Chapter 26

20.4K 638 45
                                    

Gising na ang diwa ko pero nanatili paring nakapikit ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo at sama ng pakiramdam ko. Someone was continuously poking my cheeks and I slowly opened my eyes out of irritation.

"Papa! Papa! She's awake." Rinig ko ang tinig ng isang batang babae kasabay ng ingay ng pagtakbo nito papalayo. Napasapo ako sa masakit kong noo just to feel a wet towel above it.

Isa lang ang masasabi ko ngayon. I feel shit! Ang sama sama ng pakiramdam ko na para bang nasagasaan ako ng isang malaking tren. Ang sakit sakit ng katawan ko, nahihilo ako, nanlalamig ako pero pinagpapawisan at ang ulo ko ay parang inuntog ng ilang beses sa pader. Ang sakit din ng tyan ko na para bang ilang araw akong hindi nakakain.

Sinubukan kong iangat ang sarili ko at nagulat nalang ako nang may umalalay sa akin para makatayo. Inalalayan niya ang likod ko habang inilalapit ang baso ng tubig sa bibig ko at uminom ako.

"Masyado pang mataas ang lagnat mo. Hindi ka rin pwedeng uminom ng gamot dahil wala pang laman ang sikmura mo. Kailangan mo munang kumain." Umalis siya at may kinuhang mangkok ng pagkain at iniabot sa akin.

Napabuntong hininga siya nang mapagtantong hindi ko kayang kunin ito at siya na mismo ang nagpakain sa akin. After that, he gave me medicine and let me rest. Agad akong nakatulog dahil narin sa epekto ng gamot.

I felt better when I woke up. I was dizzy but not much. Just enough for me to stand up and move. Nakaramdam ako ng panlalagkit sa katawan dahil na rin sa pawis. I was still wearing the sandos and shorts that belonged to Yka. That made me think, how long was I asleep? Anong araw na ba ngayon?

Dahan dahan kong iniangat ang sando ko at nakitang may nakapulupot ng benda sa katawan ko. Medyo kumikirot pa pero kaya kong tiisin.

Dahan dahan akong naglakad para lumabas ng kwarto. Sa itsura ng lugar, parang nasa loob ako ng kubo. Gawa sa kahoy ang lahat ng paligid at bawat hakbang mo ay may nalilikha kang tunog. Maliit din ang lugar at mukhang pang maliit na pamilya lang.

Pagkabukas ko ng pinto ay kita muna agad ang buong bahay. Konting lakad lang ay malilibot mo na ang kabuuan nito. Napabaling ang mata ko sa batang babaeng nakadapa at nagkukulay sa sahig habang kumakanta. Mga 2 or 3 years old lang siya and I assumed it was Row Row Row Your Boat because of the tune. Bulol pa siyang magsalita kaya hindi ko gaanong maintindihan.

"wow! Wow! Wow yow boat. Gewntly down the stweam. Mewly! Mewly! Mewly! Mewly! Life is but a dweam." Tinignan ko lang siya habang nagkukulay. Noong natapos siya at mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas dala dala ang kinulayan niya.

Pumunta nalang ako ng kusina nang makaramdan ng pagkauhaw. Kumuha ako ng baso at naghanap ng ref. Saan ang ref nila dito? Paano ako iinom?

"Mama! Mama!" nagulat ako nang may yumakap sa mga hita ko. I looked down to see the kid bouncing up and down while grinning big at me.

Kahit na isang kupas ng bistida ang suot niya, hindi maipagkakailang anak mayaman ito dahil sa puti at kinis ng balat niya. Halatang alagang alaga pero anong ginagawa niya sa ganitong lugar?

"Gising ka na pala!" napatingin ako sa nagsalita. Siya ung lalaking nag-alaga sa akin kanina. "Kung gusto mong maligo nasa labas ung banyo. Nag-igib na ko ng tubig. Pwede mong gamitin to." Sabay angat ng plastic na dala "Hiniram kita ng damit kay Eliza." Walang ganang sabi niya. Inilagay niya sa kawayan na upuan ang plastic na dala sabay pumasok sa loob ng kwarto.

"Mama let's pway." Yaya sa aking ng bata. Tumakbo ito at kinuha ung manika sa lamesa at ibinigay sa akin. "Awia wanna pway!" nginitian ko lang siya at kinuha ang manika. Sakto namang lumabas ng kwarto ang lalaking sa pagkakatanda ko ay Paeng ang pangalan at nakapagpalit na siya ng damit. That reminds me, was he the one who put the bandages?

The Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon