda ng ngiti ng mag-amang to, kala mo naman hindi ako inistorbo sa pagtulog. Pagod pa ako sa mga kulitan namin kagabi. Buti nalang at birthday ko, kaya hindi ako magsusungit ngayon. ^____^ Ngayon talaga dapat ang debut ko, pero diba  nga napaaga ng isang buwan yung party nun dahil may aasikasuhin ang mga magulang ko about sa business namin... I mean nila...

And, It’s almost a month since Darius and I are living together in one roof. Pero huwag niyong isipin na nagawa na namin YUN ah? Behave pa kami, kasi Todd is with us. Eversince kinuha namin siya noon, dito narin siya tumira... though minsan hinahanap niya si Mama Kath niya, dumadalaw naman kami nina Darius sakanila.

Sa halos isang buwan, marami naring nangyari. Isang linggo kami nun  na hindi pumasok ni Darius sa school at sa Center. Alam kasi namin mainit pa kami sa mata ng mga tao. Wala naman kaming balak magtago, pero pinahupa lang namin yung issue. So after a week, pumasok din kami. Nakarinig pa din kami ng marami mga salita na nakakayurak ng pagkatao, pero nagbingi-bingihan nalang kami ni Darius. Wala naman kasi silang alam, kaya madali lang silang nakakapagbitiw ng mga ganung salita. Pero ng mga sumunod na na linggo, hindi naman na masyadong maingay ang mga pangalan namin... nagsawa narin siguro ang mga tao, lalo pa’t nakikita naman nilang masaya at matatag parin kami ni Darius despite of all the intrigues.

About my parents, they never called me, and worse parang hindi na ako pinahanap. I know, this is what I like to happen in the first place, I wanted to disappoint them, I wanted them to disown me, so I can be free from their control. Pero hindi ko parin maiwasang masaktan, kasi hindi ko rin inaasahan na kaya nga pala nilang gawin yun.

********

“Happy Birthday Ma!”-bati ulit sakin ni Darius and he kissed me in the lips. Nagulat ako sa ginawa niya kasi, hindi niya ako nahahalikan kung andito si Todd. Sa  tuwing tulog lang si Todd nakakanakaw ng halik yan eh. Pero mas nagulat ako na walang tadyak na natamo si Darius sa anak niya... though nakabusangot na yung mukha ni Todd, yun nga lang hindi siya naging bayolente...

“Hindi galit baby ko?”-tanong ko kay Todd pagkabuhat ko sa kanya...

“Noo Titaa causshe it’ssh your birthday”-tinignan ko si Darius, nakangiti lang. mukhang may ginawa na naman to.

“let’s go out, breakfast is ready”-sabi ni Darius.

Kaya lumabas kami, habang buhat buhat ko parin si Todd. Aiiist ang bigat na niya... tapos buhat lang ni Darius yung cake.. magpalit kaya kami ng buhat no? hahahaha

YOUNG DAD (Completed)Where stories live. Discover now