24th Chapter

13 1 0
                                    

Magkasalubong ang kilay ni Grey ng magtama ang paningin namin.

"O Grey nandiyan ka na pala! Come join us!" yaya ni Ate Let pero umiling lang ito.

"Anong meron bat kayo nag iinom?" parang bawal mag inom ha, ang lagay sya lang pwede??

"Birthday ni Beige!" sagot ko pero ngumiwi lang ito.

"Tsss.. Huwebes pa lang ngayon."

"Eto naman ang sungit sungit nag bobonding lang kami ni Tala!" humagikgik pa si Ate Let kaya nakita kong umiling iling pa si Grey at lumakad na papuntang kusina, bigla naman akong siniko ni Ate.

"Sundan mo na!" bulong nito.

"Po?" hano daw?

"Sundan mo na si Grey, sige na dapat bukas okay na kayo ha!? Haha.. dali!" ngumisi naman ako at tumango. Ako pa ba? Ganitong nag iinit na ang mukha ko aba go ako dyan!

Dahan dahan akong tumayo pero mumuntikan pa akong matumba buti na lang naalalayan ako ni Ate Let. Hahaha.. tawa pa kami ng tawa dalawa.

"Ano kaya pa ba?" thumbs up ang isinagot ko dito kasama ang ngisi ko habang tumatango.

"Keri pa te."

Binagtas ko ang daan papuntang kusina kahit hilo na ako. Sway my way! I need to know all about you! Haha.. napapakanta talaga ako pag lasing e..

Nag tama agad ang paningin namin ni Grey ng makarating ako sa kusina. "Hi!" nilagyan ko ng pang aakit ang ngiti ko pero ngumiwi lang ito.

"Bakit ka nandito?" magkasalubong ang mga kilay nito.

"Wala ahhmm.. kukuha sana ako ng tubig. Hihi.." di ko parin inaalis ang killer smile ko kahit alam kong naiinis parin ito.

"Wag mo na sanang ipakita dito ang ugali mo pag nalalasing ka." napatigil ako sa pag kuha ng tubig.

"Bakit ano bang ugali ko?" nguso ko dito. "Masyado kang masungit papanget ka nyan!" napahagikgik pa ako ng makita kong titig na titig lang ito saakin. "Wag ka namang matakot sakin pag lasing ako, di naman ako nangangagat e.." kinindatan ko pa ito. Tumatalab na kaya dito ang pag papacute ko?

Sumandal ito sa pader habang seryosong iiling iling paring nakatitig saakin. "Gusto mo bang malaman kung ano ang uga---

"Ssshhh.." nanlaki ang mata nito ng lapitan ko sya at harangan ko ng daliri ko ang labi nya, ang lambot ng lips nya grabe! Bigla tuloy parang may tumulak saakin para halikan ito. Pumikit ako at unti unti akong lumapit dito tapos ipinalit ko ang labi ko sa mga daliri ko at ilang segundo ko ding ninamnam ang labi nito. Oh my! Ano ba yung nagawa ko??

Nakatitig parin ito sakin ng humiwalay ako. Siyete alam kong namumula ang mukha ko hindi dahil sa kalasingan kundi dahil sa ginawa ko sakanya.

Mabilis akong umikot patalikod para narin makaiwas na dito pero parang may gumuhit sa ulo ko kasabay nun ay nahilo ako at muntik na akong tumumba buti na lang ay naalalayan ako ni Grey.

"K-Kaya mo pa?" napatango lang ako tapos kunwari tatawa tawa lang ako.

"Kaya pa..hikhik." Bigla naman ang dating ni Ate Let.

"O ano Tala? Tutulog ka na?" Ngumiti ako kay Ate tapos tumango.

"Opo te. Sensya na po..hehe" tinapik ako nito at tumango tango. Hayy save by the bell.

"Go na!" Hindi ko na nilingon si Grey bakit pa e wala na ata akong mukhang maihaharap. Nag tuloy tuloy na lang ako lumakad kahit hilo na ako, tapos dumiretso ako sa kama at pabagsak kong inihiga ang katawan ko.

Oneeee poiinntt!! Yuhoooo!! I love you Grey! I love you! I love you! Grabe mas maniac pa ako kay Grey ah..hahaha.. Ano kaya ang nasa isip nya ngayon? Nahatid kaya ng halik ko ang totoo kong nararamdaman sakanya. Sana... Sa isiping iyon bumigat ang aking talukap. I feel sleepy while I'm smiling..

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now