25th Chapter

15 1 0
                                    

Medyo masakit ang ulo ko kinabukasan ng magising ako. Syempre hang over. Tumayo ako ng kama tapos lalabas na sana ako ng maalala ko yung nangyari kagabi. Homaygaadd!!!

Pasimple akong sumilip muna sa labas, tanaw dito tanaw doon. Gising na kaya si Grey?

"Ate Tala!"

"Ay kabayong puyat!" Napatalon ako sa tawag ni Beige ano ba yan!?

"Haluh ate grabe ka saakin ha!" Nagpeace sign ako. Hehe..

"Ginulat mo naman kasi ako. Teka nga." Lumabas ako tapos muling tumanaw tapos dumiretso na ako sa banyo para mag hilamos.

"Sino po ba kasi hinahanap mo?" Tanong nito pag labas ko.

"Wala naman, baka lang kasi may bisita na naman ang kuya mo e.."

"Ay Ate tara po almusal na po tayo." Sumunod ako dito tapos nakita ko yung madaming enseymada. Ohhh ehhmmm giiiieee..

"Wow! Kanino yang enseymada na yan?" biglang may inabot saakin si Beige na maliit na papel.

Mag almusal ka na tapos inumin mo yung gamot diyan para mawala yung hang over mo.. -GREY

Is it true? Guys tell me?? Di ko tuloy mapigilang di kiligin sa harap ni Beige.

"Sweet ni Kuya noh!? Teka po Ate bakit parang iba si Kuya ngayon? May nangyari po ba kagabi?"

"Ha!? Nangyari? Wala ah.. Nasan na ba sya?" Iniwas ko ang mukha ko dito dahil feeling ko nag ba blush na naman ako sa kilig.

"Namalengke po sila ni Ate Let tapos daw po didiretso sya dun kila Kuya Tan para po makapunta na sila sa resort." napakunot ang noo ko.

"Pupunta na sila sa resort? Ang aga naman ata?"

"Hindi naman po kasi talaga resort yun Ate, sa Ninang ko po yun. Bahay bakasyunan po nila e minsan na minsan na lang po mauwian kaya po medyo madumi ayun sila Kuya na lang daw po ang mag lilinis pati po mga barkada nya."

"Ahh..kaya pala." Medyo nalungkot ako di pala kami magkikita ngayon ni Grey. Hindi bale I will save this day. Bukas kailangan magandang maganda ako pag nagkita kami, chos!

"Okay.. Sige tara na breakfast na tayo!" Grabe ngayon na lang ulit ako inalala ni Grey, ito na ata ang simula ng lahat..hihi at syempre I'll make sure na magiging okay na kaming talaga.

"Hmmm.. I smell something fishy Ate ha!?." Natawa ako dito.

"Bakit naman?"

"Syempre po before halos palayasin ka na ni Kuya dito samin tapos po ngayon may enseymada pa syang hinanda for you." hahaha..oo nga naman.

"Naku ikaw talaga Beige! Wala yan, siguro nakokonsesya na sya sa ginagawa nya saakin. Hahah!!" nag thumbs up naman ito.

"Ay tama ka dyan Ate, sabagay topakin po talaga yun si Kuya minsan..hihi.."

"Sinabi mo pa."

"O gising na pala kayo!" sabay kaming napalingon kay Ate Let na dumating na pala at may bitbit na mga pinamili kaya dali dali namin itong sinalubong at tinulungan ni Beige. Sumilip ako sa labas at laking gulat ko ng makita ko si Grey bitbit ang isang supot. Buti na lang nakayuko sya bigla ko tuloy pinag tuunan ng pansin si Pinky. Siomai!!

"Goodmorning Ate Beige at Ate Tala!" Kiniss pa ako ng sweet na lamok este ni Pinky pala na may dala dala pang mga bagong laruan.

"G-Goodmorning!" bati ko din dito tapos kunwari tiningnan ko ang mga dala nito.

"O akala ko po ba didiretso na si Kuya kila Kuya Tan?" tanong ni Beige ng makita ito.

"Ewan ko ba diyan! Ang sabi e baka mahirapan daw ako sa mga bitbit ko e may service naman kami!" tiningnan ako ni Ate Let na halatang may halong panunukso. "Sa tingin ko meron lang yang sisilayan!" nakita kong nanlaki ang mata ni Grey kay Ate Let tapos kakamot kamot ito sa ulo nya na parang hiyang hiya.

Gosh!! Ako ba sisilayan nya?? Hahaha.. Haluh kinikilig ako pigilan nyo ko. Nginitian ko sya ng magsalubong ang mga mata namin tapos napangiti na din sya pero saglit ko lang syang natingnan. Aba naman nakakahiya kaya!

"Nag almusal ka na?" tanong nito saakin. Nakita ko naman ang pag hila ni Ate Let kila Beige at Pinky sa kusina.

"H-Hindi pa. Mag aalmusal pa lang. Na late kasi ako ng gising." kunwari napakamot ako sa noo ko.

"Lasing na lasing ka kasi kagabi." nakita ko ang pag ngisi nito.

"Ako lasing?? Hindi ah.." bigla akong nameywang sa harap nito. Nakakaloko at the same time nakakakilig ang ngiti ni Grey.

"Hindi??!" tumaas ang kilay nito.

"Hindi nga!" sinalubong ko ang tingin nito.

"So alam mo ang pinag gagagawa mo kagabi?" doon ako napayuko. Haluh!

"Ha?! Ahh may- may ginawa ba ako?" napakamot ako sa batok ko, bakit ba ang daming nangangati sa katawan ko pag kaharap ko si Grey? Pisti!

Sumalubong ang kilay nito. Siomai! Ano ba ang dapat kong sabihin? Na natukso akong halikan sya? Na alam ko ang ginawa ko? Na lasing pala ako?? Baka magalit na naman sya sakin.

"Pre akala ko ba didiretso ka na samin?" Sabay kaming napalingon sa lalaking pumasok.

"Dinaan ko lang si Ate Let Pre, sya nga pala si Tala!" Nginuso ako ni Grey dito tapos nginitian ako ng lalaki, sya siguro yung sinasabing Tan. Hay mahahalikan ko tong tao na ito atleast nasave ako!

"Hi!" bati ko dito.

"Uy hi! Ako nga pala si Tristan." kinamayan pa ako nito.

"Hello! Nice to meet you!" ngumiti ako ng tipid.

"Ang cute mo ha.." nakita ko ang pag siko dito ni Grey. "Ay pre tara na nag hihintay na mga tropa sa court!"

"Sige! Sige!" dinampot na ulit nito ang bag nito tapos bigla itong lumingon saakin. "Bukas agahan nyo nila Beige ha, bukas na tayo mag usap!" napatango na lang ako. Ano ba yan bukas pa ulit kami magkikita pero I'll make sure mag tatapat na ako kay Grey pag nag kausap kami.

"Sama na ako!" bulong lang yung ginawa ko nakatalikod na naman kasi sila Grey pero bakit parang may speaker ata yung boses ko kasi napalingon ulit si Grey na nakangiti.

"Puro kami lalaki baka maiinggit sila sakin pag may kasama akong chicks. Bukas na lang ha?!" nakagat ko ang labi ko. Ang lambing nya na mag salita saakin. Tala mag hunos dili ka!! Gusto ko ng takbuhin at yakapin si Grey e.. Tumango na lang ako tapos halos manlambot ako sa pag kindat nito bago tuluyang umalis.

Haaayy Greycus you make me crazy.....

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon