PROLOGUE

29.4K 650 41
                                    

"ALLYSA ALONZO," pabagsak na tawag kay Allysa ng disciplinarian na si Mrs. Dela Cerna nang pumasok siya sa discipline's office. Heto na naman sila. Sesermonan na naman siya ng gurang na 'to. Ano bang bago sa drama nila?

She rolled her eyes and crossed her arms over her chest before looking away. Pasasaan pa't mapapagod din ito sa pagsermon sa kanya. Hindi niya naman kasalanan kung hindi marunong lumaban ang mga kaklase niyang mga babae. Ang lakas-lakas ng loob na gumawa ng maling kwento sa likod niya. Hindi naman pala kayang lumaban ng harapan.

Ano bang masama sa paghila niya sa bagong rebond na buhok ni Precious? Para namang hindi lang siya ang nanghihila ng buhok sa mundong 'to. Tsk, those girls are annoying. Imbes na mag-aral ay chismis lang ang inaatupag.

"Huling taon mo na nga sa eskwelahan na 'to hindi mo pa rin tinitigilan 'yang mga kalokohan mo." The old woman sighed frustratedly and looked at her disbelievingly. "Since first year, seriously Allysa?"

"Ma'am hayaan n'yo na," bored niyang sagot while playing with the tip of her hair with the use her fingers. "Para namang bago pa 'yan dito."

"That's the point," tumaas na naman ang boses nito. "Sa apat na taon mo rito ay hindi ka man lang nagbago. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Bakit ba hindi mo magawang gayahin ang kambal mong si Alyce? Mahirap bang gawin 'yon?"

She glared at her but Mrs. Dela Cerna didn't seem affected by her disrespectful reaction. She hated being compared with her twin. She hated the whole comparison thing. It sucks that she wanted to curse the day they were born.

"Don't you dare look at me like that Allysa," she warned through gritted teeth.

"Then stop comparing me with Alyce."

"Watch your mouth Allysa," maotoridad na sabi nito.

She sighed and stood straight in front of Mrs. Dela Cerna. Kahit na gusto na niyang layasan ito ay pinigilan niya ang sariling maging bastos. Matalas lang siyang magsalita pero hindi naman siya ganoon ka bastos.

Inabot nito ang isang folder sa itaas ng mesa at ibinigay sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa folder pabalik sa mukha nito. Tumaas naman ang isang kilay niya. Seriously? Hindi pa ba kayo nagsasawang bigyan ako niyan? Reklamo niya sa isip.

"Make sure to give that back this time Allysa."

"I'll try," she shrugged.

Kinuha niya ang folder mula sa kamay nito at walang pasabing lumabas siya mula sa office nito. She looked at the folder on her hand one last time before throwing it to the first garbage can she saw in the hallway.

It was no use after all. Hindi naman 'yon pagtutuonan ng pansin ng kanyang ina. Noong unang taon siguro niya sa high school ay ibinibigay niya pa rito ang folder na naglalaman ng sulat tungkol sa ginawa niyang gulo sa eskwelahan pero nang magtagal ay nagsawa na rin siya. Hindi naman ito binabasa ng kanyang ina. Bagkus ay titignan lang siya nito nang masama sa mata at pagagalitan.

Kahit na 'di niya basahin ang laman ng folder alam na ng kanyang ina na may ginawa na naman siya. Ano pang silbi ng pagbibigay niya rito sa sulat kung hindi naman siya nito papansinin? Nang huli nga silang mag-usap ay sinabihan lang siya nito na bahala na siya sa buhay niya. Matanda na siya para sermonan pa.

Palibhasa hindi siya ang paborito at perkpeto nitong anak na si Alyce - her identical twin. She was not the prim and proper type of girl like her twin sister. She's wild and carefree. Laging nakatambay sa discipline's office dahil sa kalokohan. Laging napapagalitan dahil laging bagsak ang grado. Laging na sesermonan dahil matigas ang ulo.

Unlike her, Alyce is the angel while she's the devil incarnate. They may have the same face but they are totally different person. Alyce is the crowd's favorite while she's the crowd's most hated villain. But who cares? It's not that big deal for her. Nasanay na siyang kakarampot lang ang natatanggap na pagmamahal mula sa ibang tao.

Allysa Alonzo does not worth any love at all.

