19th Chapter

27 1 0
                                    

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Tala, gising na pala sya. Napasilip ako sa bintana, malakas pa ang kulog at pag-ulan. Dapat ba akong masiyahan? Alam kong kanina pang maaga umalis si Tatay para mangisda, nakagawian na kasi nitong maghintay sa daungan kapag may bagyo. Safe naman doon at tiyak pa na marami syang makukuhang isda para maitinda namin. Siguro kung nandito ang Tatay baka pa pigilan nya si Tala sa pag-alis nito.

"Goodmorning Ate Tala!" narinig kong bati ni Beige dito, bahagya ko itong sinilip sa gilid ng aking mata. Nakabihis na sya at dala na nya ang bag nya. Dapat ko ba syang pigilan? Hay.. bahala sya. Siguro nga hindi kami ang para sa isa't-isa.

Lumabas ako ng bahay kahit umuulan at saka ko hinubad ang t-shirt ko para di iyon mabasa. Sinampay ko iyon sa silong. Di naman sa pagmamayabang maganda naman ang katawan ko dahil naggy-gym ako pero ang gusto ko lang naman ay magpakabasa sa ulan para kahit papaano ay mabawasan ang sama ng loob ko.

"Hoy Greycus! Aba kay aga-aga nagpapaulan ka!" narinig ko ang sigaw ni Ate Let na nagising narin pala. Hindi ako lumingon dito, dire-diretso akong pumunta sa bahay ng kaibigan kong si Simon. Ayoko sanang umalis si Tala pero ayoko ng magpakatanga sakanya, hindi sa sumuko na ako kung hindi mas gusto ko syang sumaya sa taong gusto nya.

"O pare! Aga natin magpaulan ah!" nakita ko agad si Simon na nakatambay sa labas ng bahay nila kaya agad ko itong nilapitan.

"Naiinitan kasi ako sa bahay. Maalinsangan!" inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Ah you feel hot ha!? Ikaw ba naman ang magkaroon ng bisitang hot." binatukan ko si Simon. "Aray! Biro lang e.." sinamaan ko sya ng tingin.

"Siguro binosohan mo na si Tala kagabi noh?!"

"Pards! Pards! Relax nakita ko yun kagabi pagdating nya. Ganda pre ah! Sya ba ang dahilan? Kaya ngayon ako'y iiwan?" kumanta pa ang damuho kaya napailing ako.

Napabuntong-hininga na lang ako saka ako napatitig sa kalangitan. "Nandito nga sya pero ang hirap parin nyang abutin."

Naramdaman kong tinapik ni Simon ang balikat ko. "Pre nasasayo na yan, nandiyan na kung baga palay na ang lumapit di tukain mo na!" tumayo ako at sinuntok ko ito sa braso.

"Wag mo kong itulad sayo! Gag*!" tumawa pa ang loko-loko. Tsss sira ulo talaga 'to.

"Mahina ka talaga Greycus! Nagpapaturo ka sakin ng da moves pero di mo naman ako sinusunod! Tsk..tsk..tsk.."

"Yung matinong moves lang ang gusto ko pero kung kamanyakan lang ang ituturo mo wag na!" muli akong umupo sa tabi nito.

"Pre ano ka ba nageffort na nga si Tala bakit di ka pa nasiyahan? Aba! Malayo-layo din itong Cebu pasalamat ka pinagtiyagaan kang dayuhin nung tao dito."

"Dahil nga may pakay yun kaya yun pumunta. Sinisisi na sya ng lahat sa pag-alis ko kaya sobra na ang guilt nya. Isa pa alam kong pinipilit lang nya ang sarili nya na gustuhin ako para hindi naman sya masaktan kapag nakikita na nya yung totoong mahal nya na may kasamang iba."

"You mean pang vulcaseal ka lang?"

Tumango ako. "Ilang araw ko syang hinintay sa boarding house ko dahil baka sakaling puntahan nya ako pero anong nangyari? Namuti na ang mata ko kahihintay that was then I realized na wala lang talaga ako sakanya, na kahit ipakita ko pa yun sakanya hinding hindi nya yun makikita dahil bulag sya sa pagmamahal nya kay Sir Andrei." napabuntong hininga na lang ako.

Alam ko si Sir Andrei parin ang nasa isip at puso ni Tala at ako hanggang kaibigan lang talaga ako. May dahilan lang ang pag punta nya dito at hindi yun dahil sa mahal na nya ako. Masakit man pero yun yung totoo. Asa pa ako. 😏

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now