CHAPTER 9 part 2- "BABE WE SHOULD PRACTICE"

7.4K 112 14
                                    

jebemonster:tinamad ako ng mga nakaraang araw guys hahahaha. tsaka may inasikaso kasi ako eh, i've filed for civil service examination. hahaha andami dami palang kelangang tsubatsutsu hahahaha

Okay I'm dedicating this chapter to her cause she's just darling. I love her na. Sissy Twinkie thanks for giving me Enrique hahahahaha

oh siya ito na! bitin to post ko siguro mamaya yung kasunod

CHAPTER 9 part 2

****SATURDAY

Nandito pa ako ngayon sa kwarto ko, napa-praning na ewan, kinakabahan na hindi naman dapat, pero hindi ko rin maikakaila na na-eexcite ako, siyempre kahit kunwari lang ang gagawin namin ni Darius, pagkakataon ko narin itong makatsansing hahahaha (ako na ako na ang malandi).

Hinihintay ko kasi siya ngayon kasi susunduin niya ako. Kina-calm down ko pa ang sarili ko para hindi rin naman mapaghalataan na nininerbyos ako sa gagawin naming pagpapanggap, or baka kasi si Darius na ang makalahata mismo na gusto ko yung ginagawa ko, ayoko din naman isipin niya yun, baka kasi mag-feeling yun. Hahahaha

Pumunta muna ako sa harap ng salamin, siyempre kelangan ko ding i-check kung maganda ako, siyempre kahit naman kunwari lang to, ayaw ko din namang mapagtawanan si Darius dahil gurang ang girlfriend niya. At dahil beach party yun, hindi ako nagmake-up, aba eh, sino ba namang baliw ang magmamake-up pag magbebeach? Simpleng cheek tint at lip gloss lang ang linagay ko sa mukha ko, para naman kahit papano eh magkaroon ng konting glow ang aking mukha.

***beep beep (busina yan ng kotse)

Meaning andito na ang sundo kong gwapong-gwapong at mahal na mahal kong boyfriend. (how I wish na maging totoo kaso ngayon araw lang pala). Well ENJOY ko nalang this is one hell of experience!

Dali-dali na kong bumaba sa hagdan namin, muntik pa nga akong madapa, kung hindi rin kasi ako masyadong excited hahaha, hindi na ako nagpaalam wala rin naman ang mga parents ko, yung dalawa ko namang kapatid na babae at lalake, ewan naglakwatsa din siguro ang mga yun, (oo tama kayo may kapatid po ako, pero next time ko na ikkwento ang tungkol sa kanila, lalabasin ko muna si Darius ko) at yun na nga tuluyan ko nang narating ang labas kung nasaan si Darius.

Si Darius na nakasandal sa kotse niya , naka-shades, naka-plain white shirt at naka-shorts tas naka tsinelas lang. ready to go to beach na talaga eh.

Ang simple ng suot niya pero grabe! Bakit ganun? Nakakalaglag panty este panga parin? Waaaaaaaaah ang hot parin niyang tignan. Eto yata yung klase ng tao na kahit pagsuotin mo ng basahan kayang kaya parin niyang idala dahil sa kanyang natural na kagwapuhan! Waaaaaah ulala

"I know I'm handsome, don't make it too obvious"- he said while smiling oh so handsome! okay nawala ang pagpapatasya ko sa kanya ng bigla siyang nagsalita. Waaah nakakahiya medyo napatagal yata ang pagtitig ko sakanya ahmmmmss

"a-ang kapal talaga nito!"-parang pati ako hindi convinced sa sinabi ko. Eh kasi naman sobrang agree ako dun sa sinabi niya eh

"don't worry, you too are beautiful, but I'm not just making it obvious"-sabi niya yun at tinignan ako head to foot then nag-smile. Tsaka siya umikot papunta sa kabilang side ng kotse para pagbuksan ako.

YOUNG DAD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon