23th Chapter

11 1 0
                                    

"Ayos!!" nadinig kong sigaw ni Beige, nasa sala ang mga ito at tiyak ko na nandun din si Ate Let pero si Grey ewan ko lang. Nakatulog na kasi ako kagabi kahit kakakain ko lang, sana nga binangungot na ako baka sakali pang makonsensya si Grey sa ginagawa nya sakin.

Tiningnan ko ang celphone ko, alas sais pa lang ng umaga pero mukang nagkakasiyahan na sila sa labas kaya sumilip na din ako.

"O Tala nagising ka ba sa sigaw ni Beige?" tanong ni Ate Let pag kakita sakin, bigla namang nag peace sign ang dalaginding na parang kilig na kilig.

"Sorry Ate, hihi.." bumungisngis pa ito.

"No, it's okay. Talagang nagising ako sa alarm ko." ngiti ko.

"Ate kasi lumihis na yung bagyo. Wala nang bagyo sa birthday ko!!" pumalakpak pakpak pa ito na parang isang bata. Wala ng bagyo?? Bakit nawala??

"Aysus tuwang tuwa ang bata, palibhasa matutuloy na sa resort ang bertday nya." sabi naman ni Ate Let.

"Eh di ayos pala talaga." matipid kong ngiti. Pag wala ng bagyo, wala naring dahilan para mag stay pa ako sa mga Cuevas. Paano na ang Greyie ko. Paano na ang misyong kong mapabalik ang pag mamahal nya saakin?

"Eh bakit parang sad ka Ate Tala?" ngumiti ako. Syempre bawal ipahalatang malungkot ako.

"Hindi ah.. Masaya ako! Yehey!" tumalon talon pa ako. Haha..parang tanga lang.

"Wag mong sabihing aalis ka na kung wala ng bagyo?" nag pout pa ng lips si Beige na parang nangongonsensya.

"Ofcourse not! Diba nakapag paalam na ako kay Mam at pinayagan na nya ko kaya tatapusin ko muna yung birthday mo. Okay??"

"Ayos po Ate!" niyakap ako nito, so sweet tlaga. "Wait lang po te, may kukunin lang ako ha!?"

"Sure!" dumiretso muna ako sa lababo nila at nag hilamos, tamang tama naman na may dumaang nag lalako ng almusal kya lumabas sila Ate Let. Papasok na muna sana ako sa kwarto para mag punas ng muka at makasunod kila Ate kaso humarang si Grey sa harapan ko.

"Wag mo na sanang idamay si Beige sa kalokohan mo, nakakaawa ang bata." ha? kalokohan?

"Anong--"

"Kung aalis ka, umalis ka na wag ka ng mangako sa bata!" pag kasabi nun e dumiretso na itong lumakad palabas. Teka ano bang problema nito?

"Ano bang sinasabi mo?" imbes na sumagot ay dumiretso lang to ng lakad kaya humarang na ako sa dadaanan nito. "Ang aga aga ang sungit mo! Hindi ko pinapaasa yung bata. Kahit ayaw mo na kong makita sa bahay na to' susundin ko kung ano yung nasabi ko kay Beige!" nameywang pako sa inis pero ang hudyo nakipagtitigan pa ng mata sa mata. uuhh lala..

"Ang ayoko lang e yung mahalin ka din ng kapatid ko tapos sasaktan mo lang din naman!" what??

"Grey--" wala na sya dumiretso na sya ng lakad kainis!!! "Greyyy!!!" tawag ko pero nakalayo na ito at si Ate Let na yung nakatingin sakin.

"Tala anong gusto mo? Palabok o lugaw?" napakamot ako, gusto ko si Grey!! Kung pwede ko lang isigaw e..

"Kahit ano po." tipid ko na lang sagot tapos pumasok na ako sa kwarto. "Bwisit!!!" impit kong sigaw. Kelan ba ko pakikinggan ni Grey? Kelan ko ba mapapaniwalang mahal ko na sya? Bigla kong naalala ang itsura ko kanina, bwisit! Tumutulo pa sa pag hihilamos yung muka ko, bigla tuloy akong napaharap sa salamin. Kung dati wala akong pakialam sa itsura ko pag kaharap ko si Grey ngayon gusto ko lagi akong maganda sa paningin nya. Kainis kasi!!

****

Kinagabihan nag yaya si Ate Let na uminom kaya umoo kaagad ako. Bakit hindi e gusto kong tumakas sa pagka bagot ko dito sa bahay nila Grey. Paano ba naman umaga pa lang wala na yung pakay ko dito tapos sa gabi na uuwi, wala ako ginawa mag hapon kundi mag muni muni.

"Kaya mo ba to' Tala?" nanlaki ang mata ko sa dalawang muchong dala ni Ate Let. Mukang mapapasubo ako..haha

"Oo naman po Ate." ang tapang ko ewww e san miguel light nga lang ata ininom ko sa party ni Ma'm Lea naging talk of the town na ako.

Maagang pinatulog ni Ate Let sila Beige at Pinky kaya talagang lasingan na 'to.

"Tala matanong kita," medyo kinabahan ako. Aba tatlong tagay pa lang nagagawa ko e may hot seat kaagad.

"Ano po yun te?"

"May naging relasyon ba kayo ni Grey?" oopss muntik na akong masamid ah.. sabi na e lalasingin ako ni Ate Let para mapaamin ako. "Gusto ko honest ha, hindi na iba ang tingin namin sayo dito."

Sinaid ko muna ang pang apat kong tagay bago ko ito sagutin. "Honestly Ate, wala po. Siguro po kung mahal parin ako ni Grey magkakaroon na po e kaso po dahil sa katangahan ko ayun, na lost ko yung moon while counting the stars. Hehe.."

"Hmmm.. kaya ka ba nandito e para suyuin ulit si Grey?"

"Opo sana kaso ang ilap na po nya e.. Siguro nga hindi na talaga nya ko mahal." muli kong sinaid ang laman ng baso ko. Paspasan ituu hahah.. Bawal ang traffic sa tagayan!!

"Yun ang sa tingin mo?"

"Yun po kasi ang pakiramdam ko Ate."

"Ako? I think mahal ka pa ng kapatid ko." napatingin ako dito. Teka bakit parang dalawa na si Ate Let sa paningin ko? "Hindi ka nya iiwasan ng bongga kung hindi ka na nya mahal." nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko. "Wag mo syang sukuan Tala."

Matagal akong napatitig atsaka ako tumango. "Don't worry Ate hanggat kaya ko hindi ko sya susukuan." sabay ngiti ko dito.

"Ayos!!" nakipag appear pa ito. "Mahal mo na ba talaga?"

"Mahal na mahal po!! Woohhh!!!"

"Woohhh!! Yeah!!" tili rin ni Ate. Ayos, feeling ko nasa duyan na ako. Umiikot na ang paligid ko. Nagkakatawanan pa kami ni Ate Let ng biglang bumukas ang pinto.

And here is the man who always made my heart beat fast. Greycus Cuevas.

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now