IT'S HIS LOVE

1.1K 28 2
                                    

January 30, 2019

Oh how many times have I broken Your heart. Still You forgive, if only I ask. - All for love

He leaves the 99 to find the one. - Reckless love

Bakit nga ba mas masaya ng gumawa ng kasalanan kaysa sa relasyon sa Panginoon? Bakit nga ba hindi na ako nahihirapan makagawa ng kasalanan? Bakit ba wala na akong pakiramdam pagdating sa Panginoon? Bakit nga ba hindi na ako nakokonsensiya sa bawat ginagawa ko? Bakit ba wala na akong init para sa Panginoon? Sa totoo lang mahirap maging Kristiyano kapag iisipin mo na maraming bawal. Kapag iisipin mo na maraming pwedeng maging kasalanan, kahit para sa iba ay normal naman.

Ilan beses man humingi ng tawad ay paulit-ulit mo parin pinatatawad.

Ilan beses man pagtawanan ng kaaway dahil sa paulit-ulit na paggawa ng kasalan, ngunit paulit-ulit ka pa rin naniniwala na kakayanin ko at makakabangon din ako.

Ilang beses man akong bumigay, patuloy ka pa rin nakaalalay.

Ilan beses man tumalikod, pilit mo pa rin akong hinihintay.

Ilan beses mo akong niyakap sa pagbabalik ko at sinabi mo na mahal mo pa rin ako ano man ang mga nagawa ko.

Hindi ko din alam ang point nito, gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko. Sana.. kung may pinagdadaanan ka man ngayon ay maintindihan mo na kahit ilang beses kang manlamig sa Panginoon, ilang beses kang tumalikod sa kanya at mas piliin yung panandalian kaligayahan. Kahit ilang beses kang gumawa ng kasalanan at kahit ilang beses mong subukan bumalik kahit nahihirapan at patuloy nakakagawa ng kasalanan ay andiyan ang Panginoon at handa kang tulungan.

Sabi nga kasing laki man ng barko ang problema mo, kasing lawak naman ng dagat ang grasya, pagmamahal at pagpapatawad ng Panginoon sa iyo. Huwag kang susuko dahil hindi siya sumusuko para sa iyo. Kung pakiramdam mo napakarami mo ng kasalanan sa Panginoon, palagi mong tandaan hindi kailanman iyon binilang ng Panginoon. Balik na, hinihintay ka Niya at mahal na mahal ka niya.



Matthew 16:26

What good will it be for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul? Or what can anyone give in exchange for their soul?

PURPOSE (Book 1 - Completed)Where stories live. Discover now