Natuwa tuloy lalo sa kanya si Auntie kaya lalong hindi binitawan. Si Geeo ay pangingiti lang sa tabi. Namana talaga ng anak ko ang pagiging moody ko.  Well, nasa mood naman siya ngayon.

Napilit kami ni Auntie Lucy na maghapunan na na muna bago kami umalis. Sakto rin kasi na sasabay na sa amin si Ginny pabalik ng Dasma. Umuwi pa siya sa kanila para kumuha ng mga damit.

"Kumain na kayo at matagal pa ang balik noon ni Ginea. Akala mo dadalhin na noon ang buong bahay kapag nagaalsa-balutan iyon, e," sabi ni Auntie Lucy sabay tawa.

Ito ang isa din sa mga mamimiss ko rito! Pusit!

"Auntie, napagbalot niyo na po ba kami ng pusit na iuuwi namin?" tanong ko.

"Oo naman. Sampung supot ang nandun sa cooler na nilagyan ko na rin ng araming yelo para hindi masira. Ilagay niyo sa ref pagkauwi niyo."

Nginitian ko si Auntie.

"Favorite mo na ang pusit, a," sabi ni George sa akin.

"Sarap kaya!"

Kumain kami ng dinner kahit na ala-singko pa lang. Pero dahil wala pa si Ginny, nakapag-bake pa sina Athan at Matt ng cupcakes.

"Sorry, natagalan." Hinihingal na sabi ni Ginny pagpasok niya sa bahay. May dala siyang maleta.

"Maupo ka muna at magpahinga bago tayo aalis," sabi sa kanya ni Athan.

Napatingin kaming lahat sa kapapasok lang na si Ronald. Autmatic naman akong napabalik ng tingin kay George at sabay pa kaming napangiti. Haha! Alam na!

Natahimik ang lahat kaya namula si Ginny.

"Kuha lang ako ng tubig."

Hindi ko napansing nawala si Ronald, a. Sinamahan niya pala si Ginny. At ang tagal nila. Well, well, well.

Naramdaman ko ang paglapit sakin ni George. May binulong siya. "Bakit kaya ang tagal nila?"

Napalakas ako ng tawa then I shrugged. At dahil hindi ko siya sinagot, bumulong na naman siya. "Fan ka nan g GR, a."

"GR?"

"Ginny and Ronald."

"Napaka-creative naman nun," sarkastiko kong sabi. "RonNY, GinRo, RoGin. Ang panget. GR na nga lang!"

Sabay kaming napatawa.

Si Tatay Roger ulit ang nag-drive. Puro kami tawa sa sasakyan dahil si Athan at Matt ay nagda-dialogue sa ginawa nilang play noong surprise sa akin ni George. Kalakasan ang tawa ni Ginny. Ang hyper-hyper niya ngayon. Si Ronald naman ay siguro nahihiya kaya tahimik lang na nakikinig. Syempre, dahil sa amin ni George magkatabi sila ni Ginny. Nasa tabi sila nina Matt at Athan. Maluwang kami noong papunta. Ngayong pauwi ay sakto na. Though hindi na makahiga si Geeo.

"The best talaga si Kuya Athan! Napaka-talented!" nakikisabay din ng pagtawa si Gwen kay Ginny.

"Well, ako pa ba?" ani Athan.

"Kaya nga love kita, e," singit naman ni Matt sabay kurot sa ilong ni Athan.

Si Nanay Maria ay ngiting-ngiti rin.

"Number 1 fan niyo talaga ako Matt at Athan," sabi ni Ginny.

"Mag-boyfriend ka na rin, Auntie," sabat ni Gwen.

Natigilan kaming lahat at maya-maya pa'y si Ginny na ang inasar nang inasar ng mag-nobyo at ni Gwen. Hindi na ako nakisali. Nagkatinginan kami ni George sa salamin.

Then he mouthed, "GRCouple!"

Nakatawagan ko rin si Blesie habang nasa biyahe. Mukhang okay na siya dahil ang gaan nan g boses niya at masaya. Wag na raw akong mag-alala dahil inaayos nilang mag-asawa ang problema. Saka laking gulat ko na hindi naman daw pala anak ni Patrick iyong dinadala ng babae niya. Inamin na raw noong babae dahil ayaw na nitong maging komplikado pa lalo. Pareho lang daw silang nadala ni Patrick dahil may problema rin ito sa asawa.

Noong nalaman ko yun ay para akong nabunutan ng tinik. At least.

Sobrang saya raw ni Patrick nang malaman buntis siya. Napangiti ako dahil ang batang iyon ang lalo pang magpapatatag sa samahan nilang dalawa.

Bukas pala ay babalik na sina Papa at Gwen sa Quezon dahil may pasok na si Gwen. Sina Athan at Matt din ay balik trabaho na. Ako rin siguro saka si George.

Pagkaparada namin sa labas ng bahay namin, namataan ko agad ang isang babae na nakaupo sa tapat ng gate. Nang mapansin nitong tumigil ang sasakyan, tumayo ito at nagpagpag ng kamay. Unang bumaba si Papa para buksan yung gate. Sumunod na rin ang Mama ko para lapitan yung babae. Pinasok muna ni Tatay Roger ang sasakyan saka kami bumaba. Dumeretso na ang lahat sa loob. Hinila na rin ako ni George. Sino kaya yung babae? Gabing-gabi na, a. Buti at pinayagan rin siya ng mga guard sa village na makapasok.

Naupo kami ni George sa sala. Silang lahat ay nag-akyatan na sa kwarto. Pagod siguro sa byahe. Alas onse na rin kasi. Hinatid na rin ni Nana yang mga anak ko sa kwarto nila.

"Tara na sa kwarto," yaya ni George.

"Wait natin si Mama. Nakita mo yung babae kanina? Baka may kailangan siya."

"Sige," sabi niya sabay balik ng upo. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Maya-maya pa'y dumating na si Mama at kasunod niya ang babae. Simple lang ang suot niyang t-shirt at jeans. Mukhang mas bata pa siya sa akin.

"G, George," sabi ni Mama. Parang sumeryoso siya. "Si Leny. Leny, sina G at George."

Pinaupo namin si Leny at si Mama. Hindi naman siguro siya maghihintay at pupunta ng ganitong oras kung hindi importante ang sadya niya.

"Good evening," bati ko.

"Magandang gabi rin po."

Nakita ko ang kaba sa kanyang mukha. Tumungo lang siya matapos akong batiin. Nakahawak din ang mga dalawang kamay niya sa laylayan ng damit niya.

Nagtataka ako kung anong dahilan niya. Si Mama kasi ay nakatingin lang samin ni George. Ilang sandali pa ng nagsalita na siya.

"Mga anak, si Leny...siya ang totoong nanay ni Geeo."

Pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Mama ay napahawak ako kay George. Parang tumigil ang mundo ko.

Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito?

Ayoko. Ayokong isipin. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala sa amin si Geeo.





www.facebook.com/nayinkofficial

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter

I'm NBSB No MoreМесто, где живут истории. Откройте их для себя