1st Chapter

70 2 2
                                    

Napanganga ako sa isang dyosa este babaeng nasa harap ko. Sexy, mestisa at maganda. Lahat ata sa toy section na mga kasamahan ko ay nakatingin din sakanya.

"I need a bike for my sister. May bago ba kayo?" ngiti nya saakin kaya nginitian ko din sya.

"Yes ma'm that way po." at bumaling ako sa kinabubwisitan kong lalaki na busy sa pag-aayos ng mga pang batang bisikleta. "Grey bike daw!"

Nilingon nito ang babae at nginitian nya iyon ng tipid. "Hi ma'm goodmorning po!"

Inalis ko na ang tingin ko sakanila. Mas gusto ko pa atang ialok ang sale naming swimming pool kesa titigan ang Grey na iyon.

Oo nga pala ako nga pala si Crystala Mijarez. Twenty four na ako pero mukha pa din daw akong 18 dahil baby face ako. O diba? Simpleng babae lang ako na nagtatrabaho sa isang toy company ng isang mall dito sa Alabang. Matagal tagal narin ako dito kaya senior staff ang tawag saakin. Pinagkaiba? Uniform lang namin..hihi Naka graduate naman ako ng two years course pero dahil nagustuhan ko narin dito sa mall e hindi narin ako naghanap ng related sa course ko na computer science.

Okay lang nagpoprogram din naman ako dito ng mga paninda namin e..hihi..

Tumaas narin naman ng bente pesos ang sahod ko kaysa sa mga ordinaryo kong kasamahan. Oha! Atleast may progreso ang sahod ko. ^_^ Malaking tulong narin yun kay Nanay na nasa Quezon Province kasama ang nag iisa kong kapatid na lalaki. Si Cristopher.

Tatlo kaming Senior Staff dito sa section na ito, yung kaibigan kong si Stef at ang kinabubwisitan kong lalaki na si Mr. Greycus Cuevas. Bakit ko sya hate na hate? kasi ganito yun. Nung bago kami sya yung nagtrain saamin ni Stef at ewan ko ba sa lalaking iyon at kalauna'y niligawan ako. Hinahatid at minsan ay sinusundo pa ako nito sa boarding house namin ni Shane ang high school friend din namin ni Stef pero kainis kasi sinabihan ko na syang may iba akong gusto sige parin ang ligaw saakin.

Oo may iba akong gusto, si Sir Andrei Santos. Supervisor namin sya at sya lang ang pinagpapantasyahan ko sa buhay. Mabait kasi sya saamin lalo na saakin..ayieee...kinilig na naman ako..,^_^,

Gwapo pa pero may hitsura din naman si Grey pero basta di ko sya type as in..

"Miss sale ba yang swimming pool na yan?" tanong ng isang babae saakin, syempre part of the job smile and greet the costumer.

"Goodmorning Ma'm, yes po dati po syang 1200, 700 na lang po sya ngayon."

"Sige pa-test ako ng isa."

"Okay po Ma'm wait lang po." tumalikod ako para kumuha ng stocks pero tumama ako sa katawan ni Grey. Nakatayo na ito doon at may dala na itong stocks ng swimming pool. O diba? Di ko alam kung matutuwa ba ako dito o hindi. Haizt...

"Aray ko naman Grey! Bakit ba kasi nandyan ka?"

"Sorry nakita ko kasing may lumapit na costumer so I decided na kumuha na kaagad ng stocks para di ka na mahirapan." seryoso ang ma'ma habang inuumpisahan na nya itong bombahan. Kainis! Ayoko kasing nakikita kami ni Sir Andrei na magkasama baka kasi isipin nun sinagot ko na ang mokong na ito. Baka mamaya hindi na ako nun ligawan. ; { Grrrr.....

"Kaya ko namang kumuha ng stock Mr. Greycus! Atsaka may costumer ka doong dyosa ah! bakit mo iniwan?" nilingon ko ang kaninang magandang babae at nakita kong tatlo-tatlo ang umaalalay dito. Napailing ako. Grabe kasi sa bilis itong mga katrabaho ko.

"Marami ng nagaasist sakanya at dyosa? sino?" kumunot ang noo nito.

"Ewan ko ba kung tanga ka lang ba o sadyang bulag ka! Akin na nga yan!" pinilit kong kunin sakanya yung pambomba pero ngumisi lang sa akin ang abnormal. Natigilan lang ako ng bumalik na ang nagpa-test ng pool saakin.

"Okay na?" tanong nito.

"Yes Ma'm. Okay narin po ba sainyo?" si Mokong na ang sumagot dito. Kainis talaga!

"Bahagyang pinindot-pindot ng ginang ang item saka ito tumango. "O sige okay na yan." syempre after that kailangan naman itong tanggalan ng hangin. Ang saya diba?

"Pssttt..lover's." nanlaki ang butas ng ilong ko kay Stef ng lumapit ito saamin. Talaga naman.

"Lovers ka diyan tutuktukan kita halika nga dito tulungan mo ako." hinila ko ang baby pool kay Grey pero syempre hindi na naman ito papatalo.

"Ako na lang kasi." ma-awtoridad nitong sabi kaya hinayaan ko na nga sya.

"Bahala ka na nga diyan!" nameywang na ako sa inis.

"Grey ang ganda ng costumer mo doon ha? Bakit nagtitiis ka sa panget na ito?" itinuro ako ng napakaganda kong best friend. Oo bestfriend ko talaga sya kung paano nangyari? yun ang hindi ko talaga malaman sa ngayon.

"Maganda ba yun? Maputi lang naman yun." nadinig kong sagot naman ng Mokong.

"Sexy kaya ang kinis pa."

"Mas maganda yung nandito." nawala kaagad sya pag lingon ko. Ang bilis talaga ng mokong na iyon, ang natirang nakita ko e yung mukha ni Stef na nakangisi at tila kilig na kilig.

"Grabe Best ang ganda mo talaga!" nag beautiful eyes pa ang isa na ito, ngali-ngali ko itong kurutin sa singit.

"Tigilan mo ako diyan at kinikilabutan ako." saway ko pero inakbayan pa ako nito na talaga namang nang-iinis.

"Best hindi ka ba talaga kinikilig kay Grey? Aba ang dami-daming may type sa mokong na iyon tapos ikaw tinataboy mo lang lagi."

"Hin-di a-ko ki-ni-ki-lig sa-kan-ya peroid! Kung gusto nila sakanila na sya basta ako kay Sir Andrei lang ako." napailing na naman saakin si Stef pero ano ba ang gagawin ko eh sa ayoko nga sa Grey na iyon.

"Sir Andrei ka na naman diyan!" sabay kaming napalingon kay Grey na nakabalik na pala mula sa pagkawala nya. Dire-diretso pa itong lumakad papunta sa pwesto nya at muling nagkuting-ting ng bisekleta.

Minsan na-aamazed din talaga ako sa Mokong na ito eh tulad na lamang ngayon. Halos lahat kami napapalingon talaga sa dyosa naming costumer pero sya deadma lang. Hindi ako kinikilig na isiping 'one woman man' sya dahil para saakin basta hindi si Sir Andrei ang usapan e hindi yun nakakakilig. Speaking of Sir Andrei natatanaw ko sya over there kaya wait.....

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now