Nine ★ - Jealous

11.5K 177 9
                                    

Enjoooooooooooooooooooy ~ 

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng kwentong ito, pati na rin po doon sa mga masisipag na taong palaging nagvovote, nagcocomment sa kwento. Thank yooou guys!! 

 Wala po munang update sa kadahilanang may bagsak akong subjects at may mga kailangan akong tapusin na para sa major subjects ko. I hope maintindihan niyong nag-aaral din ako. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Nine

Ina’s POV

 

Nang makasakay kami sa loob ng sasakyan ay hindi nagsasalita si Asher. Kaya naman tahimik din akong sumakay sa passenger seat ng BMW niyang sasakyan. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad akong bumaba dahil mukhang nawala saa mood si Asher.

“Asher” tawag ko rito. Agad kasi itong aakyat sa taas para siguro magpalit ng damit dahil papasok pa siya. Pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pag-akyat. Para namang may tumusok sa akin ng hindi niya ako pinansin. Natahimik ako ng dahil doon at napaupo nalang sa salas.

Ano ba kasing nangyari doon? Para naman kasing ewan e. Kung ayaw niya akong kausapin, edi ‘wag. Madali naman akong kausap, nakakainis lang kasi iyong binabalewala niya ako. Ayoko pa naman ng ginaganun ako. Dahil doon ay agad akong tumayo at nagpunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Nagugutom ako.

Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niya akong kausapin. Manigas siya diyan hanggang sa sabihin niya sa akin kung bakit siya nag-iinarte ng ganyan. Ang lakas niyang mag-inarte porket gwapo’t mayaman siya. Psh! Akala niya siguro ay susuyuin ko siya, suyuin niya mukha niya. Bwisit!

Dahil sa inis ko ay agad kong kinuha ng dalawang balot ng Lays na chips at isang chocolate milk drink. Nang makakuha ako ng pagkain ko ay bumalik ako sa salas at nanood ng tv. Akala ng gwapong iyong papansinin ko siya? Nek-nek niya!

Habang nanonood ako ng tv at kasalukuyang kakain ng chips ng bumaba siya galing sa kwarto at nakasuot na siya ng isang kulay blue na polo shirt na bagay na bagay sa kanya at nakapantalon siya. Nagsuot din siya ng coat na mas lalong nakapagpa-hot pa sa kanyang itsura. Napatulala ako sa kanya pero agad din akong natauhan ng marinig kong sumigaw iyong bida ng pinanonood kong horror movie.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon