Chapter 3

14.2K 431 24
                                    

NAKARINIG ng marahang pagkatok si Allysa sa pinto mula sa labas. Tumayo siya mula sa swivel chair para buksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang malungkot na mukha ni Alyce.

"I'm sorry," basag nito. "Can I come in?"

Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pinapasok sa loob ang kakambal. Naupo ito sa bench ng vanity table niya.

"Sorry nga pala sa mga nasabi ko noong isang gabi. I didn't mean to brought that up." Mabigat na bumuntong-hininga ito. "Is there any chance that I can still change your mind?"

"It's still a no, Alyce." Walang paligoy-ligoy at diretso niyang sagot. "Look, wala akong pakialam kung masasaktan mo man si Lance. Relasyon n'yo naman 'yang dalawa. I'm totally out of the picture, and not because I act like a good sister to you ay papayag na ako sa mga kahilingan mo. I'm sane enough not to meddle with your lives anymore."

It took her all the courage to straightly say those things on her face. Hindi naman sa wala siyang pakialam sa mararamdaman ni Lance. Truth is, naiinis nga siya kay Alyce. Kung tutuosin ay nasa kakambal na ang lahat. Mahal ito ni Lance at ng mama nila. Ano pa bang hihilingin nito? Kahit sa larangan ng musika ay kilala ito. She understand her sister's dilemma, pero ang mali ay ang pilitin nitong pagpanggapin siyang Alyce habang inaabot nito ang mga pangarap nito. She has to choose, she can't keep both.

Pero kailangan niyang panindigan na huwag nang makialam sa buhay nila Alyce at Lance. Kailangan niyang ilayo ang sarili para hindi na siya lalong masaktan. Dahil sa bawat araw na nakikita niya ang dalawa ay lalong pinipiga ang puso niya. Lalo siyang naiinis sa ka miserablihan ng buhay niya. Kung bakit walang taong gustong mahalin siya.

She plans to leave after Alyce and Lance's wedding. Gusto niyang magsimula ng bagong buhay at kalimutan lahat ng sakit at pait sa puso niya. She want to forget everything that made her unhappy. Baka sa ibang lugar ay mahanap na niya ang kaligayahan na inaasam niya.

Nang hindi pa rin ito nagsasalita ay nag desisyon na lamang siyang lumabas ng kanyang silid. Magpapahangin na muna siya sa labas.

"I'm sorry Alyce but I can't help you this time." Aniya bago tuluyang iniwan ang kapatid.

Nang makalabas ng kwarto at masara ang pinto sa likod niya. Bigla siyang nanghina kaya naisandal niya ang likod sa matigas na pinto. Napayuko siya at napabuntong-hininga.

Sana huwag mong biguin si Lance, Alyce. Lance really loves you. He gave everything for you. Ang swerte mo nga at may nagmamahal sa'yo at nagagawa mong gawin ang lahat ng gusto mo. Dahil kung ako 'yon, baka piliin ko na lamang ang simpleng buhay kasama ni Lance at mga taong nagmamahal sa akin. Kaso 'di naman ako, ikaw.



TUNOG nang tunog ang alarm ng cell phone ni Allysa kanina pa pero 'di pa rin siya bumabangon. Kahit naasar na siya sa tunog no'n ay humahablot na lamang siya ng unan at itinatakip 'yon sa kanyang mga tainga. Pero kahit siguro gawin niya 'yon habang buhay ay hindi pa rin titigil ang alarm clock niya sa pambubulahaw ng umaga niya.

Pikit ang mga matang bumangon siya at hinablot ang cell phone sa side table at ibinato 'yon sa harap. Buwesit! Bakit ba kasi siya nagpa-alarm?

Sandaling natigilan siya.

Teka, kailan pa ako nagpapa-alarm? She tilted her head. Bigla ay may naalala siya. Naimulat niya ang mga mata. Oh shit! Ngayon niya lang napansin na cell phone pala niya ang ibinato niya kanina at wala siya sa sariling silid. She grimaced the moment she saw the cracked on the screen of her phone. Napaawang ang bibig niya sa pagkagulat. Parang gusto niyang maiyak.

Mabilis na bumaba siya ng kama at sinipat ang cell phone. Napasalampak siya nang tuluyan sa sahig nang umilaw pa 'yon. Thank God! Nakahinga siya nang maluwag. Wala pa siyang balak bumili ng bagong cell phone.

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Where stories live. Discover now