"Al,"

She gasped when out of nowhere someone grabbed her wrist. Gulat na nagpahatak lang siya sa lalaking nakahawak sa may pupulsuhan niya. Kahit na ang likod nito ang naka harap sa kanya ay kilalang-kilala niya kung sino ito. Si Lance.

Huminto sila sa isang bench sa lilim ng isang matandang puno. Walang tao dahil hindi pa naman oras ng labasan. Hinarap siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat bago pilit na pina-upo sa wooden bench.

Naiangat niya ang tingin sa mukha ni Lance.

"Saan ka ba galing?" his eyebrows furrowed while asking. "Kanina pa kita hinahanap. Sabi ng mga kaklase mo ay pumunta ka raw sa discipline's office." Huminto ito sa pagsasalita nang may kung ano itong napansin sa mukha niya. She immediately looked away. Nag-aalangang napahawak siya sa nasugatang pisngi kanina. It was just a scratch though.

Naramdaman na lang niya ang malambot na kamay nito sa kanyang mukha. Pilit na ibinabalik ang tingin niya rito. Itinaas niya ang isang kamay para alisin ang kamay nito saka siya yumuko.

Lance bent down on his feet and peek to see her face.

"Al," malumanay na tawag nito. "You're weird."

She didn't answer him but kept her mouth shut.

"Umayos ka na nga," hinawi nito ang tumabing na mga buhok sa mukha niya. "Hindi naman ako galit sa'yo." He tucked a strand of hair behind her ear before tracing the side of her face with the back of his hand. "Bakit nagkasugat ka na naman?"

Hindi niya pa rin ito sinagot. Tinitigan lang niya ang maamong mukha nito. Matangkad ito para sa edad nitong labimpito at medyo moreno. He has deep set of brown eyes na animo'y ngumingiti kapag nakatingin ito sa'yo. Matangos ang ilong nito at may mapupulang labi. Kung pagbabasihan ang taglay na kagwapuhan nito ay papasa itong hero sa mga young adult fictions na nababasa niya sa mga nobela at pocketbook.

Fine! He's cute and charming. He's not your typical handsome kind of guy. Lance is more like the boy-next-door. Lalo na kapag tumatawa at ngumingiti. Girls swoon over his charms and looks. Not to mention that he's smart and very responsible. Isa talaga siya sa mga ideal crush at boyfriend sa campus nila.

"Ayaw mo na namang magsalita," may kung anong hinugot ito sa bulsa ng itim na pants nito. "Alam mo minsan nagtataka ako kung bakit may mga pagkakataon na iba ang kilos mo. Wala naman akong nagawang kasalanan sa'yo para ikagalit mo ngayon, diba?"

Nang makuha nito ang nasa bulsa nito ay lumipat ito ng upo sa tabi niya. Pinihit siya nito mula sa mga balikat paharap dito. Matamang tinitigan siya nito bago sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Itinaas nito ang hawak na band aid sa harap niya.

"Masakit ba?" he asked. Lance started tearing off the cover and grabbed both ends of the band aid with his two fingers. He lifted his head to her and smiled. "Kung may na gawa man ako sorry," he moved closer before carefully placing the band aid on the exact spot of the wound.

"Done, buti na lang at scratch lang 'yan."

She touched the band aid on her face without tearing her eyes on Lance. Ilang band aid na ba ang naibigay nito sa kanya? Ilang ngiti at pag-aalaga na ba ang nakuha niya mula rito? Hindi na yata niya mabilang kung ilang beses nito ipinaramdam sa kanya na may nagmamahal pa rin sa isang katulad niya.

"Lance," pabulong na tawag niya sa pangalan nito.

"Hmm?"

"Hindi ako si –"

"Lance!"

Sabay silang napatingin sa tumawag sa pangalan ni Lance. Gulat na ibinaling ni Lance ang tingin sa kanya at sa babaeng nakatayo sa 'di kalayuan. Sandaling nagtama ulit ang kanilang mga mata bago ito tuluyang umalis sa harap niya at pinuntahan ang babaeng tumawag dito.

Pero ang ilang beses na 'yon ay hindi naman talaga para sa kanya dahil pagmamay-ari na ito ng iba... ng kanyang kakambal na si Alyce.

Humugot siya nang malalim na hininga.

"Lance," bulong niya sa hangin habang sinunsundan ng tingin ang papalayong magkasintahan. "Ako si Allysa," napangiti siya nang mapait.

Dadating kaya ang panahon na hindi mukha ni Alyce ang nakikita mo sa akin?

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Where stories live. Discover now