11th Chapter

27 2 0
                                    

Hapon na umuwi si Stef at kagaya nga ng nakagawian pinangaralan na naman ako nito pero alam kong lahat ng sinabi nya ay para narin saakin, still susundin ko parin kung ano ang nasa puso ko.

Maghapon din akong nag-isip kung ano ang tama sa mali at ang tama kong nagawa yun ay ang makatulog sa aking isipin. Umalis na naman si Stef, si Shane naman tulog na..haiii

**********

Kinabukasan maaga akong pumasok, nakakapanibago dahil wala si Grey para sunduin ako at samahan ako sa pag-aalmusal pero okay narin atleast wala ng makulit.

Nakayuko akong pumasok sa aming area pero bakit wala naman akong naririnig na kakaiba sa mga kasamahan ko, just like the old times ganun lang sila. Hay naku! Oa talaga ang bestfriend kong si Stef, talk of the town daw ako? Grabe talaga ang babaitang yun.

"Ayan na pala ang knock out girl." napalingon ako sa nagsalita, si Joshua ang isa naming kasamahan.

"Ano ba kasi ang pinag-awayan nyo ni Grey? Bakit ka nagpakalasing?" sabat pa ni Harold ang isa pang abnormal kong kasamahan. Hindi ako makasagot kasi ano ba namam ang isasagot ko? Naramdaman kong may umakbay saakin. Si Grey? kinurap ko ang mga mata ko si Stef pala.. :(

"Kayo talaga! l.q nga diba kaya hayaan na muna natin sila." hinila ako ni Stef sa aming locker room. "So naniwala ka na?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Nakakainis talaga ang mga echoserong palaka. Nakakatamad pumasok pero kailangan ko e..

"Okay lang yan best atleast si Grey ang alam nilang dahilan kaya naglasing ka ng husto diba?"

"Nakita mo na ba si Andrei my-- si Sir Andrei?"

"Yupp nandiyan na, why?" tumayo ako at nginitian ko na lang ang kaibigan kong nakakunot saakin. "Magpopropose na ako--aray!" nahawakan ko ang braso kong tinampal bigla nito.

"Magtino ka nga Crystala!" nginusuan ko sya at nauna na akong lumabas. Lumingon-lingon ako para tanawin si Sir Andrei. Sir Andrei na talaga kailangan ko ng harapin ang katotohanan. Dinaanan ko ang kids wear section at nakita kong nagkukumpulan ang mga panget na saleslady doon..haha..panget talaga dahil puro sila chismosa.

"She's here." narinig kong sabi nung isa. O diba tama ako?

"Alam mo Rina may mga tao talagang papansin." kunwari pang magkakausap ang tatlo pero saakin naman mga nakatingin.

"Yah..nagpakalasing dahil hindi matanggap na may girlfriend na pala si Sir Andrei. Hahaha.." tila mangkukulam ang mga ito kung tumawa kaya nameywang ako sa harap nila.

"Ako ba pinariringgan nyo?"

"Tinatamaan ka?" taas kilay pang humarap saakin ang isang mukhang mangkukulam dahil sa tangos ng ilong nito.

"E bakit hindi eh obvious na obvious na ako ang pinag-uusapan nyo, lahat kaya kayo saakin nakatingin." pinandilatan ko ang mga ito dahil naiirita ako.

"Totoo naman kasi yung sinasabi namin." mataas narin ang tono ng isa kaya naman tiningnan ko isa-isa ang mga pangalan nila sa i.d.

"Rina, Carla, Maria let's go to the office!" yaya ko. Marunong akong makipag-away pero dapat kong ilagay iyon sa lugar. Palihim akong natawa ng manlaki ang mata nung Rina at Maria, mukhang natakot sila..hihi..pero yung Carla taas noo parin ito.

"Sige tara!" hamon nung Carla. Wow! matapang! bigyan ng jacket yan..haha

"Hoy kaaga-aga anong pinagtatalunan nyo diyan?" biglang sumulpot si Ma'm Ailah sa gilid ko.

"Ma'm goodmorning po, as I've seen po kasi itong tatlo hindi naman nagtatrabaho puro tsismis lang po ang ginagawa." nakita ko ang panggigigil sa mukha ng tatlo.

"Carla yang kampo nyo namumuro na saakin ha!? Marami ang nagsasabing wala kayong ginawa kung hindi magkumpulan dito, pagkatapos kong kausapin si Tala kayo namang tatlo ang pumunta sa office!" Ako kakausapin daw? bakit? "Let's go Tala!" nginisian ko muna ang tatlo bago sumunod kay Ma'm Ailah. Ano kayo ngayon? Hahah..

Natawa ako sa mga kabado nilang itsura, mga epal! ang kakapal naman ng mga kilay.. Mga bakekang!! hahaha

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now