29th Chapter

15 1 0
                                    

Napansin ko ang pag iwas ni Shaira kay Grey, are they fighting ng dahil lang saakin?

Katabi ko si Grey ng mag start na kaming kumain tapos sa kabilang side ko naman si Ralph. They both gentleman para lang makakain ako ng maayos at ewan ba at minsan ay natatanaw kong sumisimangot si Grey.

"Thank you sa lahat ng nandito at kasama kong nag celebrate ng birth day ko!! Specially sa family ko at kay Ate Tala!" napangiti lang ako dito tapos itinaas nito yung baso. "So now, let the party started!!"

"Woooh!" napasigaw kaming lahat, syempre it's party time. Inalok ako ni Ralph ng alak pero tumanggi ako.

"Mamaya na ko." Sabi ko pero sa totoo lang ayokong uminom ngayon. Maya maya kasi e kakausapin ko na ng masinsinan ang mahal kong si Greycus.

"May iba ka pa bang gusto?" Natawa naman ako dito sobra kasing maaalalahanin nito.

"Okay lang ako Ralph. Ako ng bahala sa sarili ko ha, thank you!" Napangiti din ito, hayy ang kulit nya. Lumingon ako sa gawi nila Grey tapos nakita kong umiwas to' ng tingin.

Hmmm..nagseselos kaya sya? Hihi.. Lumakad ako palayo hindi naman as in malayong malayo medyo lang, sa kabilang resort mga ganun siguro tapos umupo lang ako sa ilalim ng puno habang natatanaw ko parin sila Grey, this time kitang kita ko yung tawa nya, yung totoong Greycus Cuevas. Ang tanga ko bakit ba hindi ko binigyan ng chance si Grey dati??

"Hi!" nagulat ako ng sumulpot si Shaira sa tabi ko.

"H-Hello!" anong ginagawa ng loka na 'to dito?

"Tanda mo pa ako?" bakit naman hindi. Gaga!

"O-Oo naman!" kunwari'y ngumiti ako. "Shaira right?" tumango ito.

"Matagal mo ng kasama si Grey sa trabaho?"

Ako naman ang tumango. "Ilang years na din."

"Alam mo ba? Simula ng mapunta yang si Grey sa Manila lagi na kaming mag katext nyan." napalingon ako dito, bahagya pang tumaas ang kilay ko. So what does it mean? "Lahat ng nangyayari sakanya nasabi nya saakin, lalo na nung sinaktan sya ng taong mahal na mahal nya."

Napalunok ako. What should I say? "N-Nagkwento sya sayo?" tumango ito.

"Lahat lahat nasabi nya kaya sabi ko sakanya umuwi sya dito at mag simula ulit kaming dalawa, buuin ulit namin yung mga pangarap namin dati. Akala ko nga di nya ako susundin pero buti na lang pumayag sya sa gusto ko."

Narinig ko yun ng malinaw kaya halos bumilis ang tibok ng puso ko. Mag simula daw ulit. Pangarap. Relax Tala. Relax.

"Alam mo Tala masaya na si Grey ngayon. Masaya na kami." humarap ito saakin na tila nangungusap.

"Ahh.. I-I'm sorry?"

"Please Tala nakikiusap ako sayo, wag mo na sana syang piliting bumalik sa Manila. Masaya na kami dito. Masaya na kami sa isa't isa." nagulat pa ako ng hawakan nito ang kamay ko. "Nandito na sya. Nakikiusap ako Tala. Mahal na mahal ko si Grey." nakita ko ang pag patak ng luha nito kaya hindi ko na din napigilang pumatak ang luha ko kasabay nun ang biglang pag alis nito.

Sunod sunod ng umagos yung luha ko habang sinusundan ko ng tingin palayo si Shaira. Alam ko na ngayon ang sagot. Sila na nga. T_T Panira lang ako.

Tapos na pala yung misyon ko. Wala na pala akong dapat sabihin or aminin kay Grey. Tama si Shaira masaya na si Grey ngayon, masaya na sila. Inilabas ko lahat ng sakit ng dibdib ko. Hindi naman ako nakikita ni Grey kung saan man ako nakapwesto ngayon e kaya hinayaan ko na lang ang luha kong umagos ng umagos.

"Tala!" nagulat ako ng tawagin ako ni Ralph, kitang kita ko sa mata nito yung pag alala saakin.

"Wag mo kong pansinin namimiss ko lang yung pamilya ko!" sabi ko tapos mas lalo lang akong napaiyak sa sinabi ko. Namiss ko kasi talaga sila Nanay.

"Alam ko namang hindi yan ang totoong dahilan." sabi nito na umupo sa tabi ko tapos dahan dahan nitong pinatong yung kamay nya sa likod ko para amuin ako. "Pansin ko naman kahit di mo sabihin saakin." tiningnan ko si Ralph na nakangiti lang saakin kaya naman napasandig na ako sa balikat nito at doon ako lalong umiyak. "Sige lang at umiyak ka lang tapos kapag pagod ka na umiyak mamaya makakatawa ka na."

Alam kong mabait si Ralph kaya palagay ang loob ko sakanya. Parang kapatid ko na ito kaya hindi ako naiilang na sandalan man lang sya. Sa saglit na nag kakilala kami e alam kong mapagkakatiwalaan ito kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong mag labas ng sama ng loob dito.

Loving Mr. Greycus CuevasWhere stories live. Discover now