Chapter 8

26.1K 673 34
                                    

"Mag-usap tayo sa office ko bukas. Mukang pagod ka na."

"No. It's best if we talk today."

"You Sure?" I nodded as a response. "Fix your wounds first. Go home and get your things, then we talk." Nung sinabi niya yon, isa lang naman ang gusto kong balikan sa bahay at iyon ay si Knight.

I'm sorry Knight. Mukang malabong makuha na kita! Alam kong nagkakagulo na sa bahay at marahil maraming tao don na inutusang hanapin ako. I can't go back.

"I don't have a home. What you see is all I have."  Nanahimik sya at nakatingin lang sa'kin.

"Okay. See a doctor tapos sumabay ka kayla William." Tumingin siya sa likod ko at may tinawag. Lumapit siya at tumayo sa tabi ko.

"Will! Pagkatapos niyang magpagamot, dalhin mo siya sa bahay. Umuwi muna kayo at magpahinga tapos ituro mo siya sa office ko. I'll go ahead." Humarap siya sa akin at tinuloy ang pagsasalita. "We'll see each other at home."

Hindi na niya akong hinintay na sumagot at umalis na siya. Ako naman, gaya ng sinabi niya, pinalinis ko muna ung sugat ko sa kaliwang sintido ko. Ako na mismo ang gumamot sa tagiliran ko. Sinabi ko nalang na ayaw kong may ibang humahawak sakin.

Nasa loob na kami ng van papunta daw sa office ni HD. Si William ang nagmamaneho. Lima kami dito sa loon ng Van at nakaupo ako sa likod habang nakadungaw sa bintana. Si Yka naman ay nagpaiwan. Mamaya na daw siya uuwe para kumuha ng gamit. Gusto niya daw munang bantayan ung kambal niya. Ang sabi ni HD, ililipat daw si Icko sa ospital na malapit sa mansion nila. Napag-alaman ko rin na sa isang malaking mansion sila sama-samang naninirahan.

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni HD kapag nag-usap kami. Hindi ko rin alam kung anong magiging response niya sa mga conditions na sasabihin ko kapalit ng pagsali sa kanila. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang sasalihan ko eh. Bahala na. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng bagong buhay. Buhay kung saan ako Malaya. Alam kong mahihirapan ako sa bagong experiences na mararanasan ko pero hanggang determinado akong maging malaya, kakayanin ko lahat ng hirap.

"Dude! Daan muna tayo sa bahay ko. Nakalimutan ko phone ko eh." Sabi nung katabi ko kay William. Maikli ang buhok niya at maayos ang pananamit. Mukang galing sa magandang pamilya. Actually, lahat sila mukang mayayaman.

"Hindi ka pa ba lilipat sa mansion. Ibenta mo na kasi ung bahay mo." Sabi naman nung isang nakaupo sa shotgun seat. Tatlo kasi kaming magkakatabi dito sa likod.

"Ayaw niyang ibenta kasi bawal magdala ng mga babae sa mansion. Am I right or correct?" sumagot naman ung isa pang nakaupo dito sa likod.

"Shut up Randy." Sabi nung katabi ko.

Hindi ko sila pinapansin at nakatanaw lang ako sa labas mula sa sasakyan. Napatingn naman ako nang may biglang magtanong sa'kin.

"Hey, diba ikaw ung tumalo sa grupo nila Mateo? Ang galing mo, pre! Nakaya mo sila ng mag-isa. I'm Ulysses by the way." Pakilala ng katabi ko habang nakatingin sa'kin. So Mateo pala ung lalaking nakalaban ko kanina. Yung bumaril kay Icko.

"Oo nga. Kung nakita mo lang sana kanina William. He's a great fighter." Sabi nung Randy. Dahil mukang hindi naman ako makakasingit sa usapan nila, ibinalik ko ang paningin ko sa labas ng sasakyan.

Nagulat ako nang malaman ko kung san kami papunta. What the hell? Subdivision namin toh ah!

"Where are we going?" kinakabahan kong tanong kay William. Sh*t naman! Mukang madadaanan pa namin bahay ko!

"Sa bahay ko. May dadaanan lang tayo. Bakit?" Sabi ni Ulysses.

Please don't turn left at that street. Please don't! Please!

The Hidden GemWhere stories live. Discover now