Chapter 20

13.9K 417 75
                                    

HINDI pinansin ni Allysa ang kunot noong tingin ni Lance sa kanya nang makita siya. Casual na naupo siya sa katapat na silya nito. Inilapag niya ang itim na pouch bag sa mesa at inalis ang sunglasses sa mata. Nakipagkita ito sa isang coffee shop at kahit kabadong-kabado siya ay pinilit niya talaga ang sarili na uma-aura ng isang nag-waging kontrabida.

Naka all black lang naman siya from head to toe. She wore a plain off-shoulder black jumpsuit at black closed shoes with two inch heels. Wala lang, gusto niya lang ipagluksa ang nangyayari sa buhay niya. Binawi lang sa light make up at red lipstick. Syempre, hindi naman siya pwedeng humarap kay Lance na hindi nakaayos. Pinapangatawanan niya lang ang Allysa na kilala nito. Sa kaartehan niya, muntik pa niyang mahalikan ang sahig nang madulas siya sa may entrance. Buti na lang na i-balanse niya agad ang sarili. Shaks! Pero 'di siya nagpahalata. Tuloy ang drama.

Bumalik ang seryoso nitong mukha.

Ang alam niya ay hindi pa rin nakikipagkita si Lance kay Alyce hanggang ngayon. Ni hindi nito sinasagot ang tawag ng kapatid. Tinawagan niya si Tita Sofia tungkol doon. Desidido na talaga si Lance na makipaghiwalay kay Alyce. At marahil 'yon din ang rason kung bakit nakipagkita ito.

"You look different," puna nito.

Binigyan niya ito ng ngiti. "Hindi naman si Alyce ang pinatawag mo. Si Allysa, diba?"

Muntik pa siyang masamid sa sariling laway dahil sa kaartehan. Hay ewan ko sa'yo Allysa. Umayos ka na riyan at pag-uusapan n'yo na ang pormal n'yong paghihiwalay. Nakakalungkot pero wala na siyang magagawa pa.

It had been awhile Lance. Kumusta ka na?

Tila ba may kung anong puwersa na nagtutulak sa kanya na yakapin ito. She wanted to hug him badly. She missed the warmth of his hugs. He wasn't smiling anymore. She couldn't even see any glint of happiness in his eyes. He was sad. I ruined you, didn't I? Gusto niyang hawakan ang mukha nito. Humingi ng patawad pero alam niyang hindi na 'yon tatanggapin ni Lance. Sapat na ang mga ginawa nilang panloloko para kamuhian sila ni Lance.

Napangiti siya nang mapait sa isip. It's sad to say but I could only love you from afar Lance. I've had enough of my lies. Lies that made me happy within the limited time life have given me. Don't worry, I would not ask for more. Tila napansin naman ni Lance na titig na titig siya rito. Mabilis na tumikhim siya at umayos ng upo.

"Ano nga pala ang kailangan mo?" basag niya.

"I need your help. You see, our marriage can be considered void. Meaning, kapag napatunayan na hindi ang totoong Alyce ang pinakasalan ko ay mapapawalang bisa ang lahat. It would seem like there was no marriage at all."

"And?"

"I want you to testify it. Although, malaki naman na ang chance na ma void ang kasal, still, I want your full cooperation to this Allysa. This would be the last favor I'm asking you. The first and last."

It's for the better. Console niya sa sarili. Tama lang din ang desisyon ni Lance. Alyce needs to accept the consequences of her actions. Hindi tamang ikulong nito si Lance sa buhay nito. Kailangan ding matututo ni Alyce na panindigan ang lahat ng mga desisyon nito sa buhay. Mali man o tama.

She nodded. "Okay, I'll do it."

But she was really curious. She wanted to ask him if there is a chance that Lance would learn to forgive Alyce. Hindi man ngayon pero maybe in the future.

"Hindi mo na ba talaga mapapatawad ang kapatid ko?" tanong niya.

"Sa tingin mo Allysa, magagawa ko pa bang paniwalaan lahat ng mga sasabihin sa akin ni Alyce? Pinagmukha n'yo akong tangang dalawa. You think it's funny?"

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα