Chapter 9

25.6K 651 23
                                    



Pag punta ko sa dining room, may mga benteng katao ang nandoon. Mayro'ng 4 na mahabang lamesa dito at dalawa lang ang naokupa nila. Umupo ako sa tapat ni Kael. Si HD din ay narito na at nakaupo sa pinaka dulo ng upuan.

"Morning, Ger." Bati sakin ni Kael.

"Morning din Kael, HD and everyone" I heard a couple that greeted me back while HD just nodded. "Where's Bryan?" Si Bryan kasi ang laging nangunguna sa paglamon kaya kataka-takang wala siya ngaun.

"Don't know and don't care. Sabi niya kagabi magbabar daw siya." Sagot ni Kael habang sumusubo at ako naman ay naglalagay na ng pagkain sa plato ko.

"Congrats sa inyo, Kael. Lalo ka na, Ger. Balita ko natapos niyo daw ang lakad niyo tatlong oras na mas maaga kesa sa deadline." Napaharap ako sa nagsallita. Si William. Nakaupo siya tatlong upuan ang layo sa katapat ko.

Naka sando lang siya na blue. Alam kong naka basketball shorts din siya dahil lagi siyang naglalaro bago mag-agahan. Kulay itim ang mga mata at buhok na nakapony at kung nakalugay ay umaabot hanggang balikat.

"Salamat" iyan na lamang ang nasabi ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin.

"That reminds me, why did you plan to finish our mission that early." Alam kong nakatingin sila sa akin. Humarap ako kay HD at nagaantay din siya ng sagot ko. Lagi kasi silang ganyan. Pag nagustuhan nila ang plano ko, lagi silang nanghihingi ng paliwanag.

"Nothing special. Gusto ko lang manood ng TV. What's important is it's done."

"Typical Ger." Sabi ni HD habang nakangisi. "I need to go." Tumayo siya at umalis na. Sa pananamit niya, pupunta siguro siya sa company office niya.

"Hui, Ger! Tulungan mo naman kami this upcoming battle." Sabi ni William nang makaalis na si HD. Alam na naman nila ang isasagot ko pero lagi parin silang nagtatanong.

"No!"

"Sige na! Kahit saglit lang." Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain. "Ganyan ba kayong mga matatalino, mahirap hingan ng pabor."

"Oo at hindi rin kami nagpapakopya sa exams."

"You are going to help us or else..." Biglang sabat ni Kael sa usapan na nagpalingon sakin.

"Are you threatening me, Kael?"

"A threat is different from a warning." Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Tumingin ako ng direstso sa kanya at ganun din siya sa akin.

"Enlighten me." I said.

"A threat is directly saying that a punishment will be given to those who decline and a warning is when there's something going to happen if you continue declining." He copied my gestures at folded his arms.

"From the way you define them, there's no big difference." Napabuntong hininga siya at muling nagsalita.

"I told you, a threat has a price to pay while a warning is simply stating that's something wrong will happen an --" Pinutol ko ang mga sasabihin niya.

"And if I decline?"

"Bubugbugin ka namin." Mabilis niyang sagot sa tanong ko na nagpatawa sa mga nakikinig. Ako naman ay bumalik sa pagkain. Tila napagtanto niya ung huli niyang sinabi kaya napahilamos nalang siya sa mukha.

"That my friend is a threat. Ahahahaha." Si William habang tinuturo si Kael.  "Tsaka.. I don't want to beat up Ger. Baka tayo pa mabugbog niyan. Ahaha."

"Hellllooo Everyyyonnne.. What a beautiful day we have here!!" Napatingin kaming lahat sa sumigaw. Si Bry with his arms wide open. Hindi pa nakuntento at umikot pa ng dalawang beses. Parang tanga...

Umupo siya sa kaliwa ko at umakbay. "There you are, Ger! How's my favorite guy huh!?" Nagulat ako at maubo ubo nang bigla niyang hinampas ang aking dibdib.

Sh*t ang sakit! Kahit Flat yan ngayon, masakit parin. F*ck you Bryan.

"Because of you I got laid last night. Wooh! Thank you!" Hinihimas himas ko ang dibdib ko ng bigla niyang inilapit ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ako sa pisngi. "Mwuah!"

Tumayo ako at binatukan siya. "What the hell!? F*ck you Bryan!"

"Aray naman! I can't. I just told you. I just got laid last night. Mamaya nalang after lunch so kalma lang. Okay!" And he just smiled and served him some breakfast. How did I ever manage to live with this guy?

"Ahahaha. Hindi mo na mababago ang sex maniac na yan, Ger. Magkwento nalang kayo kung anong nangyari." Si Marco naman ang nagtanong na katabi ni Kael.

