Chapter 10

14.4K 458 43
                                    

PRENTENG nakahiga si Darwin sa mahabang wooden bench sa rooftop ng DESTINED MART. Nakaunan ang dalawang braso sa likod ng ulo niya habang nakatingala sa madalim na kalingitan na unti-unti nang napupuno ng mga bituin.

"Effective kaya 'yong ginawa ko?"

"Ano bang ginawa mo?"

"Eh kasi, nagkabuhol-buhol ang love path nila Allysa, Alyce, at Lance. Kailangan ko munang iayos 'yon. Takte naman talaga at naging complicated na tuloy ang –" biglang may pumatid sa bench kung saan siya nakahiga kaya nabuwal siya at muntik pang mamudmod ang mukha niya sa sementadong sahig kung 'di naging mabilis ang kilos niya. "Son of a –" pag-angat niya ng mukha ay ganoon na lamang ang pananlalaki ng mga mata siya. Fuck! "Papa?!"

"Nagmumura ka na naman sa isip Darwin." Napangiwi siya at umayos ng tayo. Pinagpag niya ang nadumihan niyang suot na jeans. "Ikaw na bata ka," lalo lang siyang napangiwi nang magsalita ulit ito. Para 'yong kulog na nag-i-echo sa buong kalangitan. Alam niyang siya lang ang nakarinig n'on at nakaramdam nang bahagyang pagyanig dahil sa boses ng ama. "Pinayagan kitang mag negosyo sa lupa hindi para pakialaman ang tadhana ng ibang tao!"

"Pa let me explain –"

"Silence!"

Para talagang babagyo sa tuwing magagalit ang ama niya.

Fine, he sort of lied kung bakit bumaba siya ng lupa. Buryong-buro na siya sa itaas sa kakapanood sa mga buhay ng mga tao. Para lang siya nanonood ng teleserye sa langit. It's just that, it takes them years to unfold things. He ended up calling it the loading destiny. Pucha naman kasi, lagi na lang may season two. Ang tagal ng development ng love story. Nakakaburyo.

His father was what they called on Earth "Mr Destiny". He don't do much though, pero madaming prayers at messages silang natatanggap sa Destiny Department. Eh wala namang ginagawa masyado ang tatay niya. Nanonood lang sa malaking screen sa opisina nito na maihahantulad sa laki ng screen sa loob ng sinehan. Ang ama lang niya ang mag-isang nandoon. Sa laki ng mundo, hindi niya alam kung paano nagagawa ng ama niya ang i-monitor lahat ng mga tao.

To make an epic description of his father, he's old and bald, maybe around 50 years old in the human world's age. He's the 3rd Destiny Guardian ever since the world was created by the highest God. So gurang na talaga si Tanda. He's usual attire is black suit, coat, hat and tie. He always have this pocket watch with him inside the pocket of his long coat. In my opinion, mas mukhang grim reaper ang ama ko kaysa isang Destiny Guardian.

There are 7 layers in heaven.

First layer is the guardian headquarters o ang tinatawag sa lupa na guardian angels. Second layer, is the soul quarantine o 'yong parang tinatawag nila na gate of heaven kung saan tinitignan muna kung nandoon pa rin ang pangalan ng mga namatay o kung ipapa-purgatoryo muna. He guessed, hindi naman siya ganoong gumagala sa ibang headquarters. May ganoong usap-usapan sa langit, kung totoo bang may purgatoryo o wala. Si Uncle Peter lang may alam. Anyway, souls get their ID pass from Uncle Peter.

Third layer is the destiny headquarters. This is the most boring and detailed work. Trust me! Fourth layer is the saint headquarters. Fifth layer will be the Sin Court of Justice. Hinuhusgahan muna ang mga souls na medyo fifty-fifty sa fifth layer. Sixth layer will be the Master's Board. Lahat ng mga head guardians sa iba't ibang layer ay nagmi-meeting doon kasama ang Highest God of all human and heavenly beings na tanging mga guardians lang ng each layer ang nakakakita. The seventh layer will be the Golden Gate of Heaven o 'yong tinatawag sa lupa na paraiso.

"Pinayagan kitang bumaba sa lupa hindi para mangialam sa tadhana ng tatlong taong 'yon. Naiintindihan ko kung hindi mo pa gaanong naiintindihan kung paano gumalaw ang kanya-kanyang tadhana ng tao. Pero hindi ko inasahang mangingialam ka sa buhay ng mga taong 'yon. Alam mo ba ang pwedeng kahahantungan nang pagmamanipula mo sa buhay nila Alyce, Allysa, at Lance, Darwin?!"

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Where stories live. Discover now