Chapter 2

17.6K 522 58
                                    

NAPALINGON si Allysa sa direksiyon ng pinto ng kanyang silid nang marinig ang isang pamilyar na musika na sa tingin niya ay nagmumula sa grand piano sa sala sa ibaba. Itinigil niya ang pagtitipa sa harap ng laptop niya at tumayo. Alam niyang ang kakambal niyang si Alyce ang tumutugtog ng piano. Lumabas siya ng kanyang silid.

At hindi nga siya nagkamali, nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa harap ng itim na grand piano habang tumutugtog ito. Nililipad ang mahabang buhok nito ng hangin mula sa nakabukas na floor to ceiling window na magdadala sa terrace ng bahay. Ang liwanag na nagmumula sa buwan ay nagsilbing spotlight nito habang tumutugtog ito sa harap ng piano.

Alyce is currently playing Franz Liszt's Love Dream. Ipinikit niya ang mga mata. Hinayaan niyang dalhin siya ng nililikhang musika nito sa mundong ginawa nito. She can hear all the emotions Alyce is putting in her own version of Love Dream. Every note of the tone was weaved with too much desperation; the need to do something that is a matter of life and death. A decision in her mind that she can't voice out. She seemed frustrated of something. She can hear it all through her sudden raised of notes and her chance-medley way of playing the music piece.

She always believe that Alyce is a great pianist like his father. Kaya lamang, hindi niya kailanman narinig sa mga musika nito ang emosyong lagi niyang naririnig sa tuwing tumutugtog ang kanilang ama - ang kalayaan at kasiyahan. Alyce is passionate with her music pero tila may kulang pa rin sa mga emosyon na naibibigay ng mga musika nito. Tila nakakulong ito sa idea na dapat maging perpekto ang bawat music piece na tinutugtog nito, masyadong 'yong pilit, at walang kalayaan. Nandoon ang puso pero hindi buo.

Pero sa mga oras na 'yon. Tila ba, nagkaroon ng kulay ang nililikang musika ng mga daliri nito. Nagkarooon ng pangalan at tamang emosyon ang piyesang pinili nitong bigyang buhay. For the first time, she heard a pure sadness in Alyce's music.

Bigla namang huminto sa pagtutog si Alyce kaya naimulat niya ang mga mata. Ilang segundo pa ay naibaling ni Alyce ang tingin sa gawi niya. Tipid na ngumiti ito sa kanya bago nagsalita.

"Halika," she moved a bit and tapped the space on her bench. "Samahan mo ako rito." Tumalima naman siya agad at naupo sa tabi nito.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya.

"Hindi pa ako inaantok," mahinang sagot nito. "Ewan ko, siguro dahil malapit na ang kasal namin ni Lance kaya nagkakaroon ako ng wedding jitters."

"Normal lang yata 'yon," tipid na ngiti ang ibinigay ni Alyce sa kanya but it wasn't enough to conceal the sadness she saw in her eyes. Alyce sighed before looking back at her. "Allysa,"

"Hmm?"

"Naalala mo ba 'yong laging tinututog ni Papa noong nabubuhay siya?"

"Of course," it's my favorite. "Why?"

"Can you play it for me?" malambing na pakiusap nito sa kanya.

"You know I don't play the piano anymore."

"Please," hinawakan nito ang dalawang kamay niya at marahang ipinatong sa itaas ng piano keys ngunit mabilis niya ring binawi ang mga kamay. "I miss him. I want to hear it again. You're the only person who can play that song as beautiful as father's." Malungkot na ngumiti ito.

Marahas na bumuntong-hininga siya.

"Fine, pero ngayon lang."

Alyce nodded with a genuine smile. "Thanks, Al."

Matagal na ring hindi siya nakakapagpatugtog ng piano. Hindi na nga niya maalala kung kailan 'yon. Like Alyce, she missed her father as well. She missed hearing him playing the piano for them. At kahit na matagal na 'yon alam niyang hindi makakalimutan ng puso niya ang kantang lagi nitong tinutugtog sa kanila.

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Where stories live. Discover now