"Do you want to know?" Sagot ni Kael ng nakangiti sabay harap kay Bryan. Eto namang katabi ko, subo lang ng subo ng agahan niya at walang pakialam. "Bryan! Liiinnntaaaa!!!" Sabay kumuha si Kael ng isang slice ng bologna at inihagis sa mukha ni Bryan.

"Sh*t!" mabillis na umurong si Bryan habang nakaupo dahilan para matumba siya kasama ng upuan. Agad agad siyang gumapang patayo at lumayo sa hapag kainan. "Kill it! Kill it! Where?" natatarantang sabi niya habang palingon lingon at hinahanap ang inaakalang linta.

Napuno ng tawanan ang buong dining room. Nang mapansin ni Bryan na pinagtatawanan siya ng lahat, tinignan niya ng masama si Kael na hindi na makahinga kakatawa at nakahawak pa sa tiyan niya.

"That!" sabay turo kay Bryan at bumalik sa pagtawa.

Umikot si Bryan sa lamesa. He quickly ran towards Kael and tackled him to the ground. Bago ko pa makitang magwre-wresling yung dalawa, tumayo na ko at lumabas ng bahay. Bahala sila dyan!

Lumabas ako sa bahay at sumakay sa sasakyan kong Ford Focus na nabili mula sa trabahong ginagawa namin. Ang Dileri "The Dealers" in English.


Anong ginagawa nila? Kumukuha sila ng trabaho mula sa mga kilalang tao. Stole some information, investigate or protect someone. Kahit anong ipagawa huwag lang ang pumatay. Hindi kami kumukuha ng assassination plan. Isa pa, hindi basta bastang kliyente ang naghihire samin. Mga makapangyarihan at kilalang tao lang ang nakakaalam sa grupo namin. Kung confidentiality issues naman, both parties signed a legal contract na kung sino man ang lumabag, ikakabagsak at ikakasira lang naman ng pangalan at ari-arian nila.

Even most of the members of Dileri have exceptional social status. May-ari o anak ng isang multi-billion companies ang karamihan na miyembro nila. Kagaya ni Bryan na anak ng may-ari ng security service company. Si Kael sa Hospitals, si William sa schools at si Ulysses naman ay may-ari ng mga kilalang bars.  May mga exemptions din naman ang ilan para maging myembro at iyon ay dipende kay HD gaya namin ni Icko.

Harvey Demorav Mirovi o mas kilala bilang HD. A part German, Filipino and Bosnian 29-year old businessman was the leader of the – our group. Wala akong ganong alam sa buhay niya dahil masyado siyang malihim sa personal matters niya. What I knew was he owned a multi-billion airline company, some restaurants and resorts. Her mother's already dead and I don't have any idea about his father. Alam kong kaya kong malaman ang tungkol sa kanya if I investigated using my way, but I respected him and he helped me with my new life so that would never happen.

At first, inalok ako ni HD ng sumali sa grupo, pero  nung marinig niya ung mga conditions ko, siya na mismo ang tumanggi. Ang unang hiniling ko ay ang bigyan niya ko ng bagong identity. Mabilis kumilos si HD kaya nabuhay sa katauhan  ko si Gerry Domiguez. Siya na mismo ang nagbigay ng surmane ko. Ang bagay na inayawan niya sa kondisyon ko ay yung wag kong pagsama sa mga laban nila. Ayoko na kasing maulit ung nangyari dati. Yung medyo nawala ako  sa sarili at nakasakit ng ibang tao. I didn't have any regrets sa mga ginawa ko sa kanila. I just didn't want to see that side of me.

He cancelled our agreement at that time and threatens me not to tell anyone about them or else, there would be consequences. I told him that I could help the group without fighting if he just let me proved it. Pero malas ko ata dahil talagang mainit ang ulo niya that time. Mayroon kasing sumasabutahe sa negosyo niya at palihim na kumukuha ng pera that would result to bankruptcy.

Bago palang ako pumasok sa office niya, nakita ko na ung financial statement nila pati mga journals and statement of accounts dahil nagkalat na 'to sa sahig. Malamang binato niya sa sobrang frustration. At iyon ang naging turning point ng desisyons niya. Sabi ko, may ideya ako kung sino yung mga gumagawa ng pagnanakaw. Dahil nga hindi napansin ng mahabang panahon ang pagnanakaw ng pera ng kompanya, involve ang isang may mataas na katayuan. Kasama rin ang head ng financial department nila pati ung accountant na gumagawa ng statements.

At first, he didn't believe me pero nung inexplain ko sa kanya lahat, he immediately called someone to investigate. Pinatira niya muna ako sa mansion nila hanggang matapos ang imbestigasyon. Sabi niya, kung totoo ang hinala ko, pwede akong makasali. At eto na nga ako, kasali sa grupo.

Matapos iwanan ang sasakyan ko sa parking lot, sumakay ako ng elevator. Pupuntahan ko kasi ngayon si Yka.

Pagpasok ko sa isang kwarto, nakita ko si Ika na malungkot habang tinitignan ang mahimbing na matutulog na si Icko.

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang makita ko ang itsura ng una kong kaibigan. Nakadikit sa kanya ang isang life support apparatus na siyang nagpapabuhay sa kanya. May dextrose at tubo sa bibig.

"Andyan ka na pala, Ger!" Nabaling ang paningin ko kay Yka. Pinagmasdan ko siyang maigi. Ang dating makinang na mata niya ay napakalungkot at may eyebags narin siya, halatang galing sa pag-iyak.

"Hi! Ako na muna ang magbabantay sa kanya. You need to rest." I took her hand and guide her to the sofa. Nakayuko lang siya habang nakaupo kami.
"Ger! Inatake na naman siya kanina."

Nitong mga nakaraang buwan, madalas na inaatake si Icko ng seizures. Nanginginig ang buong katawan niya at bumababa o bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso. May pagkakataon nga na minsang nag flat line ang heart beat niya at sana hindi na mangyari ulit 'yon. Gusto ko pang makita ang masayahin kong kaibigan.

"Again? Dumadalas na."

"OO. Kinausap ako ng doctor kanina. Sabi niya na baka hindi na siya magtagal, na hindi lang tayo ang nahihirapan pati na rin si Icko." Biglang pumatak ang mga luha niya. Nagkaroon naman ako ng takot sa maaaring susunod na sasabihin niya. "Sa tingin ko kailangan na nating bumitaw." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Bilang kapatid, dapat siya ang huling sumuko sa laban namin para kay Icko, pero iba ang ipinapakita niya ngayon. Handa na niyang bitawan si Iko pero ako hindi pa. Malaki ang paniniwala kong babalik si Icko samin.

"Why are you saying that. He's a strong man and he's still fighting to come back. You cannot just let him go!"

"Masakit din saking bitawan siya pero isang taon na."

"Then we'll keep on counting years until he wakes up." Napatayo ako at lumuhod sa harap niya

"Nahihirapan ako pag nakikita ko siyang inaatake. Hindi ko na kayang makita siyang ganyan." Tinakpan niya ang mukha niya ng dalawang kamay at muling umiyak.

"Then don't look. Ako nalang ang magbabantay sa kanya kung hindi mo na kaya." I said using my calm voice. I took her hand and she look at me. "Please."

"Sorry Ger. Pero pare-pareho lang tayong mahihirapan at malulungkot." Tumayo siya at kinuha ang phone niya sa lamesa. "Tatawagan ko na sila."

"Good things come to those who wait Yka! Have some patience."

"Sorry... Ger..."

Hanggang sa dumating sila, hindi ko parin tinigilan ang pagkumbise kay Yka na wag i-off ang life support ni Icko. Malaki parin ang tiwala ko na babalik siya sa'min. Na didilat siya at magiging maayos na ang lahat. Pati ang ibang myembro ng grupo ay kinumbinse si Yka pero sinita lang kami ni HD. Noong una, kinukumbinse ni HD si Yka na kaya namang suportahan ng ospital ang lahat ng kailangan ni Icko. Pero ayaw parin ni Yka at buo na ang kanyang desisyon.

"If that's what she decided, so be it. She has the full responsibility of her actions." Yan ang sinabi niya samin na kung papakinggan mo mabuti, gusto niya ring pigilan si Yka.

Gabi na nang mapagdesisyunan na tanggalin na ang life support. Kinausap ko muli si HD na pigilan si Yka pero hindi niya ginawa. My God! Ako lang ba ang may pakialam dito!? Ako lang ba ang umaasa?

Halos lahat kami ay nakapalibot kay Icko habang si Yka naman ay umiiyak.

"Magpahinga ka na, Icko. Ikamusta mo ko Nay at Tay. Buti pa kayo magkakasama na diyan. Iniwan niyo na ko!" Sabi ni Yka habang umiiyak.

Hindi ko kakayaning makita ang susunod na pangyayari kaya lumabas ako sa kwarto at sumandal sa pader. Hindi ko na napigilan ang ilang luhang lumabas mula sa'kin.
"Please, Icko. Wake up. I'm not ready to let you go! We just knew each other for half a year but I felt that I've known you way long before then. Don't be unfair and wake up. Please!"

Hindi ko narin napansin ang mga taong mabilis na pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung tapos na ang lahat pero hindi ko kayang pumasok sa loob. Naghihintay lang ako at nakikinig dahil iniwan nilang bukas ang pinto. At kasabay ng tuluyang pagtulo ng mga luha ko ang abnormal na pagingay ng mga aparatos sa loob ng kwarto ni Icko at sinundan ng isang mahabang tunog.


The Hidden GemWhere stories live. Discover now