21th Chapter

44 3 3
                                    

Nandito na ako sa kwarto at talaga namang hindi ko parin maialis sa isip ko ang sinabi nila Ate Let. Meron syang ex dito?? Anong gagawin ko?? Dito na kaya ako tumira? Hayst ,hindi naman pwede! Bigla kong narinig ang boses ni Grey sa labas. Nandiyan na si sweetie pie :) Dali-dali akong lumabas para sana salubungin sya pero si Beige ang nakasalubong ko, may dala pa itong kape at towel.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Kuya po Ate basang-basa ng ulan e.. baka nilalamig na yun."

"Okay lang ba kung ako na ang magdala?"

"Sure Ate, palamigin mo ulo ha! Mukhang may topak na naman e.." humigit muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko tuluyang pinihit ang kwarto ni Grey. Hindi na ako kumatok bahala na kung ano pa ang sabihin nito.

Nakita kong nakatalikod si Grey at tila kumukuha ito ng damit sakanyang cabinet kaya naman pinagsawa ko muna ang mga mata ko sa pagtitig dito. Ano bang nangyayari saakin?? Kung dati bwisit na bwisit ako dito ngayon ata e mahal na mahal ko na 'to.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Ay Mahal!! Ay mahal ay hindi.." siete nautal na ako, humarap na pala kasi si Grey ng wala akong namamalayan. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko atsaka ko dito binato ang towel na dala ko. "Magpunas ka muna!"

"Akala ko ba umuwi ka na?" dinampot nito ang towel at pinunas sa kanyang katawan. Umupo na muna ako sa kama nito pero nagulat ako ng itayo ako nito. "Lumabas ka nga dito! Ayoko ng kung sino-sino ang pumapasok sa kwarto ko!" natigilan ako. Hindi na talaga ako mahal ni Grey dahil nakukuha na nya akong ipagtabuyan. Siguro nagkabalikan na sila ng ex nya. Bigla ko tuloy naimagine ang sweetness nila at dahil doon ay pinagdadampot ko ang mga unan nya at ibinato ko iyon sakanya.

"I hate you!!"

"What--

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ko na lang ang celphone ko. Alam kong may pasok si Steff ngayon kaya si Shane na lang ang bubulabugin ko.

"Tala bakit ba ang bilis bilis mong sumuko?"

"Dahil alam kong wala na talagang pag-asa. I hate him Shane!"

"Ikaw naman ang may kasalanan ng lahat loka!" napanguso ako. Paano ko ba mapapalambot si Grey?

"Wag mo sya kasing awayin ng awayin, padama mo lang kung ano ang nasa puso mo." kagaling ni Shane nadidinig ang nasa isip ko.

"Paano kapag dumating dito yung ex?"

"Shunga mas malaki ang lamang mo nakatira ka sa bahay! Kung ako nga lang sayo ginapang ko na yan si Papa Grey sa gabi. Hihihi.." bumungisngis pa ito.

"Loka ka talaga Shane!"

"Ate Tala!" narinig ko ang tawag ni Beige kaya nagpaalam na muna ako kay Shane. "Ate!" lumapit ito sa kama ko na ngingiti-ngiti.

"Bakit?"

"Ang galing mo talagang magpalamig ng ulo."

"Huh?"

"Si Kuya kasi kumakanta kanta na habang kumakain." ang hudyo nakakakanta na pagkatapos akong ipagtabuyan?? Gaano sya kabait? Ang sama nya.. T_T

"Ate sa saturday nga pala birth-day ko na. Huwag ka munang umuwi ha!? Sasabihan ko na lang si Tiyang na dito ka muna please???"

"Ha?! Ano ba ngayon?" nagulat kong tanong, ang batang ito napaka sweet saakin. Like na like nya ako, sabagay like ko din naman sya halos kaedaran nya din kasi ang kapatid ko.

"Wednesday po." naalala ko tuesday nga pala ako nagsabing aabsent. Bahagya akong tumango.

"Okay, ikaw pa e malakas ka saakin."

"Thank you Ate!" niyakap ako ni cute kaka-touch. Kasalukuyan pa kaming naglalambingan ni Beige ng may marinig kaming tawa ng babae sa sala. Aba! Hindi tawa ni Ate Let yun ah! Si Beige ang unang tumayo para sumilip saka ako nito kinawayan na lumapit ng dahan dahan.

"Ate yan si Ate Shaira!" bulong ni Beige saakin at talaga namang nagpanting ang tenga ko. Curly ang buhok nito at kaiksi iksi ng short. Tawa pa ito ng tawa kahit wala namang nakakatawa at teka tama ba yung nakikita ko? Si Grey hindi parin bihis at yung tuwalya lang ang nakatapi sa katawan nito? Talaga naman Greycus Cuevas ang landi mo din ah!!

"Ate tara labas tayo, pero magpalit ka ng short." bulong pa din saakin ni Beige at sa kagustuhan kong magpatalbog dito ay sinunod ko naman ang bata. Nagsuot ako ng maiksi kong short at yung suot ko paring off shoulder. Nagsign ng approved saakin si Beige bago nito tuluyang buksan ang pinto.

Naunang lumabas si Beige bago ako sumunod. Dumiretso na nga ako kay Grey kunwari hindi ko nakita yung bwisita nya.

"Baka naman magkasakit ka nyan Greyie magbihis ka na muna." kunwari'y napalingon ako sa babae "Oh!? Hi..."

"H-Hello." tila nairita ito ng makita ako. Hahaha..

"You must be??"

"I'm Shaira and you are?"

"Greyie pakilala mo naman ako sa bisita mo." bahagya ko pang tinapik ang abs nito. Hihi..may kasamang tsansing yun pero ang hudyo sinamaan pa ako ng tingin. "Ako na nga lang masyado kang mahiyain." sabi ko with matching kindat pa. "I'm Tala--

"Kasamahan ko sa dati kong trabaho." singit agad ni Grey, kasamahan ha! patay na patay ka nga saakin noon. "Shaira sige na mamaya na lang ulit tayo magkita ha!" naku nga! may mamaya pa kayong mga judas barabas kayo. Hindi ko mapigilang mapasiring ng magpaalam na ang babaeng nagpapacute kay Grey.

"Next time kapag may bisita ako wag ka masyadong umeentra dito sa labas." sabi nito at dire-diretso ng pumasok sa kwarto nito.

"Entra ka diyan! Yabang yabang! feeling macho! Grrrrr." nagpupuyos talaga ako sa galit. Sobra na talaga ito! Kapag kaharap yung Shaira ang laki ng ngiti kapag ako akala mo pasan ang buong mundo. Hmmmpppp...

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now