Chapter 17

23.6K 637 56
                                    



"Sorry 'bout that." His tight grip loosened then released me. "Did I hurt your wrist?"

Nakita ko siyang nakatingin sa pulso kong agad kong hinaplos. "No."

HD cleared his throat then spoke. "Nasan na ang back-up?" He asked.

"Yung grupo nila Troy at kaming grupo ni Kael ang nandito. I don't know about the others."

Hindi ko pa kasi nakokontak si Marcus at isa pa, binigay ko kay Bryan ung phone ko kanina. Wala ring communicator si Marcus di gaya ng grupo namin nila Kael.

"I contacted Marcus and he said that the others were on their way 10 minutes ago. They'll be here soon." Sabi ni Lumiere.

We heard footsteps getting closer making us looked at the direction where it's coming from. Nakita namin si Dex na isa sa tatlong bodyguards ni HD.

"Boss. Masyado silang marami. Papalapit na sila."Lahat kami at nabigla dahil pagkatapos niyang magsalita ay bigla siyang dumaing ng sakit at bumagsak habang kapit kapit ang kanyang kaliwang balikat.

Mabilis na lumapit si HD kay Dex. Natamaan siya mula sa likod. Kung hindi siguro siya nakatayo do'n, si HD ang natamaan.

"Dex." Inalalayan niyang bumangon si Dex. "Help me move him."  Agad namang kumilos si Lumeire at inalalayan nila si Dex at pinaupo sa likod ng isang printing machine. "Don't move. Magpahinga ka muna dito." HD said then we joined his other 2 bodyguards who were currently exchanging bullets with our enemies.

"Boss mukang mahihirapan na tayo. Paubos narin ang bala namin." Sabi ni Anton nang makalapit kami sa kanila.

Silence filled the room for a bit until Lumiere spoke and broke it. "What's the plan?"

Kapwa kami napatingin kay HD.

"We need to get out of here. Doon tayo dadaan sa likod. Where you guys came in. Anton! Peter! Alalayan niyo si Dex. Mauna na kayo. Kami na muna bahala dito."

Pagkaalis nila habang naka-alalay kay Dex, kami naman ni Lumiere ang pumalit sa pwesto nila. Ilang minuto rin kaming nakikipagpalitan ng bala. Pinagmamasdan ko si Lumiere at masasabi kong magaling din siya sa paghawak ng baril.

Every shot was accurate. He really knew how to hold a gun. Ganon din naman ang ginagawa ko. Sa bawat kalabit ko ng gatilyo, sinisigurado kong may tatamaan ako sa kanila. Tinitignan ko rin kung saan mismo ang bawat lokasyon ng kalaban at sinasabi ko kay Lumiere para gabayan siya.

"I need a gun." HD said beside me.

"Where's yours?" Tanong ko.

"Binigay ko sa kanila."

"I don't have another." Nagpadausdos naman ng isang baril si Lumiere na huminto sa paanan ni HD. Agad namang bumaling si Lumiere sa bintana at nagpaputok matapos ibigay ang baril.

"Let's go. Lumabas na tayo dito." I took a last glance outside and saw how close the enemies were.

Nagmadali naman kaming umalis sa lugar namin. Hindi pa kami nakakalayo nang may biglang gumulong na kung ano malapit sa paanan ko. Napatingin naman ako don at biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"HD!" Sigaw ko habang nakatingin parin sa granadang malapit sa amin. Narinig kong napamura si HD habang ako naman at nanatiling nakatayong parang estatwa.

"Damn it, Ger! Take cover!" Nagulat ako ng sumigaw siya sabay hatak sa aking kamay.

Pilit kong sinasabayan ang bilis ng takbo ni HD. Nakita kong mabilis ding tumakbo si Lumiere at nagtago sa likod ng isang printing machine. Nagtago naman kami sa katabing machine. Pagkaupong pakaupo namin ay bigla nalang sumabog ung granada. Hindi na namin nagawang takpan ang mga tenga namin dahil sa pagsabog. Dahil sa impact, isang nakakairitang tunog sa tenga ang tanging naririnig ko. Medyo hilo at lumabo din ang aking paningin.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now