7th Chapter

26 2 0
                                    

"Bakit ka nandito?" napakunot ang noo ko ng makita ko si Grey na nasa loob na ng boarding house namin.

"Pinapasok ko sya. Bakit hindi na ba pwede?" nag-inat pa si Shane at saka humikab. "Sorry hindi mo naman kasi ako ininform kagabi." nagkamot pa ito ng ulo at saka lumakad pabalik ng kwarto. Ang luka mukhang wala pa sa sarili.

Binalingan ko naman ulit si Grey ng makaalis na si Shane. "Bakit ka pa ba pumunta dito?" tiningnan ko ang dala nya, syempre enseymada na naman pero hindi na ako padadala sa mga enseymada nya kahit sya pa ang nag alaga saakin nung nagkasakit ako.

"Okay ka na ba? Bilisan mo na malelate na tayo." ganda ng sagot nya diba?

"Mauna ka na, ayoko ng may kasabay."

"Okay na pala yung reservation natin sa Edge bar." sarap kutusan ni Grey diba? Patay malisya lang.

"Hmmpp..ewan ko sayo!"

"Kayo na bahala ni Stef kay Ma'm Lei mamaya, isabay nyo na lang din si Sir Andrei." bakit ba kapag pangalan na ni Andrei my loves ang naririnig ko e para akong bata na kusang napapangiti.

"Kasabay ko si loves?" nagningning na naman ang mata ko.

"Wag kang magsaya dahil tiyak kasama na naman nun si Ms. Jane." tiningnan ko sya ng masama at hindi ko na namalayan na namuo na pala yung luha sa mata ko kaya dali-dali akong nag-ayos. Palabas na sana ako ng hilahin ako ni Grey.

"Sorry." doon na tuluyang bumagsak ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit? Tipong parang naloloka lang ako at bigla na lang akong naiyak. Ako pa mismo ang sumumsob sa dibdib ni Grey at lalo pang suminghot. Bakit ba kasi sila magkasama kagabi???

"Kahit magkasama sila wala lang naman yun diba?" sabihin mong wala Grey.

"Paanong wala e yun yung matagal ng nililigawan ni Sir, hindi mo ba alam?" hudyo talaga! Naitulak ko sya sa sobrang inis.

"Diyan ka na nga! Panira ka talaga ng araw!" pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad. Nakakainis talaga yung mokong na iyon. Hindi ako naniniwala na si Ms. Jane ang nililigawan nya.

Ms. Jane?

Jane

Jan

Ja

J

May biglang nagflash back sa isip ko.

"Best yun pala daw nililigawan ni Sir Andrei e yung Jane Baltazar, sa kabilang branch daw yun e..kilala mo?"

"Pasalamat sya hindi ko sya kakilala dahil kung kilala ko sya aba! magdadasal sya na sana hindi nya na ako nakilala. Boom!" tinawanan ko na lang ang sinabing iyon ni Stef. Hindi kasi ako naniniwala sa sabi sabi unless si Andrei my loves na mismo ang magsabi saakin.

Back to the reality. Bigla na namang may kumurot sa puso ko. Sya na nga yun. Si Ms. Jane na nga yun. Waaahhh.. T_T

************

"Tala! Ngumiti ka naman! Kay aga aga para kang namatayan! Okay ka na ba?" nagulat ako sa boses na iyon ni Ma'm Ailah, ang bugnutin naming Manager. Masungit yan pero mabait din naman kung minsan.

"Sorry po Ma'm. Opo ok na po." pinilit ko ng ngumiti syempre lagot ako dito pag pinagpatuloy ko pa ang pagsimangot ko. Buti na nga lang at umalis na ito syang dating naman ni Stef.

"Ano na? Aga-aga kasi nakasimangot ka! Kamusta naman ang sakit mo?" isa namang feeling manager, kabait no? imbes na magtanong kung bakit ako busangot naku! mukha namang nakaramdam ang dakila kong kaibigan nung sumimangot ulit ako. "Best ano bang nangyari sayo?" tiningnan ko sya na parang naiiyak.

"Best si Ms. Jane."

"Anong meron kay Ms. Jane?"

"Sya ba si Jane Baltazar?" biglang nanlaki ang mata ng kaibigan ko.

"Hala oo nga best. Teka..teka..teka.. sila na ni Sir?" napapadyak ako.

"Best naman wag agad agad. Sinundan ko sila nung isang gabi nakita ko magkasama sila pero bigla silang nawala."

"Ay..sila na nga. Kaya yun nawala dahil nag biglang liko yun! Hahaha!" bruhilda talaga, feeling ko wala akong kakampi sa mundo kaya naman napaluha na ako.

"Uy best wag ka umiyak, sira to. Move-on ka na kasi. Andiyan naman kasi si Grey."

Pinilit kong itago ang sarili ko sa isang istante dahil unti-unti ng dumadating ang mga tao. Hindi ko kasi maimagine na may iba na si Andrei, ang hirap kasi sa taong yun pinaasa ako sa wala.

"Hoy! lukring anong meron?" sabay kaming napalingon ni Stef kay Ms. Lea. Naku! lalo tuloy akong naiyak, niyakap ko din si Ms. Lei dahil mamimiss ko din ang isa na ito.

"Last day mo na kasi. Mamimiss ka namin."

Nakita ko naman ang pagpipigil din nitong maiyak. "Lukring talaga kayong dalawa. Magpakabait kayo ha! Pag balik ko galing Singapore party party tayo." anito na yumakap narin.

"Ano ka Ma'm mamaya magparty party tayo kahit tatlo lang tayo!" kumindat pa ng palihim saakin si Stef. Oo Ma'm namin sya pero sya ang pinakamabait naming visor dahil tila barkada ang tingin nya saamin.

"Mamaya? Kagagaling lang sa sakit ni Tala ha!?"

"Okay na po ako."

"O sige last bonding nating tatlo. Col ako diyan. Tama na yang iyak na yan ha? Di pa ako papanaw." napatawa naman ako sinabi ni Ms. Lea at saka ito sumenyas na babalik muna sya sa pwesto nya, itatanong ko pa naman sana yung tungkol kay Ms. Jane.

"Ang galing talaga ni little kitten, may drama pa talaga!" nagulat kami kay Andrei my loves ng bigla itong lumabas sa gilid namin. Nagkatinginan tuloy kami ni Stef. "Are you okay now? Magaling ka na ba?"

"Opo Sir Andrei, I'm fine."

"Well, that's good wala na tayong problema mamaya?"

"Yes Sir, wala na po." si Best ang sumagot dahil napatitig na lang ako sa kagwapuhan ng loves ko.

"Good, so see you later on the Edge bar?"

Sabay na lang kaming napatango at bago pa umalis si loves ay pinat pa nya ang ulo ko.

"Drama daw yun para kay Ms. Lea? Adik talaga yun?" napabuntong-hininga na lang ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman kong sakit sa ginawang pagpat sakin ni loves.

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon