"Nung gabing iyon ay kasal ng ex ko at ng aking dating kaibigan. Masakit man sa part ko pero tinanggap ko yon. But deep in side, napakasskit dahil matagal na kaming magkarelasyon pero ang kaibigan ko ang pinili niya." sabi ko habang umiiyak.

      
Di ko maiwasan. Then I feel him hugging me, comforting me like a friend. Ewan ko kung bakit pa umabot sa ganitong sitwasyon pero habang naaalala ko kasi ang lahat ng iyon ay tila ba nawawawalan ako ng ganang mabuhay pa.

          
"Iiyak mo lang yan..." I heard he said.

        
Gusto ko sanang pumunta ng bar at magpakalasing pero pinigilan niya ako. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

       
Ngayon, nami-miss ko na ang bestfriend ko. Kaso lang, taksil siya eh. Pati yung ex kong hindi makontento sa isa. Buti na lang, may tao pang nandito sa tabi ko sa oras na to para damayan ako sa pagiging tanga at emosyonal na pagkatao ko.

      
"OKAY ka lang ba talaga?" tanong ko. Tumango lang siya. Matapos ang lahat ng iyon ay inihatid ko siya kung saan siya nakatira. Pansin ko rin kasing hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang.

       
Tiningnan ko lang siya. Nang nakapasok na siya sa loob ng apartment niya ay tsaka na ako naglakad papunta sa aking sasakyan at nagmaneho. Pupunta muna ako sa store para kumain. Gutom na ako.

      
       
Habang nagda-drive ako ay may biglang tumawag. Si mom. Anong kailangan niya? Bakit siya tumawag? I put my headset and answered the call.

       
"Why?"

       

"Where are you?" she asked.

       
Nagtatanong ka pa kung nasaan ako? Ano, concern? Kailan pa ba yun magiging concern. May kailangan lang to panigurado.

       
"Busy ako. Tatawagan na lang kita mamaya." I said and ended the call. May gana pa talaga siyang magtanong kung nasaan ako. Nakakainis. Maganda na sana ang mood ko dahil sa nangyari kanina.

        
Ugh! No! Not now. Maalala ko lang, yung nangyari kanina ay recorded na sa memory ko. I dont want to see her cry kaya nagawa kong i-comfort siya. Para niya akong naging close niyang kaibigan kanina.

          
Pero I conclude na kahit mayroon siyang magandang mukha at katawan, may malaking problema pala siyang dinadala. Like the one na sinabi niya sa akin kanina.

         
Its hard. Na malagay sa ganoong sitwasyon. Na hiniwalayan siya ng ex niya para lang sa bestfriend niyang niloloko ka lang pala nila, at sa mismong gabi pang iyon talaga nadagdagan ang problema mo.

        
Pero sana, nakatulong ako sa kaniya. Sana.

         
"DRAGON!" rinig kong wika ng isang tinig. I know that it is her, nanang Fe. Nagmamadali akong naglakad papalapit sa kaniya at sabay kaming pumasok sa store. Ang tagal ko ring hindi nakabisita sa kaniya.

          
"Ano na? Nasaan na yung kasintahan mo?" tanong niya. Ha? Sinong kasintahan? It was long time ago nang mag break kami ni Kaycie pero wala pa akong pinapalit sa kaniya, kahit na ginamit niya lang ako para doon sa lalaking pinalit niya sa akin.

           
"Wala ho akong girlfriend."

          
"Naku, mga kabataan talaga ngayon. Mas malilimutin pa kayo sa aming may mga edad na. Diba may dinala kang babae rito? Yung gelpren mo yon diba?" she said.

           
Oh, siya pala yung tinutukoy ni nanang. Hay, nanang Fe naman, hindi ko po siya girlfriend.

           
"Eto, paborito mo." sabi niya at inilagay ang isang bowl ng noodles na gusto kong flavor. Alam niya talagang gutom na ako. I started to eat and at the same time, itinanong ko kung hindi ba siya nahihirapan sa pagpapatakbo nitong grocery store nang siya lang mag isa.

         
She said na its her hobby. And she will never be tired of taking care of this store. Napangiti ako. Bilib din ako sa tibay ng loob na mayroon si nanang.

        
Hindi muna ako umalis kaagad. Nagkuwentuhan muna kami ni nanang Fe tungkol sa mga bagay bagay. Sinamahan ko siya rito hanggang sa magsara siya. Inihatid ko siya sa kaniyang tahanan at bago pa man ako makabalik sa building ay pinabaunan niya ako ng mainit na tsokolate.

       
"Ngayong alam mo naman ang bahay ko, dumalaw ka. Isama mo yung maganda mong gelpren." nakangiti niyang sinabi.

       
"Nanang naman eh. Di ko nga siya girlfriend." I insisted. Pero talo ako sa kaniya. Hay.

        
"Aysus... Wag mo na kasing itanggi." Sige na nga ho. Wala akong laban sa inyo nanang. Di ko na itatanggi.

        
Nagpaalam na ako sa kaniya at nagmaneho ako para makauwi na. Napansin kong mag-aalas onse na pala ng gabi.

        
Pansin ko na hindi na pala ako nakakapunta ng bar. Di na rin kami nagkakausap ni Dave. Ayaw ko rin namang umuwi doon dahil wala akong kasama. Si Jaime lang ang tao doon sa bahay na yon.

         
Nagmaneho na ako papunta sa building. Magpapahinga na muna ako. Medyo napagod rin ako ngayong araw. Pero I am so glad dahil para bang umayon ang buong mundo sa akin. Parang sumabay ang tadhana sa alon ng aking buhay.

         
Pero sana, magtuloy tuloy na to. Para mas maginga madali na ang paghingi ko ng sorry, and at the same time, maging magkaibigan na kami.

             
ZOE naman! Ang tanga tanga mo talaga! Bakit ko ba nagawa yun? Idinamay ko pa talaga siya sa kagagahan ko.

             
Pero napansin ko lang, napagaan niya ng husto ang loob ko kanina. Nung kailangan ko ng kaibigan, nandoon siya. Dinala niya ako sa lugar kung saan pwede kong ilabas ang sama ng loob ko.

         
Kahit papaano ay nabawasan ito. Ngayon, ano na ba ang dapat kong gawin?

         
I took a deep breath. And naalala ko yung nangyari kanina. Mula noong nasa set pa kami, hanggang sa dinala niya ako sa kwarto. Nung nabangga ang aking likod sa pader ay parang natauhan ako kahit papaano.

        
Matapos ang pangyayaring iyon ay pilit akong nag move on sa lalaking mahal ko, at sa babaeng naging dating kakampi ko. Pero ngayon, nung nakilala ko si dragon, it feels like siya yung naging daan para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

        
Kahit na hindi ko pa nalilimutan ang nangyari sa aming dalawa, parang yun ang naging way for us to be more closer, the two of us.

        

 

One Night Stand Where stories live. Discover now