Chapter 52

4.5K 275 64
                                    

Icko

"Oh my Gosh! As in Gahash!" napangiwi ako sa sigaw ng kapatid ko.

"Ano ba'yon Yka?" naiinis kong tanong habang hawak hawak ang tenga ko. Nakanganga siya habang hawak hawak ung dyaryo.

"Pano ba naman kasi...Ger!" napalingon ako sa pumasok na si Ger.

Nasa salas kasi at kanina lang, nalaman namin na aalis si Ger kaya't hinihintay namin siya. Gusto ko ring malaman kung bakit dahil biglaan. Tumayo ang aking kapatid at nagmamadaling lumapit kay Ger.

Ipinakita ni Yka ung dyaryo sa kanya at naningkit ang mga mata ni Ger.

"Sikat ka na.. I mean.. hindi ikaw kung 'di ung isa pero kasi ung pangalan diba." Maingat na bulong ni Yka. Kahit kaming tatlo lang ang nandito, baka may makarinig sa labas. Nakita ko kung pano sumeryoso ang mukha ni Ger at humigpit ang kapit sa dyaryo.

Gusto kong malaman kung anong nagpagalit kay Ger kaya tumayo ako at pinatay ung TV pero di sinasadyang nalipat ko ito sa ibang channel.

'Heiress of Mendez Empire last seen a couple of nights ago doing her ... moves to an older man. Napag-alaman po namin na ang kasamang lalaki ay...kasal na... sa isang mayora ng isang probinsya. Ah.. kung iisipin niyo, is this how an important lady in high society should act. What would her parents..'

Hindi na natapos ung balita dahil agad na inagaw sakin ni Ger ung remote at pinatay ito. Napakagat siya sa labi at huminga ng malalim. Halata ang sobrang pagkainis niya.

"Oh...nandito pala kayo." Napalingon kami sa pinanggalingan ng mataray na boses na yon. Si Gem na peke.

"Halata ba? Kasi wala talaga kami rito eh." Nakapamewang na sabi ni Yka.

Baka kung san bumagsak ang pagtatagpong to kaya sinita ko siya at tinignan lang niya ako na nagsasasabing 'Wag kang makialam, Icko o sasamain ka' pinaningkitan ko lang ang banta niya at tinaasan naman niya ko ng kilay.

Kahit kelan talaga napaka amasona nitong kapatid ko.

"You know what, Yka. Siguro kaya kayo naghiwalay ng isang 'yan." Sanay nguso niya kay Ger na nakatalikod parin sa kanya. "dahil sa ugali mong palengkera. Maybe you need to know your place." Ngumiti siya. "Kung sa bagay. Maghihiwalay rin naman talaga kayo."

"Alam mo ikaw na babae ka...Ano ba Icko!!!" akmang susugurin niya si Gem kaya hinawakan ko na siya sa braso para pigilan. "Bitawan mo nga ako." Singhal niya sakin.

"Well, this is not a wet market. Good thing your brother knows that. Hmmp! Makaalis na nga." Umismid siya at naglakad palayo.

"Wait." Napahinto siya nang marinig ang malamig na boses ni Ger.

Mukang hindi lang siya dahil pati kami ni Yka nagulat sa sobrang lamig ng boses niya. Seryoso ito at nagbabanta.

"What is this?" ipinakita ni Ger ung dyaryo sa kanya at mukang hindi na kailangan pang basahin ni Gem ung article dahil natandaan niya agad ito.

"Ah, that!" turo niya sa dyaryo. "Don't worry, I don't like that old pig 'cause I got a better man in mind." Mayabang niyang sabi at kinindatan pa si Ger.

Mukang kampante lang si Ger pero ramdam ko at halata dahil sa pagkuyom niya ng mga kamao niya na galit na galit siya.

"Is this how you show how low educated you are? Is this how you disrespect yourself? By being a low life slut?"

Halos malaglag ang panga at mga mata namin ni Yka ng isang malutong na sampal ang natanggap ni Ger na nagpatalsik ng salamin niya. Lalapitan ko sana si Ger pero hinawakan ni Yka ang kamay ko.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now