Chapter 7

13.3K 460 31
                                    

PAGKALIPAS ng isang linggo ay tuluyan nang inilabas si Lance sa ospital. At sa nakalipas na buong isang linggo na 'yon ay hindi alam ni Allysa kung paano pakikitunguhan si Lance. Kahit na umaakto siyang Alyce ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagka-ilang. Tila pareho silang nangapa sa isa't isa. Ang kaibahan nga lang ay wala itong naalala pa tungkol sa kanila ni Alyce kaya may dahilan itong ma ilang.

Nahihirapan siyang tignan ito sa mga mata. Natatakot siyang baka mabasa nitong nagsisinungaling siya at nagpapanggap lamang. Isa sa mga kinatatakutan niya ay ang paminsang pagtatanong nito tungkol sa kanilang dalawa. Hindi niya alam ang tamang sasabihin.

Wala itong naalala kay Alyce o kay Allysa. Nabura lahat ng alaala ni Lance tungkol sa kanila dalawa. 'Yon ang pinagtataka nila. Isang malaking misteryo kung bakit naalala nito ang ibang mga bagay o eksena sa nakaraan nito. Pero hindi sila kasali sa mga alaalalang 'yon.

Parang isang puzzle. It was like, Alyce and her are the missing links to his lost memory. Sabi naman ng doctor ay normal lang daw 'yon, though rare na nangyayari 'yon sa bawat nawawalan ng alaalala. Dadag pa ng doctor, it's either the patient's lost memory had caused too much pain or too much happiness.

But for her, kaya siguro nawala ang memorya nito dahil sa matinding sakit ng pagtalikod ni Alyce rito. And she was liable with that pain as well. Nang dahil doon mas piniling kalimutan ng utak nito ang sakit na nagawa nilang magkapatid rito.

Naibaling niya ang tingin sa magkahawak na kamay nila ni Lance. Magkatabi silang dalawa sa back seat ng sasakyan habang nasa harapan naman ang mga magulang nito. Hindi niya alam kung ano ang kakahantungan ng lahat ng mga ito. Maaring magbalik ang mga alaala ni Lance, maari ring hindi na. Only time will tell.

Muli niyang naibaling ang tingin sa labas. Hindi niya maiwasang alalahanin ang pag-uusap nila ng mama ni Lance. Narinig nito ang naging sagutan nila ng kanyang ina noon sa ospital. Bago tumawag si Tita Sofia ay nakita pala siya nitong hinihila ng kanyang ina papunta sa hardin ng ospital. Sinundan sila nito at narinig lahat ng mga pinag-usapan nila ng kanyang ina. Napilitan siyang sabihin ang lahat ng totoo sa ginang.

"I can't believe this, Allysa. Paano nagawa ito ni Alyce kay Lance?" bumakas ang sakit at matinding disappointment sa mga mata ng ginang. Hindi niya magawang salubungin ang mga tingin nito. "Na saan na si Alyce? May plano pa ba siyang bumalik dito?"

"Hindi ko ho alam Tita. Sinabi niyang babalik din agad siya. Hindi ko nga ho alam kung kailan," napayuko siya. "Pasensiya na po Tita."

Tita Sofia heavily sighed. "Kapag nalaman ito ng Tito Lemuel mo, tiyak akong i-wi-withdrew niya lahat ng mga na invest ng kompanya namin sa AAAM."

Lumuhod siya sa harap ni Tita Sofia.

"Allysa!" singhap nito.

"Tita, huwag n'yo pong pababayaan ang AAAM. Importante ho 'yon sa Papa ko. Hindi po pwedeng mawala ang academy. Gagawin ko po ang lahat huwag n'yo lang pong i-withdrew ang lahat ng na invest n'yo na sa academy." Iyak niya. Hindi niya kayang mawala ang pinaghirapang eskwelahan ng papa niya.

"Tumayo ka riyan, hija." Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng ginang at pilit na pinatayo. "Dios ko Allysa. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang mga ito." Inalalayan siya nitong maka upo ulit sa bench. Hilam ang mga luhang naingat niya ang mukha rito nang hawakan nito ang mga kamay niya. "Hindi ko inasahan na magagawa ni Alyce at ng mama mo ito sa anak ko. Nasaktan n'yo ako nang sobra Allysa."

"I-I'm sorry Tita," she sobbed.

"Pero alam kong 'di kakayanin ni Lance kapag sinabi natin ang totoo ngayon. He's so lost right now Allysa. Kahit na wala siyang naalala tungkol sa inyo ay nakikita kong kumakalma siya kapag nakikita ka niya. And I'm sure Lemuel will not let this pass, sa ngayon hindi ko muna babanggitin ang lahat ng mga ito. For now, just be there with my son, Allysa."

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt