Prologue

22.2K 468 21
                                    

"You're the man, Ger!" Sabi ng isa kong kasamahan.

"He's always the man!" Segunda ni Bryan na agad umakbay sa'kin.

We just got back from our successful mission. Gaya ng dati, ako ang nagplano ng mga gagawin nila at gaya rin ng dati, madali naming itong natapos. While my team mates were having fun, I slipped out of the group and went to my room.

Naglalagkit ang aking pakiramdam kaya dumiretso agad ako sa banyo. Upon looking at the mirror, I saw a tired man with a small, round face, pale lips, short hair under a beanie and big eyeglasses that hid his intelligent eyes. Medyo payat pero natatago ang tunay na pangangatawan sa ilalim ng malaking jacket.

Naghilamos muna ako bago isa isang tinatanggal ang mga suot. Kasama na dito ang binder na sumasakal sa aking dibdib.

Minutes later, the man before was no more and was replaced by a woman with slender body and soft feature. Malungkot akong tumingin sa salamin at hinawakan ang aking mailking buhok. Dati ay mahaba ito ay alagang alaga. Ngayon, gawa ng isang hindi inaasahang pangyayari, ako mismo ang pumutol nito.

Hindi lang ito ang binago ko isang taon na ang nakakaraan. Ang pangalan ko, katayuan sa buhay, boses, pangangatawan at pagkatao... lahat 'yon ay napalitan.

It started with a risky decision and a made up name.

They called me Gem before...

Now it's Ger.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now