Chapter 4: Sa Likod ng Maskara

5K 91 3
                                    

Sorry sa late UD guys hehe, medyo wala kasi napasok na idea sa utak ko, pero ito na po...

---------------------------------------------------

"don't fear the enemy that attacks you, but the fake friend that hugs you"

*****

Someone's POV

Paakyat na ako ng hagdan papuntang office ng amo ko, para tawagin siya para maghapunan. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng office niya, napansin ko ang naka-awang na pinto, kakatukin ko na sana ng marinig ko ang mabagsik na boses na sumigaw sa loob ng opisina ng aking amo. 

"DAMN! " sigaw niya.

Naalarma ako, ngali-ngali kong nilingon ang buong paligid at baka may makakita na nakikinig ako dito sa labas... 

"Ano!? Pumalpak na naman kayo!? Ang simple lang ng iniutos ko hindi niyo pa magawa ng tama, mga walang silbi, BAKA! (IDIOT! ) " sigaw ng amo ko sa loob.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya, pero nanatili akong nakikinig. At isa pa, anong utos iyon at galit na galit si siya? 

Kinakabahan ako ngayon, sa tagal ko ng naninilbihan sa pamilyang ito, ngayon ko lang narinig ang ganyang boses niya, dahil lage lang itong nakangiti sa harap namin.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Bumukas bigla ang pinto at iniluwa nito ang aking amo.

"What are you doing manang? Narinig mo ba lahat ng pinag-usapan namin sa kabilang linya, ha? Cecille? " mahinahon pero seryoso at nakakatakot ang boses nito.

Parang hindi siya, parang ibang tao ang kaharap ko, na anomang oras ay kaya niya akong patayin sa isang kisap mata! Patay kang Cecille ka!

Hindi ko akalaing ang mabait na taong pinaglilingkuran ng mahabang panahon, ay isang mapagpanggap na nilalang sa likod ng isang maskara.

Ano ba ang totoo, sa likod ng maskarang suot niya, ano nga ba? 

---------------------------------------------------

I know its lame, pero meron na sa inyo ang nakaka alam kung sino ang 'someone'na ito at naguguluhan kayo kung sino ang taong iyon na two-faced, right readers, haha, don't hesitate to leave a comment guys and vote hehe... 

sorry na din sa wrong typos...

09/06/14>12:36AM

*_DARKFAE

I'm The Assassin PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon